CHAPTER 5

13.2K 321 53
                                    

Bumibigat ang paa ni Kira sa bawat hakbang niya papasok sa bahay ng kanyang ama. Tinawagan siya ng kanyang ama kagabi. Ipinagbigay-alam nito na may dapat silang pag-usapan nang masinsinan. Pwede namang niyang indyanin si Ellino pero hindi niya ginawa. Her gut feeling's telling her that today will become a big twist of her fate.

"Where's Dad?" taas-kilay niyang tanong sa matandang kasambahay na naabutan niyang nagwawalis sa sala.

Napahinto ito sa pagwawalis at agad na humarap sa kanya. Rumehistro ang kaba sa mukha nito nang magkasalubong ang kanilang mga mata. Napansin niya ang paghigpit ng hawak ng matanda sa walis-tambo.  Mukhang wala itong planong sumagot.

"Didn't you hear me?!" Kira asked with eyes narrowed.

Umawang ang labi ng kasambahay at agad itong yumuko. Nanatili itong tahimik. Ginagalit talaga siya nito.

"For Pete's sake! Can't you just answer me?"

Napapitlag and matanda at nauutal na sumagot, "A-ano po... H-hindi po ako maka-intindi ng Ingles."

Losing all her patience, Kira exasperatedly sighed and turned her back on the maid and decided to look for her father herself instead.  Maybe, it would be less frustrating.

She strode towards the long twirling staircase which leads to his father's private library. She was supposed to take a step on the stairs when she suddenly heard a familiar voice from behind.

"Ate Kira."

Napahinto siya nang mapagtanto kung sino ang tumawag sa kanya. Binalot ng iritasyon ang kanyang sistema. Pinihit niya ang sarili paharap kay Genevy. May gana pa talaga itong lumapit sa kanya. Tumaas ang kanang kilay niya nang makita ang malapad na ngiti sa mukha nito. Gusto niya iyong burahin sa mukha nito.

"Nandito ka pala, ate. Masaya akong makita ka, Ate Kiㅡ"

Awtomatikong lumipad ang palad ni Kira sa pisngi ni Genevy nang muli niyang narinig ang pagtawag nito ng 'Ate' sa kanya. Lumikha ng tunog kanyang pagsampal. Bahagyang tumabingi ang mukha ni Genevy dulot ng puwersa ng kanyang kamay. Sapo ang namumula nitong pisngi, agad na bumalik ang tingin ni Genevy sa kanya. Namilog ang mga mata ng dalaga. Gulat at takot ang rumehistro sa mukha nito.

"Sampal iyan ng reyalidad," matigas ang pagkakasabi niya sa bawat salitang lumabas sa kanyang bibig. "Huwag mo akong kausapin na parang close tayo. Huwag mo akong tawaging Ate dahil hindi tayo magkadugo. And next time, just zip your mouth. You won't want to mess up with me again."

Kira's lips stretched into a grin when she saw tears pooling in the corner of Genevy's eyes.

Pinasadahan niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa bago tumalikod sa gawi nito. Pagkatapos ay mabilis siyang humakbang sa bawat baitang ng hagdan. When Kira was on the fourth step of the staircase, she halted for a second and tilted her head a little sidewards.

"By the way, my black dress doesn't suit you, darling. Better take it off," she spoke with pure sarcasm.

After that, she resumed walking until she reached the next floor of the house. Hindi na siya ulit lumingon kay Genevy. Diretso siyang naglakad patungo sa silid na nasa gitna. Kira's sure that it's his father's library. Nakasarado ang pinto kaya dahan-dahan niya itong pinihit. Sumilip siya sa maliit na siwang upang makita kung sino ang nasa loob.

Umawang ang labi ni Kira nang mahagilap ang seryosong mukha ni Cadmium. Nakaupo ito sa upuang kaharap ng itim na desk ni Ellino. Nandoon din ang ama niya na sumisimsim ng wine. May kalayuan ang pwesto ng table mula sa pinto kaya hindi niya marinig ang pinag-uusapan ng dalawa.

When The Bitch FallsWhere stories live. Discover now