CHAPTER 19

10.6K 273 26
                                    

Natigilan lamang si Kira sa pagsambit ng mga salitang pilit kumakawala sa kanyang sistema nang maramdaman ang presensiya ni Cadmium sa gilid niya. Nang lumingon siya sa gawi nito'y agad niyang napansin ang muling pangungunot ng noo nito habang nakatingin sa kanya.

"Kira," mahina lamang ang pagbulong ni Cadmium ngunit ma-awtoridad pa rin ang boses nito. "Let's go. Pinagtitinginan ka na ng mga tao."

"Ano naman ngayon? Gusto kong sumigaw, e." Pinihit niya ang sarili paharap kay Black at tinaasan ito ng kilay. "Wala akong pakialam sa kanila."

Humakbang si Kira palapit kay Black upang punan ang distansya sa pagitan nilang dalawa. Isang ngisi ang sumilay sa mukha ni Kira nang hilain niya ang collar ng polo ni Black. Awtomatikong bumaba ang mukha ni Cadmium patungo sa kanya at iyon ang naging pagkakataon ni Kira upang angkinin ang nakaawang na labi ni Black.

It was obvious. Black was stunned when Kira's lips touched his. Xyrina could feel his body stoned as his breath became heavier and heavier each passing second. Their lips remained glued and still as a simple smooch.

However, when Cadmium has finally got the chance to realize what was happening, his hand suddenly trailed up to Kira's waistㅡpushing her body away from him. And that harsh gesture broke the kiss connecting the two of them.

"Why did youㅡ"

Nabitin sa ere ang gustong itanong ni Kira nang bigla na lamang siyang tinalikuran ni Black. Napangisi na lamang siya habang sinusundan ng tingin ang malalaki at mabibilis na hakbang ni Cadmium patungo sa kotse nitong nakaparada sa gilid ng cottage.

Habang nakamasid sa malapad na likod ni Cadmium ay agad siyang nakaramdam ng gutom. Literal na gutom. Kaya nang makita niya ang maliit na BBQ Haus na nakapwesto nasa 'di kalayuan, agad siyang nagpunta doon. Bumili siya ng ilang stick ng hotdog, isaw at pork. Well, she wasn't scared of eating such thing since the surroundings and facilities there were obviously clean.

Sampung minuto rin ata ang tinagal ni Kira bago makalabas sa tindahang iyon. Nangangamoy-usok na nga siya, e. She badly needs to bath under a shower of perfumes now.

Pagkatapos niyang bumili ng kaunting pagkain ay agad rin siyang bumalik sa kotse ni Cadmium, bitbit ang isang paper bag. Nang tuluyan niyang mabuksan ang pinto ng kotse ay bumungad sa kanya ang nakabusangot na mukha ni Cadmium. Nadatnan niyang nakakrus ang braso nito sa ibabaw ng dibdib nito habang prenteng nakaupo sa driver seat. Akmang magsasalita si Kira nang bigla na lang niyang narinig ang baritonong boses ni Black.

"Ba't antagal mong bumalik? Saan ka ba nagsususuot?" naiinis na wika nito. "Gutom na ako. Taraㅡ"

"Here." Nahinto si Black sa pagsasalita nang ipakita ni Kira ang hawak nitong paperbag. "I've bought it at BBQ Haus. We'll, grilled foods lang 'yan pero nakakabusog pa rin naman."

She tried to put a smile on her face but Cadmium just rolled his eyes on her.

"Ba't ba ang dami mo pang satsat? Ano bang akala mo, hindi ako kumakain ng ganyan?" Black popped a 'tsk' out of his lips as he intently gazed at her again. "Get inside now," seryosong utos nito at umiwas na ng tingin. "Mangingitim ka na sa pagbibilad sa araw."

Tumaas ang kanang kilay ni Kira kasabay ng pag-angat ng isang sulok ng kanyang labiㅡisang pahiwatig na siya ay kinikilig. Lumulukso ngayon ang puso niya sa tuwa dahil sa nangingibabaw na pag-aalala sa boses ng isang masungit na Cadmium.

"Fine." Mabilis siyang naupo sa passenger seat at marahang sinarado ang pinto. "Kumain na muna tayo dito. I don't want you to drive with a hungry stomach."

"Are you sure?" hindi makapaniwalang tanong ni Black.

"Yes." Kira nodded and showed him an assuring smile before taking out one stick of grilled pork from the paper bag.  "Here." She moved the stick towards Black's lips. "Tikman mo. Mukhang masarap 'to."

"Have you tasted it?"

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Black sa kanya at sa pagkaing nasa harap nilang dalawa. Ang nakasaradong kotse ay binalot ng masarap na amoy ng karne kaya lalong naghilab ang kalamnan ni Kira.

"Ayaw mo ata." Napairap siya sa hangin. "Ako na nga lang kakain."

Ang tanging tugon na natanggap ni Kira ay ang pagsasalubong ng kilay ni Cadmium. Akmang ibababa na ni Kira ang hawak na stick nang bigla na lang siyang hinawakan ni Cadmium sa pulsuhan at mabilis nitong kinagat ang isang piraso ng nakatuhog na pork.

"Masarap," simpleng wika nito pagkatapos ngumuya. "Try mo iyong hotdog o isaw."

Kunot-noong pinagmasdan ni Kira ang susunod na gagawin ni Cadmium. Bahagyang yumuko ang binata at kumuha pa ng isang stick ng hotdog mula sa paper bag na nakapatong sa hita niya. Akala niya'y iyon na naman ang kakainin ng binata ngunit napaawang na lamang ang kanyang labi nang iniumang ni Cadmium ang hotdog na hawak nito palapit sa kanya.

"Kainin mo ito. It's my thank you."

"What?!" biglang sigaw ni Kira. "Ako ang bumili niyan, in case you don't know."

Isang tipid na tawa ang kumawala sa bibig ni Cadmium nang marinig ang reaksiyon ni Kira. "Alam ko," simpleng sagot ni Black pagkatapos nitong tumawa nang mahina.

After hearing Cadmium's laugh for the first time, Kira felt her heart clenching in joy and surprise. Right there and then, she had the sweetest lunch with Cadmium which was witnessed by the small waves of the beautiful sea in front of them.

Pagkatapos nilang kumain ay lumabas muna si Black upang itapon ang basura nila at ang mga natira nama'y ibibigay daw nito sa mga batang nakakalat sa lugar.

Naiwan si Kira sa loob ng kotse ni Black. Tahimik siyang naghintay kay Cadmium habang tinititigan ang malawak na dagat na nasa kanyang harapan. She didn't know why, but every passing minute that she would stare on the beach's white sand, her heart would beat faster and faster and faster. And her mind would flash different scenes of imagination which includes her and Cadmium. She didn't even know why, but she suddenly felt sad and she suddenly felt that those thoughts were all real.

Natigil lamang ang malalim na pagmumuni-muni ni Kira nang bumalik na si Cadmium. Ang lahat ng katanungang nasa kanyang isip ay agad na nabura nang tumagos sa kanyang katauhan ang mapanuring tingin ni Black. Mukhang nagtaka ito kung bakit siya nakatulala pero hindi na ito nagtanong.

Tahimik itong umupo sa driver's seat at agad na pinaandar ang makina ng sasakyan. Nang tuluyan nang tumakbo ang kotse palayo sa dagat, agad ring binasag ni Kira ang nakakabinging katahimikan na bumalot sa loob ng kotseng minamaneho ni Cadmium.

"We've done checking the area so our activity for today is already done," Kira uttered as she tried to crack up one conversation. "You're taking me home now, right?"

Saglit na sumulyap si Black sa kanya ngunit agad din nitong inilihis ang tingin pabalik sa sementadong daan. "Ihahatid lang kita sa bahay mo para makakuha ka ng ilang damit at personal na gamit. Tapos sasama ka ulit sa akin."

"What?" naguguluhang tanong ni Kira. Nagkasalubong ang kilay niya dahil sa naging sagot ni Black. "Do we have other appointments scheduled today?"

"Save your questions first. Doon ka matutulog sa bahay ko ngayon," ma-awtoridad na saad ni Black habang binibigyang-diin ang salitang 'ko'.

When The Bitch FallsOnde as histórias ganham vida. Descobre agora