CHAPTER 36

9.9K 213 18
                                    

Kira jumped out of bed early today. Pilit pa nga iyon dahil puyat siya kakaisip ng halik ni Cadmium kagabi. But it's nothing bad for her. It brought her inspiration to groom before Cadmium arrived. She dressed up on her usual outfit at home because they won’t be going out today. He decided to work in-door for their project planning.

Pababa si Kira sa hagdan nang marinig niya ang malakas na ugong ng sasakyan. Agad niyang tinungo ang pinto ng sala. Nang buksan ito ay bumungad sa kanya ang itim na sasakyang pumarada sa gilid ng kanyang kotse. Lumabas mula doon si Black bitbit ang isang rolyo ng blueprint. Gaya niya ay simple lang din ang suot nito—nakaputing shirt na pinaresan ng khaki shorts at sneakers. Malayo ang itsura ng binata ngayon sa usual nitong porma na long sleeve polo at jeans.

"Hinatid mo pa si Caia?" tanong niya habang ito'y naglalakad patungo sa kanyang pwesto.

Tango lamang ang naging sagot ni Black. Inaya niya itong maupo sa sala. Si Kira naman ay dumiretso muna sa kusina upang maghanda ng apat na slice ng cake at dalawang baso ng juice. Pagbalik niya sa sala, nakita niyang hinihilot ni Black ang sentido nito.

Tumikhim si Kira kaya mabilis din itong nag-angat ng tingin. "Headache?"

Tumango lamang si Cadmium. Inilapag niya ang bitbit na tray sa center table. Pagkatapos ay kinuha niya ang blueprint sa tabi ni Black at pumalit siya sa pwesto. Ipinatong ni Kira ang blueprint sa kanyang hita.

"Uuwi ka din ba agad?"

"Why?" Napatitig si Cadmium sa kanya. "Are you expecting someone else to come kaya mo ako pinapaalis agad?"

Sarkastiko siyang tumawa. "Iyon talaga ang naisip mo?”

Nabahala siya nang makitang umigting ang panga ni Cadmium kaya binigyang klaridad niya ang lahat, “Wala akong ibang bisita ngayon. Ikaw lang, okay?"

Umaliwalas na muli ang mukha ng binata at inabot ang baso ng juice. "We'll be discussing things regarding the project and it may take an hour. Knowing you..."

Napa-iling si Black at hindi na tinapos ang gustong sabihin.

Tumaas ang kanang kilay niya. "Knowing you, what?"

Nagkibit-balikat si Black at sumimsim ng juice. Pigil-hininga niyang sinundan ng tingin ang pag-alon ang adam's apple nito habang umiinom. Hindi niya maipaliwanag ang saya habang nakikitang umiinom ito ng tinimpla niya. It’s like he’s finally accepting her as she is.

Nang mapansin ng binata ang pagtitig niya, tumikhim lamang ito at marahang dinilaan ang ibabang labi. Biglang nangatog ang tuhod ni Kira sa ginawa ng binata.

"Stop staring, Kira,” may halong inis na sambit ni Cadmium. "Mabuti pa'y buklatin mo na 'yang blue print."

Imbes na sundin ang binata ay ngumisi lamang si Kira. Hindi niya nilubuyan ng tingin ang mata ni Black. Labis ang pagpigil niyang kumurba ang labi habang pinagmamasdan ang pagguhit ng inis sa mukha nito.

"Kira..." ma-awtoridad ang boses ng binata nang sambitin ang pangalan niya. "Come on, I don't want to waste time. Kung hindi mo ako pakikinggan ay uuwi na ako."

She rolled her eyes at him, surrendering, before she opened the big roll of blueprint. "You're as bossy as ever.”

Tumikhim lamang ang binata at nagsimula na itong magtalakay ng bagay-bagay tungkol sa napagplanuhan nitong estruktura ng building. Tango lang ang naging tugon ni Kira sa bawat paliwanag ni Black. Isinandal ni Kira ang kanyang likod sa sofa pagkatapos ng discussion ni Cadmium.

"Gosh! This job is stressing," nauuyam niyang sambit.

"It won't stress you out if you love the job," rinig niyang komento ni Black habang nililigpit sa tabi ang blueprint.

"Yeah right. As if I chose this profession."
Sarkastiko siyang tumawa.

“You should have convinced your father na ayaw mo ng architecture,” he said coolly. "So, what does Kira Fuentes want in life, huh?"

Umangat ang sulok ng labi niya nang maalala ang isang bagay na matagal na niyang inaasam na mangyari. Umusog siya ng kunti at nilingon ang katabi. Inilapat niya ang kamay sa batok nito. Naubos na yata talaga ang hiya niya sa katawan. Napangisi siya nang nanlambot ang ekspresyon sa mukha nito. Unti-unti niyang naramdaman ang elektrisidad habang hinahaplos ang parteng iyon ng binata.

"Really Cadmium Harris? You're asking me about what I want?" nanunuya ang boses ni Kira nang muling magsalita. "Well, mister, all I want is to be yours and have you for me."

Nagdilim ang titig ni Cadmium. "You can't just own me."

Nakakapangilabot ang titig na ipinupukol nito sa kanya ngunit hindi napanghinaan ng loob si Kira. Seems like courage is a good friend of her.

"No, Black." She shook her head lightly and slowly in disagreement. "Mind you, I can."

Kumabog ang puso ni Kira nang iginiya ni Black ang kamay niya sa kaliwang dibdib nito. Malakas ang bawat kabog at para bang sumisigaw pero hindi para magbunyi… kundi ipaalam ang digusto nito sa kanya.

"You can't own me," mariin nitong sambit. "You lost my heart the moment you ruined my family."

When The Bitch FallsWhere stories live. Discover now