Chapter Fourteen: The Bet

222K 1.8K 55
                                    

Alex's POV

O ano problema nito at parang lobong maninila sa sobrang pagkakapula ng mukha?  Did I say something wrong?

"Problema mo?" sabi ko na kinuha ang inorder ko na margarita.  "Beer?" alok ko sa kanya.

He glared at me angrily.  "Tingin mo sa akin, bobo?!" galit na galit na sabi nito.

Kumunot ang noo ko.  "Wala naman akong sinabi na bobo ka.  Ang sabi ko no brain."

Tila lalo itong nagalit.  Napainom na lamang ako sa margarita ko ng kulang na lamang ay magmukhang sumisingasing na tigre ang kaharap ko.  Ano bang ikinagagalit nito?

"At anong pinagkaiba non!" singhal nito.

Bahagya ko siyang tinulak kasi halos nakalapit na nguso nito sa akin.  "Well, for one I firmly believe na walang taong bobo.  Slow lang talaga ang comprehension.  Pero kapag no brain ka, it means wala talagang brain," I saw him reddened even more at gusto kong humagalpak ng tawa.  Ang sarap pala asarin ng lalaking ito.  Akalain mo patulan ang pagkakasabi ko na mukha siyang no-brain?!  But I am quite impressed, HLS?  For real?!  Hmm, hot and with brain huh?!  Not bad.

Nakakatuwa lang siyang inisin.  Salubong na salubong ang kilay at pulang pula mukha nito.  Halatang napikon sa sinabi ko.  I tried to hide my laughters ngayon lang ako tumawa ng ganito.  Na para bang tuwang tuwa ako.  Nakakatuwa naman talaga ang no-brain na to eh.

"Eh kasi kung may brain ka bakit ka aalis sa Harvard, di ba?" kunway pambobola ko.  I looked at him innocently.

Salubong pa rin ang kilay nito pero bahagya ng naapula ang pag iinit ng ulo nito.  


Naupo na ito uli sa stool.  "It's personal at wala ka na don," inis na sabi.


Gin's POV

Inihilamos ko ang isang kamay sa mukha to wipe the water.  I saw her coming down to the pool after stripping off her clothes.  And I didn't imagine she would undo her short!  Shit, she is so sexy.  Huwag ng isama ang dibdib nito na perpektong laki para sa body built nito.  Small waist and I am just kidding about her tummy.  It's perfectly flat.  And to think she is not that thin.

I saw the looks that most of the guys throwing at her but she is oblivious.  Ang tanging concern lamang nito ay------.

Napakurap ako.  It looks like she hates the water.  Nakasimangot kasi ito.  So if she does, why stay?  

She could go home.  Sabagay nandito ang lalaki nito.  Sa naisip ay nainis na naman ako.  I saw him looked at her at kung pwede kong dukutin ang mga mata ng gago na yon ginawa ko na.  I saw him stood up, and I easily swim to her side.

Nagulat ito ng bigla akong sumulpot sa harap niya.  Sa sulok ng mga mata ko nakita ko na hindi na tinuloy ni Fredrick ang pagtayo.  I smirked.


"Hindi ka ba marunong lumangoy?  I can teach you," I offered na nakangiti sa kanya.  Inirapan ako nito.

"I can swim Gin.  I just don't like to go on swimming tonight.  I just want to drop by and-----."

I smirked.  "And see him di ba?"

Napatingin ito sa akin.  Hindi ito sumagot.  She afloat while resting her head sa pavement ng pool.  I looked at her.  Her proud nose and the soft curve of her lips. 

I drew a breath sharply.  Mukhang naparami na ako ng inom at pati ang babaeng ito ay pinagnanasaan ko na halikan.  Napatingin uli ako sa labi niya na bahagyang nakaawang.  I want to know how soft it is or how sweet her mouth is.

I smirked.  Inilayo ko na sa kanya ang tingin ko.  I am sure na madami ng lalaki ang nakatikim ng labi na yan.  And the guy across the pool who is looking murderous ay isa sa mga yon.

"Are you going to stay the whole night here?"

Napatingin ako sa kanya.  She opened her eyes and looked at me.  "San ka ba umuuwi?"

"In my parent's house," walang gana kong sagot.

Umangat ang kilay ni Alex.  Curiousity is on her two almond brown eyes.   "Wala kang condo?"

"My mother is against living me  alone since I have been away from them far too long," ni hindi ko alam bakit ko sinabi iyon.  I never open my life to anyone else let alone stranger.

Nangalumbaba ito sa pavement.  "Ah mama's boy ka pala."

Naningkit mga mata ko.  "Hindi ako mama's boy!  Saka bakit ba lagi kang tanong ng tanong sa personal na buhay ko?  Stalker ka?"

Pinandilatan ako nito.  "Stalker ka dyan!  Natural na magtanong ako bagong estudyante ka, malay ba namin kung may criminal instinct ka!" nakangusong sabi.

Kulang na lamang masunog ito sa klase ng titig ko.  Kanina tinawag akong no-brain!  Tapos ngayon ginawa pa akong kriminal!  Ganito ba talaga ka psychotic mga babae sa Pilipinas?!

Sumosobra na talaga ang babaeng ito!

"Ako nga dapat mamrublema kung may matutunan ako sa eskwelahan mo eh mukha kang psychotic!" inis na sabi ko.  Ni minsan hindi pa ako nakasigaw sa isang babae ngayon pa lang!  Inuubos kasi nito pasensya ko!

Umirap ito.  "Kung wala ka man matutunan sa eskwelahan eh kasi nga no brain ka!  Dyan ka na nga!"

"Eh di umalis ka tinakot mo!"

"Talaga!"

Nanggigil sa inis na pinanood ko lamang na umahon siya sa pool at nag martsa papasok sa loob ng mansion.  Bitbit nito ang hinubad na damit.

Kuuu!  Nakakagigil talaga!




Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Forgotten Memories Hardbound Bundle Year 2022 (new cover)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Forgotten Memories Hardbound Bundle Year 2022 (new cover)


SEND us a message on Facebook: www.facebook.com/ForgottenMemories.mechaniclady

Forgotten Memories Book 1 (2013)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon