CHAPTER 25

10.3K 225 12
                                    

Nang makarating si Kira sa bahay ni Cadmium ay agad siyang hinila ni Caia sa kwarto nito. Hindi na siya nakapalag sapagkat ayaw niyang magtampo ang bata. Naiwan si Cadmium sa sala.
Sumalubong sa kanyang paningin ang maaliwalas na silid ni Caia. Malinis at  pambabae ang disenyo ng kwarto nito. Lahat ng bagay na nadadapuan ng kanyang tingin ay kulay pink. Iyong bedside table lang yata ang kulay itim dito.

"Ate, you sit sa kama. Magbibihis lang ako ng pajama," wika ni Caia habang inilalapag nito ang maliit na sling bag sa bedside table.

Tumango lamang si Kira bilang sagot at mabilis na umupo sa paanan ng kamang nakaharap sa pinto. Tanging hagikhik ang kanyang narinig kay Caia bago ito tumalikod sa kanyang gawi at naglakad patungo sa shower room, bitbit ang pink na tuwalya.

Ilang saglit pa'y natahimik na ang buong paligid. Ang paglagaslas ng tubig ang tangi niyang naririnig hanggang sa pumihit ang pinto. Mula sa pagkakayuko, agad siyang nag-angat ng tingin. Isang nakakunot ang noong Cadmium Harris ang bumungad sa kanya. Nakatayo ito 'di kalayuan sa kanya habang hawak-hawak ang gilid ng nakaawang na pinto.

"What are you doing here?" Those words just slipped out of her tongue.

Lalong nagkasalubong ang kilay ni Black habang pinapasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.

"What are you doing here?" Ibinalik nito ang tanong niya.

"Dinala ako ni Caia dito." Nagkibit-balikat si Kira. "Is there any problem with that?"

"You knew why I brought you here, Kira." Marahan nitong hinilot ang sariling sentido. "We are supposed to plan for our project tonight. Hindi iyong pupunta ka dito at makikipagkuwentuhan lang sa kapatid ko tungkol sa mga walang-kwentang bagay."

Irritation suddenly filled her. She rolled her eyes at him and uttered, "What's wrong with that?"

"Damn Kira!" His voice thundered all over the room. "Grow up! You are not a kid anymore. Nakikita mo ba ang sarili mo, ha? Wala ka pang permanenteng trabaho. Lahat ng mayroon ka, galing lang 'yan sa ama mo. Wala ka pang napupundar na pinagsikapan mo talaga. Pati pag-uugali mo, hindi mo inaayos. Kailan ka ba magbabago, ha?"

Her heart thumped so hard, it ached. Nagtaas-baba ang kanyang dibdib dahil sa pinaghalong takot sa nakikita niyang galit ni Cadmium at galit na nagmumula mismo sa kaibuturan ng kanyang pagkatao.

"Seriously Black, what's with you now?” she countered. “What's with the outburst?  For goodness' sake! I am just sitting here inside your sister's room. I'm not doing anything wrong!"

"Not doing anything wrong? Really?" Biglang kumawala sa bibig ni Cadmium ang isang nakakalokong tawa. "Kira, when it’s you, everything’s wrong! Tell me, are you really aware of your image as Kira Fuentes? Walang kwenta. Iyon ang tingin nila sa'yo." Humugot si Black nang malalim na hininga at marahang umiling. "Why don't you change it? Why don't you try to be better?"

Nanginginig ang kamay niya sa galit at sakit. Baon na baon sa kanyang isipan ang lahat ng masasakit na bagay na ipinapamukha sa kanya ni Black. Hindi siya apektado sa kung ano man ang sinasabi ng iba tungkol sa kanya. Wala siyang pakialam doon. Pero ngayong si Cadmium na mismo ang nagsabi noon sa harap niya, pakiramdam niya'y tinamaan siya ng isang nakakabinging sampal.
Kagat-labing napayuko si Kira habang pinipigilan ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. Nawalan siya ng lakas upang sagutin ang binata ngunit pinilit niya ang sariling magsalita. Hindi siya nagpadaig sa labis na insultong sikreto niyang nararamdaman ngayon.

"Is that how you see me, too? Walang kwenta?" Mapakla siyang tumawa at ipinagkrus ang kanyang braso sa sariling dibdib. "I don't care, Black. I don't really fucking care."

Umigting ang bagang ni Cadmium kasabay ng lalong pagdikit ng mga kilay nito. Gumuhit ang nakakalokong ngisi sa labi ni Kira nang makita ang iritasyon sa mukha ng binata. Sinikap niyang tumayo kahit na nanghihina ang kanyang mga tuhod.
Tinaasan niya ng kilay si Cadmium at lakas-loob na nagtanong, "Why would I change for the better when I'm already the best?"

Lalong kumabog ang puso ni Kira nang humakbang si Cadmium palapit sa kanya.

"Come with me," ma-awtoridad nitong saad at mahigpit na hinawakan ang kanyang pulsuhan.

"Saan ba tayo pupunta?" Nagpumiglas si Kira nang hinila siya ni Cadmium palabas sa silid.

"I'm takingㅡ"

Narinig niya ang boses ni Caia kasabay ng pagbukas ng shower room. "Ba't mo hinihila si ate Kira?"

When The Bitch FallsWhere stories live. Discover now