CHAPTER 48

11.9K 246 22
                                    

Nagkulay-kamatis ang pisngi ni Kira habang sabay silang umaakyat ni Cadmium sa hagdan. Hawak nito ang kanyang kanang kamay. Sa kabila naman ay bitbit nito ang isang baso ng gatas na para kay Caia. Sa tagal nila sa kusina ay hindi na ito masyadong mainit.

Cadmium's unexpected confession was still fresh in her mind... the tight cuddle, his soft whisper, the sincerity behind his words and the fast beating of his heart that synchronized hers.

That very moment, Kira's doubt surfaced. She thought she's no longer into him. But then, Kira figured out she was just afraid to admit that her love for Cadmium was just too hard to forget. He hammered her walls so quickly. Without her pride, she would have surrendered her heart again. But no, she learned her lesson now.

Kagat-labi siyang sumulyap sa binata. "Cadmium, iyong kamay ko."

"Hmm?" Namungay ang mga mata nito. "Anong problema? Naaasiwa ka ba sa hawak ko? Dapat masanay ka na."

Napabuntong-hininga na lamang si Kira at hindi na muling nagsalita. Tuluyan na silang pumasok sa silid ni Caia. Nakatagilid na ito sa kama. Umawang ang labi ng bata nang dumapo ang tingin nito sa magkahawak nilang kamay.

"Kuya... Ate..." namamaos ang boses ni Caia nang magsalita. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa. "Why kayo nag-hoholding hands?"

Nag-uumapaw ang pinaghalong hiya at kilig sa kanyang puso. Pero agad iyong napalitan ng pagtataka nang marinig na tumunog ang cellphone sa loob ng kanyang bag. Tumikhim si Cadmium at marahan nitong pinisil ang kanyang kamay bago binitawan. Inalayan nito si Caia sa pag-upo sa kama at inabot ang baso ng gatas sa kapatid. Pinanood niya muna ang dalawa bago kinuha ang kanyang cellphone. Nakita niyang si Xyrina lang pala ang nag-text, nagtatanong kung nasaan siya.

"You look happy na, kuya," komento ni Caia bago sumimsim ng gatas. "Your face is not parang pang-halloween na. Is it because of Ate Kira?"

Hindi niya narinig na sumagot si Cadmium ngunit naramdaman niya bigla ang presensiya nito sa kanyang tabi. Napasinghap si Kira nang hapitin ng binata ang baywang niya at binigyan siya ng isang banayad na halik. Marahas niyang naitulak si Cadmium nang marinig ang impit na tili ng kapatid nito.

"My gosh..." bulalas ni Kira at napahawak sa kanyang labi. "May bata sa harapan natin!"

"Ano ngayon?" Ngumisi si Cadmium. "My sister would understand. She knows that I love you."

That's it! Cadmium's unexpected actions were too much to take. Kira could no longer contain the tingles creeping in. He was a trigger, and Cadmium seemed to know his effect on her. He was just looking at her in amusement as his lips curved into a playful smile.

"You're blushing," pabulong nitong komento. "Kinikilig ka?"

"No!" malakas niyang singhal upang pagtakpan ang totoong nararamdaman. "Of course not! Hindi ako kinikilig."

Napairap siya nang magkasabay na tumawa ang magkapatid. Mahina lang ang halakhak ni Caia at umuubo pa ito.

"Defensive si ate," panunukso pa ni Caia.


"You two..." She pointed and muttered, "Bahala muna kayo dito. Bibili lang ako ng lunch natin."

Nangunot ang noo ni Cadmium. "Bakit kailangan mo pang bumili? I can cook for us."

"Sopas na lang ang lutuin mo para kay Caia. Ako na ang bibili para sa lunch natin. May malapit na Jollibee lang naman dito, 'di ba?"

"Ate Kira..." Bumahing si Caia. "Gusto ko ng fries at spaghetti."

Nilingon niya ang bata at nginitian. "Sure. Marami ang bibilhin ko para gumaling ka kaagad."

When The Bitch FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon