Chapter Ten: First Day High

228K 2.1K 50
                                    



Gin's Point of View

I wanted to laugh when I saw that girl turned from a lioness to a mouse. Parang gusto kong humagalpak ng tawa. Maganda pa naman kaso ang taray. And to think na napaka-promiscuous na babae, hindi niya boyfriend pero nakikipaghalikan. At sa eskwelahan pa! And from what I saw she was an expert. I smirked. Bakit ko ba iniisip ang babaeng iyon? She was the ever first girl that caught my attention mula ng bumaba ako sa eroplano at makipag-lunch sa pamilya. At kaysa naman pag-usapan ang pulitika ay pinuntahan ko na lamang ang eskwelahan na sinabi ng lolo na siyang pag-e-enrollan ko dahil bukod sa kilala ang eskwelahan ay kaibigang matalik nito ang isa sa mga board of directors ng school.

Naalala ko na naman ang babaeng promiscuous. Well, she is a stunner. Mula sa maganda pero palaban na aura nito, her soft curls that contradict everything about her, to her captivating eyes na para bang may lungkot na tinatago---I smirked. Lungkot? Marahil dahil wala itong boyfriend!

Pero sa ganda niya, imposible. She can get whoever guy she fancies. Kagaya ng lalaki kanina. Pero di ba sabi nga niya hindi niya ito boyfriend. Sabagay malamang madaming girlfriend ang kagaya nito.

Wala rin pinagkaiba sa 'yo, tila tukso ng utak ko. Kumunot ang noo ko. Pero at least ako naman alam naman ni Shan na we are not committed to each other, and to think na kulturang kanluran ang kinalakihan ni Shan pati na rin ako kaya okay lamang sa amin na may mga one-time fling. Pero syempre sa Pilipinas, hindi pa naaangkop ang westernized culture. Bina-value pa rin ang dating tradisyon na faithful ang babae at lalaki sa isat isa lalo na kung nasa isang relasyon.

At kung ako ay may girlfriend dito sa Pinas, I am sure na naka-steady lamang ako sa isa. I value Filipino women because my mother is a Filipina. So kung ano ang values ng nanay ko, I make sure it is the same value I expect from the woman I want to be with.

Gin, tinatakbo ng utak mo.

Nang dahil sa babaeng promiscuous na 'yon ay kung anu-ano na tuloy ka-kornihan naiisip ko. Mas dapat kong isipin ay kung paano ako makaka-survive na kasama sa iisang bubong ang Papa.

"So how's the university? Did you like it?" Agad na salubong sa akin ng Mama pagkababang-pagkababa ko sa kotse. Mukhang kanina pa ako inaabangan.

I shrugged my shoulder. "Fine. But are you really sure, it's one of the best here?" I asked doubtfully.

"Oo naman. Pero don't compare it from HLS, syempre, iho, Harvard 'yon. They have a very high standard when it comes to competency. Hindi ko naman sinasabi na hindi ganoon dito sa bansa but it's quite different. I hope you will give it a chance and a good try," malambing na sabi ng Mama. I rolled my eyes upward. I hugged her and kissed her on the cheek.

"That's why you are my mother. You know how to rule your son," biro ko na natatawa. Magkaakbay na pumasok kami sa sala.

She laughs. "Natural. You are my only son, iho. And I know you very well."

"Ah, that I cannot contradict."

MAAGA pa ay naligo na ako at nagbihis, I want to attend class today kaysa sa mag-stay sa mansiyon buong maghapon. Some friends way back in high school called me up the moment they have learned I was in the country. Pero ilan lang naman ang talagang naka barkada ko roon. One of them is my best buddy, Ricky. He told me he will drop by at my new school.

Hindi ko inaasahan na makikita ko nang ganito ka-aga ang Papa sa dining room. It was too late to go back dahil nakita na niya ako.

"Carlos, come and join me for breakfast," he said. Ibinaba nito ang newspaper na binabasa.

Forgotten Memories Book 1 (2013)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon