Chapter Twenty: Despicable Me

204K 1.5K 38
                                    


Gin's Point of View

Naningkit ang mga mata ko nang makita ang ilang naka-unipormeng mga lalaki na nag-aabang sa akin sa harap ng gate ng eskwelahan. Naisipan ko lamang na lumabas habang bakante pa ako dahil naiinis na sa akin si Isabella sa kakabantay ko sa kanya sa klase nito. Sinigawan na nga ako ng professor nila. Tawa pa ng tawa ang babaeng iyon!

"What are you doing here? Hindi ba sinabi ko na huwag ninyo akong susundan?" galit na singhal ko nang lumapit ako sa kanila. Namutla ang apat.

"S-Sir Carlos, sumusunod lamang po kami sa utos ni Gov. Mahirap na raw po dahil panahon na ng kampanya."

I laughed bitterly. Hanggang ngayon ay walang pinagbago ang Papa. Same old him. Same old politician that I know na pinoprotektahan lamang ang anak niya para maging kapalit niya sa posisyon.

Power overwhelms my own father and it hurts me more. Dahil pagmamahal ng isang ama ang hinahanap ko at ni minsan hindi ko iyon naramdaman sa kanya.

Tumalikod na ako. "Umuwi na kayo. May klase ako at ayoko na susundan n'yo pa ako o bubugbugin ko kayo isa-isa," banta ko.

Galit na bumalik na lamang ako sa loob ng campus. Wala naman nagtangka na sumunod pa sa akin.


Alex's Point of View

I sighed in relief ng paglabas ko sa klase ko ay wala na ang kanina pa nangungulit na si Gin. Napagalitan pa ito ng prof ko. Ang kulit naman kasi. Panay na tuloy ang tuksuhan sa loob ng klase kanina. Nakaaasar talaga!

"Alex!"

Napahinto ako paglalakad nang marinig ang pagtawag sa pangalan ko. Nilingon ko ito.

Si Fredrick.

"What do you want?" kunot ang noong tanong ko. Himala, wala ang Carmi na susunod-sunod dito.

He walked towards me at ng halos malapit na ito ay saka ako matiim na tinitigan. "Totoo bang nanliligaw sa 'yo ang Amboy na 'yon?"

"At ano naman sa 'yo?" inis na singhal ko. Akmang maglalakad na uli ako pero mahigpit na hinawakan niya ako sa braso. Maang na napalingon ako rito at sa pagkakahawak niya sa braso ko.

"Iwasan mo siya, Alex. Hindi ako papayag na maging karibal ko siya sa 'yo!"

I expelled a breath. Ipiniglas ko ang braso ko. "Pwede ba, Fredrick? Hindi mo siya karibal dahil unang-una baka nakakalimot kang girlfriend mo si Carmi! And secondly, he is not courting me!" Well, not formally.

Naningkit ang mga mata nito. "Carmi told us that he is courting you already, Alex. Na nagdi-date raw kayong dalawa."

Agad na nagkumulo na naman ang dugo ko. Talagang napaka-pakialamera ang babaeng iyon.

"And what if we did? Wala na siya roon! Your girlfriend is very nosy! Tell her to mind her own business! Warning Gin about me? Hah! Baka hindi niya ako kilala!" galit na sabi ko. "Tell that message to your bitchy girlfriend!"

"Alex!"

Pero nagmamadali na akong umalis. Naiirita lamang ako.




VISIT Forgotten Memories Page on Facebook

www.facebook.com/ForgottenMemories.mechaniclady

mechaniclady

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Forgotten Memories Book 1 (2013)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon