Chapter Thirty: Gone With The Wind

199K 1.6K 100
                                    
Alex's Point of View

I slowly wipe the tear that suddenly fell. Hanggang ngayon kasi hindi pa nagpaparamdam sa akin si Gin. And it's been two days since the party.

Hindi na ako magtataka kung pinagbawalan ito ng pamilya na makipaglapit sa akin. Hindi ko sila masisisi dahil nakakahiya nga naman na isang kagaya ko ang maging girlfriend ng anak nila.

I could feel the tough twisting of pain within me. Ni minsan hindi ko pa ito naramdaman. I bit my lips painfully. Kaya nga ayokong hayaan ang sarili ko na magkagusto sa kahit na kanino.

Masasaktan lamang ako.

At nasasaktan na nga ako.

Napakagat-labi na lamang ako na nahiga sa kama.

Wala akong magagawa kung iiwasan na ako ni Gin.

Sanay naman ako na iniiwasan kapag nalalaman nila ang madilim na pinagdaanan ng pamilya ko.

Kaya lamang masakit.

Masakit lamang ng sobra.

Nakatulog akong umiiyak.

***

"MAY sakit ka ba Alex?" nag-aalalang sabi ni Nana Belen sa dalaga ng makita itong tamilmil sa harap ng pagkain. Ilang araw na rin kasi nitong napapansin na parang may dinaramdam ang dalaga.

Tila maiiyak na umiling ito.

"O eh bakit ganyan ang mukha mo? Nag-away ba kayo ni Gin?"

Tila lalong maiiyak si Alex nang mabanggit ang pangalan ni Gin. At hindi na napigilan at patakbong niyakap ang nabiglang si Nana Belen.

"Alex!"

Umiyak lamang ito ng umiyak. Nahahabag at naguguluhang niyakap lamang ito ng matanda.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

VISIT Forgotten Memories Page on Facebook

www.facebook.com/ForgottenMemories.mechaniclady

mechaniclady

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

The Hardbound Cover of Forgotten Memories Book 1 Writer's Edition Batch 1 (first printing 2018)

Forgotten Memories Book 1 (2013)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon