Chapter Fifty-Five: My Summer of Love

138K 1.2K 102
                                    

A/N

My Summer of Love is a 2004 British drama film directed by Pawel Pawlikowski and co-written by Pawlikowski and Michael Wynne. Based on thenovel of the same name by Helen Cross, the film explores the relationship between two young women from different classes and backgrounds.Working class Mona (Natalie Press), whose once-hotheaded brother Phil (Paddy Considine) became a born-again Christian in prison, meets upper middle class Tamsin (Emily Blunt) who suffers from a lack of love in her family. Filmed in West Yorkshire, the film went on to win a BAFTA.



Alex's POV

Natigil ang pagbaba ko sana ng hagdan ng marinig ko ang sinabi ni Lian.  Nagkubli ako.  I could feel my own heart beating so fast.

"C'mon, Gin.  I know you since childhood.  Ikaw ang lalaking hindi pupwedeng iisa lamang ang babae," narinig ko na sabi pa ni Lian.  Kumunot ang noo ko.  Kahit pa nga wala sa mukha ni Gin ang pagiging santo parang hindi ko matanggap na ganon kakilala ni Lian si Gin.

"Grabe ka naman Julianna Christie!"

"Eww! Pwede ba Gin, huwag mo nga akong matawag tawag sa buong pangalan ko!"

"Bakit ba?  Eh yun naman talaga pangalan mo! Hahaha!  Ayaw mo maalala ang Lola no?!" humahagalpak na tawa ni Gin.

Selos.

I swallowed hard.

Nakita ko na dinampot ni Lian ang throw pillow at hinampas kay Gin.  Napakurap ako.  Para silang bata na naghampasan ng unan.

Kumikirot yung puso ko.  Ngayon ko lamang naramdaman ang ganitong klaseng selos.  Napayuko ako at saka tumalikod.  Hindi ko na magugustuhan na marinig pa ang masaya nilang tawanan.

Nagkulong ako sa kwarto na ibinigay sa amin ng katiwala ng tita ni Dean.  Napatingin ako sa labas, may azotea kanugnog ng kwarto at paharap sa dagat na malapit sa bahay bakasyunan.  Doon ako dinala ng mga paa ko sa azotea.  Naupo ako sa divan and drew a deep breath.

What's happening to me?

Pakiramdam ko bigla akong naduwag.

Seeing him and that girl na para bang kilalang kilala na nila ang isat isa.  I smiled wryly.  Kababata nga pala niya ito.  Natural na kilala na nila ang isat isa.  I bit my own lips kasabay ng pagkirot ng kalooban ko.

This is all new to me.

Yung makaramdam ako ng selos.

At takot at the same time.

Kasi alam ko na kilala nila ang isat isa.  Mas higit pa sa pagkakakilala namin ni Gin.  Napayuko ako.  


READ THE FULL VERSION ONCE YOU BECOME A VIP OR READ IT FOR FREE at www.nobelista.com


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Forgotten Memories Book 1 (2013)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon