Chapter Twenty-Four: 50 First Dates

202K 1.7K 46
                                    


Alex's Point of View

Wala na si Gin ay tulala pa rin ako. Napahawak ako sa labi ko. It felt sore from his kisses. Maghapon ba naman na walang ginawa kung hindi halikan ako ng halikan! Sabagay, I enjoyed his kisses. I smiled.

Paglabas ko ng bathroom ay narinig ko na tumatawag sa akin si Nana Belen. Pumasok na ito.

"O andyan si Fredrick sa ibaba."

Naningkit ang mga mata ko. Ano naman kaya ang kailangan sa akin ng lalaking iyon!

"Sige ho Nana magbibihis lamang po ako," bagot kong sabi.

Nagpalit lamang ako ng short at t shirt na maluwang. Hindi na ako nag balang i blow dry ang buhok ko.

Naabutan ko siya na nakaupo sa sala at palabas na ang katulong na nagdala ng juice sa kanya.

"What do you want?" sabi ko ng makababa.

"You lied to me! " he said angrily. "Kayo na ng Amboy na 'yon! The whole school knows!"

Napakurap ako. Naalala ko bigla ang halikan namin ni Gin sa pasilyo. I drew a deep breath.

"Oo kami na nga. What's the matter with that Fredrick?" malamig kong sabi. "Single ako single siya and we both like each other."

Tumayo ito at ngumisi. "Like?"

Napakurap ako. Hindi ko nagugustuhan ang ngisi sa labi ni Fredrick.

He laughed mirthlessly. "Maybe he likes you but I doubt it if you like him really Alex. It's because of the bet, baka nakakalimutan mo. At ano kaya ang mararamdaman ng Amboy na yon oras na malaman niya na pinaglaruan lamang siya ni Alexandra Monteverde para sa kotse nito! Hah! Tingin ko higit na galit ang mararamdaman niya!"

Namutla ako.

The bet.

Shit.

"Tapos na ang pustahan, ako na panalo. I will tell Carmi to call it off!" inis na sabi ko. "Pwede ba umalis ka na Fredrick!" galit na pagtataboy ko dito. Pilit na nilalabanan ko ang pag aalala ko na nararamdaman. How foolish of me para makalimutan yon!

Ngumisi ito. "Goodluck with that, Alex. Alam mo na hindi papatalo sa yo ng ganun ganun na lamang si Carmi."

Wala na ito sa harap ko ay nanggigil pa ako sa inis. Kailangan na makausap ko na si Carmi!

Bago pa malaman ni Gin ang lahat!


Gin's Point of View

Napatigil ang pagnguya ko ng makitang nakatulala lamang si Bella at nilalaro ang pagkain. Nakakunot ang noong tiningnan ko ang plate niya, hindi man lamang niya nagagalaw iyon.

"Hey, any problem?" kunot ang noo kong tanong na hinawakan ang kamay niya. Tila saka pa lamang ito nagising na kaharap pala niya ako.

"N-No. I am okay."

Umangat ang isang kilay ko. "Okay? Eh hindi mo man lamang nagagalaw ang pagkain mo, Isabella. Don't you like it? Akala ko favorite mo yang steak," sabi ko. Napilitan din ito na sumama sa akin na mag dine out na lamang sa isang kilalang restaurant na malapit lamang sa eskwelahan.

Napatingin ito sa plate nito. Parang napahiya na hindi pa pala nito nagagalaw iyon mula ng i serve ang main course. She looks at me apologetically na binitawan na ang fork at kinuha na lamang ang tubig.

"Sorry Gin, h-hindi pa lang yata talaga ako gutom."

"But you have to eat, halika susubuan kita," sabi ko na pinaghiwa ito ng steak. At ng isusubo ko na sa kanya ay nakatanga lamang na itinutulak ni Bella ang kamay ko.

Forgotten Memories Book 1 (2013)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon