CHAPTER 6

13K 325 37
                                    

Lumikha ng dabog ang kanyang heels nang siya ay tuluyang pumasok sa opisina ng ama. kaya napalingon ang dalawang lalaki sa kanyang gawi. Nagpalipat-lipat ang tingin ni Kira kay Black at sa kanyang ama. Tumango lamang ang matanda. Katulad ng dati, magkasalubong na naman ang kilay ni Cadmium.

"Hi Black." She winked at him, not minding her Dad's presence.

Cadmium just moved his gaze away. He didn't even bother greeting her back. That hurt her a little. Kira was actually expecting that things would be a bit different now. Akala niya ay mag-iiba na ang pakikitungo nito sa kanya. She thought wrong. Mali bang nag-assume siya agad?
"Kira, anak."

Bumaling siya sa kay Ellino nang tawagin siya nito.

"Maupo ka na rito sapagkat marami pa tayong pag-uusapan," dugtong pa nito.
Imbes na sumunod sa gusto ng ama ay lumapit pa siya sa kinauupuan ni Cadmium, sa gilid nito mismo. Humawak siya sa upuan at ang ay lumapat sa balikat nito. He felt his body tensed.

Tumikhim si Ellino at binigyan ang binata ng makahulugang tingin. "Oo, kasama siya sa meeting na ito."

"Can't get more exciting," nakangisi niyang sambit kasabay ng pagdukwang upang halikan si Cadmium.

Nabigo siya sa pang-aasar sapagkat mabilis na umilag ang binata. She was offended, of course, but she tried not to show it. She's a natural when it comes to hiding the pain.
"Naiilang ka bang mahalikan?" pang-aasar niya pa kay Cadmium upang makabawi.

"Aren't you professional? You should know what's beso-beso."

Napangisi si Kira nang makita niya ang paglandas ng inis at kaunting hiya sa mata ni Black. His jaw was clenching as he stared through her eyes' depth. It feels like she's losing her breath because of the intensity between them.

"Ehem."

Mabilis siyang nag-iwas ng tingin nang marinig ang pekeng tikhim ni Ellino.

"Kira, please, seryosohin mo ang tagpong ito, " paki-usap ng matanda.

Nagkibit-balikat si Kira at agad na umupo sa bakanteng upuan na kaharap kay Cadmium. "Sure, Dad."

Napangisi siya nang makitang tumitig ang dalawang lalaki sa kanya. Parehong nakakunot ang noo nito.

"What?" Nagpalipat-lipat ang kanyang tingin kay Black at Ellino. "Better start talking now. Walang mangyayari dito kung tititigan niyo lang ang beauty ko."

"Anak..." Bumuntong-hininga ang kanyang ama, tila sumusuko. "Noong mga nakaraang araw, napag-isipan ko na magpatayo ng isa pang hotel. Kaya naㅡ"

Pinutol niya ang pagsasalita ng ama, "Kung ang pagsang-ayon ko lang pala ang gusto mong marinig, then okay, Dad. Payag ako sa plano mo. Pwede na ba akong umalis?"

"No," matigas na saad ng kanyang ama at tinuro siya sa kanyang inuupuan. "You stay here and we'll talk about your part in this plan."

Nangunot ang kanyang noo. "What? I'll be having my contribution in your project?"
Tumango lamang ang kanyang ama bilang sagot.

"Seriously?" She eyed Cadmium in suspicion. "You know something about this, don't you?"

Nagkibit-balikat lamang ang binata at pinasadahan siya ng malamig na tingin. "Show some respect, Kira. Ama mo ang kausap mo at hindi kung sinong tao lang."
Awtomatikong napaikot ang kanyang mga mata dahil sa sinabi ni Black. Her manners will always be a bad issue for him. That surely wouldn't change.

Inirapan niya si Cadmium bago muling itinuon ang pansin sa kanyang ama. "This is crazy, but I can pretend that I'm all ears now..."

Napailing na lamang ang kanyang ama at tipid na ngumiti. "As I was saying, napagdesisyunan kong magtayo ng isa pang hotel pero ipapangalan ko ito sayo. It will be your property."

"And?" she fired, certain that her father is about to discuss more.

"As you know, infrastructures can't be built without creative architects and great engineers," seryosong saad ni Ellino. Hindi siya nito nilubayan ng tingin. "I want you both to partner up and make the hotel construction successful. Show me your best work after three years.

It sank so quickly in her mind and realized it will be her first construction project. She was having hesitations, but it's an opportunity. If this project is a step closer to Black's life, then she'll accept it with enthusiasm.

Their meeting went on with only Cadmium and Ellino engaged into the conversation. Wala naman kasi siyang interes sa pinag-uusapan nito kaya nanatili nalang siyang tahimik. Well, if only her eyes have mouth, it'd talk nonstop about Cadmium and his damn good look.

Nang matapos ang meeting ay magkasabay silang lumabas ni Cadmium sa library. Nagpaiwan naman sa silid ang kanyang ama. Tahimik lamang si Cadmium habang pababa sila sa sala. Abala naman siya sa pagsagot ng tawag ni Zelena.

Napahinto siya sa paghakbang nang mapansing tumigil si Black sa paglalakad. Nangunot ang noo ni Kira. Mabilis siyang nagpa-alam kay Zel at tinapos na ang tawag.

Agad niyang sinundan ang tingin ni Black upang alamin kung ano ang sanhi ng paghinto nito. Umusbong ang iritasyon sa kanyang damdamin nang dumapo ang tingin niya kay Genevy. Nakaupo ito sa pahabang sofa habang pinupunasan ng towel ang sariling pisngi.

"Hi Kuya Cadmium! Hi ate Kira!"

Biglang kumulo ang dugo niya nang marinig ang pagbati nito.

"Hi Gen!" sagot ni Black na may kasama pang ngiti.

Nanlisik ang mata ni Kira dahil sa nasaksihan niya. Kasabay nito ang pagkirot ng kanyang puso. Kung sa ibang tao ay madali lang kay Black ang ngumiti, pero sa kanya ay hindi iyon magawa ng binata. It's not fair. Isn't she worth his smile?

When The Bitch FallsWhere stories live. Discover now