Chapter Thirty-Seven: Love Happens

183K 1.5K 118
                                    

Gin's Point of View


"O Gin, bakit hindi ka mapakali dyan?!" takang sabi ni Greg habang naglalabas ng maiinom. Kasalukuyang nasa study room sila ng bahay nina Greg at doon ginagawa ang project.

Ibinaba ko ang hawak kong cellphone. "Si Bella kasi hindi sumasagot kanina pa," sabi ko. I looked at the clock. It's past 8 pm na. At malamang nakikipag party na sa mansion ng Fredrick na yon. Napatiim ang labi ko.

Ang tigas talaga ng ulo ng babaeng iyon. Sinuway niya talaga ako. Nakakainis lang talaga! Ang hirap hawakan ng isang iyon.

I sighed in frustration na nakiupo na sa kanila. Pilitin ko na lamang na matapos lahat ang gagawin namin para masundan ko siya doon! Nakakainis kasi.

"Pare, mukhang wala ka sa mood maki join sa amin. Si Alex ba?" nakangising pang aasar ni Charlie.

"Ang tigas kasi ng ulo. Sinabi ko ng huwag sumama kina Fredrick, sumama pa rin," inis na sagot ko.

Napaangat ang mukha ni Agnes. Natawa ito. "Eh bakit naman ayaw mong payagan si Alex, Gin? Bago ka pa dumating party-goer na talaga ang grupo nila."

Naningkit ang mga mata ko. "I will not tolerate it."

Natatawang tinapik ni Charlie ang balikat ko. "Dude, baka naman masyadong masakal sa 'yo si Alex. Eh sanay na sanay yon sa mga party. Kung ako sa yo, hayaan mo na muna siya mag enjoy."

Nagtutumutol man ang loob ko hindi na ako kumibo.

Isang oras pa kami inabot sa ginagawa namin, at ng matapos ay nagka ayaan na mag inuman pero nag pass na ako. Kailangan na masundo ko na si Bella. Agad na pinaharurot ko ang kotse at nagtungo sa mansion ni Fredrick.

Mangilan ngilan ang kotseng nakaparada sa loob ng mansion. Bumusina ako. Agad naman na pinagbuksan ako ng guard. Nag diretso ako sa maluwang na lawn ng mansion. Nakikita ko na may nag sasayawan na sa gitna. Ang iba naman ay nag s swimming. Napatiim ang labi ko. Sa isipin pa lamang na naka two piece si Bella ay naiinis na ako.

Bumaba ako. Agad na pupuntahan ko sana ang pool pero nagulat ako ng makitang si Chele ang palapit.

"Gin?" takang sabi nito. "What are you doing here?"

"Where is Bella?"

Napakunot ang noo nito. "Ha? Wala naman siya dito eh."

Napatiim lalo ang labi ko. "And where did she go?"

Saglit na nalito si Chele sa tanong ko. "Wait, what I mean is wala naman siya dito. She didn't go. I called her kanina but she told me she'd rather stay at home dahil ayaw mo daw payagan."

Natigilan ako. Agad na nilipad ang inis ko. So, sinunod niya din pala ako.



JOIN THE HARDBOUND BUNDLE  RELEASE OF FORGOTTEN MEMORIES by Year 2023

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

JOIN THE HARDBOUND BUNDLE  RELEASE OF FORGOTTEN MEMORIES by Year 2023




AVAIL THE PROMO/DISCOUNTED price of Book 1 and Book 2 


If you want to read more of Forgotten Memories, or know my newest stories, preordering and releases,

VISIT MY WORKS AT WWW.NOBELISTA.COM

or

VISIT Forgotten Memories Page on Facebook

www.facebook.com/ForgottenMemories.mechaniclady

YOU CAN ALSO JOIN THE YEAR 3 MEMBERSHIP WHERE YOU CAN READ ALL PAID WORKS

www.facebook.com/mechanicladypublication

The Hardbound Cover of Forgotten Memories Book 1 Writer's Edition Batch 1 (first printing 2018)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

The Hardbound Cover of Forgotten Memories Book 1 Writer's Edition Batch 1 (first printing 2018)

Forgotten Memories Book 1 (2013)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon