Chapter Thirty-Five: What A Girl Wants

180K 1.2K 59
                                    



Carmi's Point of View

Iritableng pinagbabato ko ang mga pigurin sa loob ng kwarto ko! Inis na inis ako!

Shit! Akalain mo binalikan pa ni Gin ang babaeng iyon!

Mukha ngang nahulog na si Gin sa Bella na iyon. Nanggigil ako sa inis. Hindi ako makakapayag!

At tinanggihan pa ako ng lalaking iyon!

Wala pang lalaki na tumatanggi kay Carmi Jarlego!

Si Gin pa lamang!

Shit!

Maangkin ko siya! Kung kinakailangan na lasunin ko ang utak ni Alex gagawin ko!

Makuha ko lamang ang lalaking minamahal na ni Alex!

***

"Hindi pa rin ba umuuwi si Carlos?"

Napatingin si Governor De Villa sa ama. Pagkuwa'y ibinalik ang mga mata sa ginagawang pagpirma. Kasalukuyang nasa library siya ng pumasok ang ama.

"I don't know Papa, kanina pa ako dito sa loob ng library."

"Hanggang kailan mo babalewalain ang dapat sana ay responsibilidad na ni Carlos?" may halong tigas ang tinig ng matanda.

Napahinto si Ed sa ginagawa. Napatingin ito sa ama. "Papa, hinahayaan ko munang mapalagay ang loob ni Carlos sa atin. Kung pipilitin ko lamang siya agad agad ay baka maisipan na bumalik sa Amerika."

"At akala mo ba ay iyon ang dahilan kung bakit nananatili dito ang anak mo? Nandito siya dahil sa babaeng Monteverde."

Natigilan ako. Itinuloy ko na uli ang pagsusulat.

"Papasundan ko na siya sa mga bodyguards."

The old man sighed. "Hanggang ngayon hindi mo alam paano maging ama, Eduardo."

Napatiim ang labi ng Governor. "Bakit Papa? Alam mo ba kung paano?"

Naningkit ang mga mata ng matanda. Iwinasiwas ang kamay. "Huwag mong pakialaman ang babaeng Monteverde. Hindi ang brutal na istratehiya ang makakaresolba ng problema mo sa anak mo. Kagaya ng ginawa mo dati."

Mapaklang napangiti ang governor. "At ano Papa?"

"Hayaan mo muna. Hanggang makuha mo ang loob ng anak mo at mag desisyon siya na tumakbo sa pulitika!"

"Parang ganon kadali. Kilala niyo ang apo nyo. Napakatigas ng ulo."

"He has some weak spot. Use it. At sa ngayon, iisa ang kahinaan niya."

Kunot ang noong naghihintay ng sasabihin si Eduardo ng ama.

"That Monteverde's girl."

Napaawang ang labi nito.

"She is the only way to make your son runs for politics!"



Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




VISIT Forgotten Memories Page on Facebook

www.facebook.com/ForgottenMemories.mechaniclady


YOU CAN ALSO JOIN THE YEAR 3 MEMBERSHIP WHERE YOU CAN READ ALL PAID WORKS


www.facebook.com/mechanicladypublication

The Hardbound Cover of Forgotten Memories Book 1 Writer's Edition Batch 1 (first printing 2018)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

The Hardbound Cover of Forgotten Memories Book 1 Writer's Edition Batch 1 (first printing 2018)


s a message on Facebook: www.facebook.com/ForgottenMemories.mechaniclady

Forgotten Memories Book 1 (2013)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon