Chapter Thirty-Four: 'Til There Was You

182K 1.5K 109
                                    


Gin's Point of View

I saw how her eyes grew larger than life when I told her she is going to spend her night with me. I wanted to laugh. Bigla nawala ang galit ko.

"Nasisiraan ka ng bait, Gin!" eskandalosang sabi nito na kulang na lamang lumuwa ang mga mata.

Nag-galit-galitan ako. "Bakit? Baka naman kasi gusto mo, 'eh, ang Lance na 'yon ang kasama mo!" Kahit napaka-absurd ay nagseselos ako. Bwisit na babae ito at ngayon lamang ako nakakaramdam nang ganito. Napagseselos niya ako!

At sa lalaking hindi ko pa nga nakikita! Paano na kaya kung nakikita ko pa?

Napamaang ito lalo. "You are being ridiculous, Gin! You didn't even know who's Lance in the first place!"

Naningkit lalo mga mata ko. "Eh, kung sabihin ko sa 'yo na alam ko ang love story n'yo? Na muntik ka na niyang pakasalan! At pumayag ka naman! So ibig sabihin gusto mo siya!" akusa ko.

Namutla ito. "W-Who told you that?"

I smirked. "Sinabi ko na sa 'yo, 'di ba? Pinsan siya ni Ricky. At kung makikita ko ang lalaking iyon sisiguraduhin ko na manghihiram siya ng mukha sa aso!"

Napakurap ito. "H-Hoy, Gin! Inaano ka ba ng tao? Saka, teka nga! Nagseselos ka ba?" awang ang labing tanong nito.

Hindi ako kumibo, humalukipkip lang. "I am not. Hindi ako marunong non," inis na sagot ko.

Natawa ito. "Ah ganoon ba? Eh ano tawag mo dyan?" nakangiti ng sabi nito na parang tuwang tuwa sa mukha ko. Naasar ako lalo.

"Naiinis lang ako," singhal ko.

She laughs. Naupo na ito uli sa tabi ko at sumiksik pa. Ang sira talaga! Nagwawala na agad hormones ko kapag ganito siya kalapit! Kainis!

"Uyyy! Selos siya! Kinikilig naman ako!" pang-aasar pa nito. Naningkit ang mga mata ko. She poked me. Napapitlag ako. Andun pa naman ang kiliti ko. Pinandilatan ko ito.

"Stop! Para kang bata, Isabella!" asik ko.

She poked me again. Napapitlag ako uli. Naiinis na tiningnan ko ito. "Sinabi ng tumigil ka na eh!"

She giggles. Naiinis man ako I was mesmerized by her look. Para lang kasi siyang bata. I sighed. Agad na hinila ko ito sa tabi, nawala ang ngiti nito. Nanlaki uli ang mga mata.

"You are very stubborn, woman. Now, give me a kiss," utos ko na itinuro ang labi.

Namula ito. "Gin!"

Napangisi ako. "Kiss me or I will kiss you," banta nito na pinandilatan pa ako ng mga mata. Naiinis na tinapik ko ang noo nito. Napasigaw ito.

"Aray naman! Dali na, kiss na."

Itinuro ko uli ang labi ko.

Alex's Point of View

Namumula na talaga ako. Sira talaga ito. Nakatingin lamang ako sa pagkakaturo nito sa labi.

"Isabella!"

"Oo na! Nagmamadali ka masyado! May lakad ka?" singhal ko. Naiinis kasi ako. Asan na ang Gin na sobrang sweet sa akin? Mula ng magbakasyon ito, parang ibang Gin na kaharap ko. Palagi pa akong sinisinghalan

"Oo! Dali na dami pa sinasabi," naiinis na sabi. Kulang na lamang kutusan ko ito eh!







Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




VISIT Forgotten Memories Page on Facebook


www.facebook.com/ForgottenMemories.mechaniclady

The Hardbound Cover of Forgotten Memories Book 1 Writer's Edition Batch 1 (first printing 2018)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

The Hardbound Cover of Forgotten Memories Book 1 Writer's Edition Batch 1 (first printing 2018)


SEND us a message on Facebook: www.facebook.com/ForgottenMemories.mechaniclady

Forgotten Memories Book 1 (2013)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon