Chapter Sixteen: First Date

224K 2.1K 142
                                    


Alex's Point of View

I yawned. Napatingin sa akin ang professor, inirapan ko lamang ito. Anong magagawa ko, eh, sa inaantok ako?

Kung bakit naman kasi umaga na halos ako nakauwi. At ang lokong Gin na 'yon gusto pa sa mansiyon matulog! Ano siya sinuswerte?

Natigil ang pag-iisip ko nang may pumasok. Hindi ko sana papansinin but he looks familiar. Ms. Mendez asked the newcomer to come forward at dahil nasa hulihan ako I did not bother to throw him another glance.

"Okay class. We have a new student here, and he is taking up English 324 with this class. He is Eugenio Carlos De Villa. Or well, you can simply call him daw Gin."

Napaawang ang labi ko na awtomatikong napabalik ang tingin sa harapan and there he is! Wearing the uniform---and he cuts his hair!

He smiled to the class and I admitted he is the most captivating sexy man I have ever met! He looked across the room at nagtama ang mga mata namin, I swallowed hard. He didn't smile he just stared back at me.

Pakiramdam ko ay kumakabog ang dibdib ko. Anong ginagawa niya rito? This is a minor subject and I believe na hindi kasama sa syllabus niya ang English 324. Naghihintay ako na lumapit siya sa akin pero naupo ito sa may unahan.

Napakunot ang noo ko. I thought he will come to where I am. Nadismaya ako roon. Pilit na nilalagay ko sa lecture ang konsentrasyon ko pero ang mga mata ko ay hindi maiwasan na hindi dumako sa kanya. Parang palagi na lamang akong nama-magnet sa kanya. Ipinilig ko ang ulo.

Shit and damnation!

Ano bang gayuma mayroon ang lalaking iyon at nagiging ganito ako whenever he is around. I saw him talking to Eliza, halatang binibiro at nagpapa-cute si Eliza rito. Si Gin naman ay mukhang tuwang-tuwa. Naningkit ang mga mata ko.

Pagbuhulin ko kaya sila?

At alisan ng eyeballs ang Eliza na 'yon! Naiinis na naisip ko. I drew a deep breath na ginawi na ang mga mata sa may bintana. I am beginning to feel irritation at ayoko na mag-walk out ako sa klase.

"He is cute!"

Hindi ako lumingon kung sino man ang nagsalita. Halata naman kasi na nakuha ni Gin ang atensyon ng mga kaklase namin.

Nang tumunog ang bell, I sighed in relief. Nagtayuan na ang mga estudyante. Agad na tumayo ako, hindi ko pa last subject ito pero dahil naiinis ako uuwi na ako agad. Bitbit ang gamit ko ay naglakad ako patungo sa pintuan. Walang lingon-likod.

Nadaanan ko si Gin na nakikipa-gkwentuhan pa sa makulit na si Eliza. Nang makita ako nito na palabas ay tumayo na si Gin. Nagpaalam kay Eliza. Halatang na-disappoint ang babae. Ako naman ay lalong binilisan ang paglabas sa kwarto.

"Wait up!"

Diretso lamang ako ng lakad. Naiinis ako.

"Isabella!" sigaw nito na kulang na lamang ay makipagsagasaan sa mga estudyante don. Diretso pa rin ako. Nagmamadali.

"Kapag hindi ka tumigil sa kakalakad mo, Isabella, I will kiss you in front of these students!"

Awtomatiko na napahinto ako sa paglalakad. Nanlaki ang mga mata ko. Napatingin sa akin ang mga estudyante na kasalubong ko. At ang iba ay alam ko nakatingin na kay Gin.

Nagpupuyos ang loob na nilingon ko ito. Nagulat ako nang makita na marami na rin ang nakahintong mga estudyante at nakatingin sa amin.

He grinned widely. "So, that's the magic word. Scare you to death, Bella," amused na sabi. Naglakad na ito palapit sa akin.

Forgotten Memories Book 1 (2013)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon