Chapter Thirty-Six: Bella

181K 1.3K 62
                                    


Alex's Point of View

"Bakit ganyan ka makatitig?" takang tanong ko kay Gin nang makitang nakatitig lamang ang lalaki sa akin.
Kasalukuyang nasa library kami. Dito kami nag-usap na mag-spend ng vacant period dahil tinatamad na kaming lumabas pa. Isa pa umiiwas ako na magsolo kami ni Gin. Natatakot din ako na ako ang hindi makapaghintay! Namula ako sa naisip. Paano naman pakiramdam ko...

I sighed.

I don't get ahead of things, but I feel I am falling for him.

I am afraid more than ever.

Umiling ito na ibinalik ang tingin sa binabasa. Napaangat ang kilay ko. Nagulat pa ako nang maya-maya ay may lumapit dito na ilang kaklase.

"Gin! Ano tuloy ba tayo mamaya? Naghihintay ng affirmation mo sina Greg," sabi ng isang lalaki.

Napaangat ang mukha ko. Nakita ko na nag-aalangan si Gin na sumagot.

"Subukan ko, Charlie. Mamaya pa namang 7 pm di ba?"

"Oo, basta hintayin ka namin," sabi na tinapunan ako ng tingin at alanganing ngumiti.

Nang makaalis ang mga ito ay patay-malisyang tiningnan ko ito. "May lakad ka?"

Hindi nito inaalis ang tingin sa binabasa. "Oo. Nagkaayaan kasi kami na tapusin sa bahay ni Greg yung project."

"Ah. Madami kayo?"

"Hindi naman."

"Ah. May kasama kayong babae?" lakas-loob ko na tanong ko. Mabuti na yung alam ko!

Nag-angat ito ng mukha. "Meron."

Napakurap ako. Aba at hindi man lang dineny! Napasimangot ako. Ibinalik ko na tingin ko sa ginagawa ko.

Huwag ko kayang payagan?

Sabihin ko magpapasama ako na bumili ng book sa National Bookstore.

Tama!

Pero sobrang obvious naman! Halatang ayaw ko siyang pasamahin! Naiinis na tuloy ako. Hindi man lamang niya tinanong kung papayagan ko siya!

Natigil ang pag-iisip ko nang mag-vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa bulsa ng palda ko at napaangat ang kilay ng makitang si Chele ang tumatawag.

"Chele," bati ko.

"Hi, Alex! Are you free tonight?"

Napakurap ako. "Well wala naman ako lakad, why?"

"Good! Kadarating lang kasi ni Fredrick from Europe so may party sa mansiyon nila pero tayo-tayo lang din naman. Isama mo si Gin."

"Ha?" Napatingin ako rito na tila walang pakialam na nagbabasa. "A-Ah hindi na. Kasi may lakad siya mamaya. Sige, I will come. Thank you."

Nagpaalam na ang nasa kabilang linya.

Tutal naman may lakad ito makiki-party na lang din ako. Kesa naman ma-bored ako sa mansiyon at mag-isip sa ginagawa ni Gin!

"Sino 'yon?" balewalang tanong ni Gin matapos kong maibalik sa bulsa ko ang cellphone. Napatingin ako dito.

"Si Chele. Nag-aaya sa party ni Fredrick, kakauwi niya lamang from Europe."

Nag-angat na ito ng tingin. Nakakunot ang noo. "At pumayag ka?"

"Oo. Wala naman akong gagawin mamaya eh. Saka isa pa, mabo-bored lamang ako sa mansiyon."

Napatiim ang labi nito. "You are not going."

Napatanga ako dito. "What? Did I ask for your permission if I will go or not?" mainit na tanong ko. Ni hindi nga niya hiningi ang permiso ko kung papayagan ko siya sumama sa mga kaklase niya tapos pagbabawalan niya ako!

Naningkit ang mga mata nito. Halatang hindi nito nagustuhan ang pagsagot ko.

"If I say no, then you are not going Isabella," he said in a firm voice.

Nanlaki ang mga mata ko. Nagtutumutol ang kalooban ko sa ginagawa ni Gin na pagmamando sa akin! It is absurd!

"I did not stop you from going to your classmates, bakit pinipigilan mo ako ngayon?" mainit na sabi ko.

"Project ang dahilan bakit ako pupunta! Where in fact ang pupuntahan mo ay party lamang!" nagpipigil ng inis na sabi nito.

Napasimangot na lamang ako na iniligpit ang gamit ko. Nawalan na ako ng ganang mag-aral! Nakakainis kasi!

"Where do you think you are going"

"Out," malamig na sabi ko na umalis na. Tinawag niya ako pero hindi ako lumingon.

Hanggang sa mansiyon ay dala ko ang inis kay Gin. Naiinis ako na pupunta siya na may kasamang mga babae tapos magagalit siya na pupunta ako sa party ni Fredrick.

"O nakabusangot na naman ang mukha mo iha. Nag-away na naman ba kayo ni Gin," concerned na tanong ni nana Belen nang maabutan ako sa sofa na nakaupo at nakasimangot.

"Paano naman kasi, nana, ayaw niya akong payagan sa party ni Fredrick! Eh, samantalang siya nga pupunta siya sa mga kaklase niya tapos may mga kasama pang babae!" nakasimangot kong sumbong.

Natawa si nana Belen. "Kuu, kayong mga bata kayo o. Eh mahirap naman yata na lagi kayong magkaharap ni Gin. Baka mamaya eh ano pang mabuo."

Namula ako. "Nana naman!"

Natawa ito. "O siya magpalit ka na ng damit at kumain ka na."

I sighed. Nag-ring ang cellphone ko. Napasimangot ako ng makitang si Gin ang tumatawag. Tumayo na ako nagtuloy sa kuwarto para maligo.

 Tumayo na ako nagtuloy sa kuwarto para maligo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



VISIT Forgotten Memories Page on Facebook


www.facebook.com/ForgottenMemories.mechaniclady

YOU CAN ALSO JOIN THE YEAR 3 MEMBERSHIP WHERE YOU CAN READ ALL PAID WORKS

www.facebook.com/mechanicladypublication

The Hardbound Cover of Forgotten Memories Book 1 Writer's Edition Batch 1 (first printing 2018)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

The Hardbound Cover of Forgotten Memories Book 1 Writer's Edition Batch 1 (first printing 2018)

Forgotten Memories Book 1 (2013)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon