CHAPTER 33

10.5K 202 18
                                    

From the university's garden until their walk back to his car, he was just holding her hands tight.

Without much words, he drove to the nearest Filipino-style restaurant. Magkasabay silang lumabas ni Black sa kotse nito ngunit naunang maglakad ang binata papasok. Mabilis namang nakahanap ng bakanteng table si Cadmium.

Ilang saglit pa'y may lumapit nang waiter sa table nila at naglahad ng menu. Purong Filipino dishes ang naroon kaya pinili niya ang caldereta at vegetable salad. Ganoon din ang in-order ni Cadmium.

Nagpaalam ang waiter sa kanila sandali. Nang bumalik ito'y may dala na itong tray ng pagkain. Isa-isa nitong inilapag ang orders nila sa table kasama ng malinis na pinggan.

"This place seemed luxurious and very fine," Kira uttered as she tried to open up a conversation.

Sandaling tumingin si Black sa kanya pagkatapos ay yumuko din ito. "Bago pa itong restaurant na ito."

Tumaas ang kilay ni Kira. "How did you know?"

"Noon, I usually invite you to lunch dates." Tumikhim ito at agarang sumubo ng isang hiwa ng patatas. "Pero wala pa noong restaurant dito kaya doon kita dinadala sa maliit na kainan sa kabilang street."

"Sweet," she commented before letting a soft chuckle escape her mouth.

Mapaklang ngumiti si Cadmium at ‘di na muling sumagot. May musika mang pinapatugtog sa loob ng restaurant, ramdam niya pa rin ang presensiya ng katahimikang pumapagitna sa kanilang dalawa. Itinuon na lamang ni Kira ang pansin sa pagkain at mabilis iyong inubos.

Pagkatapos nilang kumain ay tinawag ni Black iyong waiter upang magbayad ng bill. Nang kumuha siya ng pera sa sariling wallet ay sinipat siya ni Black ng masamang tingin at sinabing ito na mismo ang magbabayad. Napairap na lamang siya at mabilis na tinago ang wallet sa kanyang bag. Pagkatapos noon ay agad nilang nilisan ang restaurant.

"Saan tayo ngayon?" tanong ni Kira habang nagtitipa sa kanyang cellphone. Katext niya si Xyrina.

"I don't know."

"Seriously?" sarkastikong wika ni Kira. Nakayuko siya at patuloy na tinititigan ang cellphone. Hinihintay niya ang importanteng mensahe ni Xyrina.

Narinig niya ang malakas na tikhim ni Black bago ito sumagot. "Let's watch a movie."

Agad siyang nag-angat ng tingin. Nahuli niya ang pagsulyap nito sa umiilaw niyang cellphone ngunit agad din nitong ibinalik ang tingin sa daan. Tinaasan niya ito ng kilay ngunit hindi siya nagsalita.

"And please, Kira, stop texting someone when you are with me."

Nakasimangot si Kira habang tinitignan ang mataas na linya sa ticket booth. Kung sana'y hindi umalis si Black upang bumili ng kung ano ay hindi sana siya mapipilitang pumila ngayon. Naaasiwa siya sa kung sino man itong nasa likod niya ngayon. Parang sinasadya nito ang mahinang pagtulak sa kanya.

Nang marinig niya ang mahinang hagikhikan ng mga walang modo sa kanyang likod ay hindi na niya napigilang harapin ang mga ito. Ang nakangising mukha ng binata ang sumalubong sa kanyang masamang tingin. Agad siyang humalukipkip at tinaasan ito ng kilay. Natahimik bigla ang mga kaibigan nito sa likod. May isa pang tumikhim ngunit hindi na niya iyon pinansin.

"Will you stop pushing me?!" Nakasentro ang tingin niya sa binatang pinakamalapit sa kanya. Ito malamang ang tumutulak sa kanya kanina.

Maputi ito at chinito. Gwapo. Pero hindi ito ang tipo ni Kira. Mas gusto niya iyong may itim at malalim na mga mata. Gusto niya iyong hindi maputla ang kutis at tamang kayumanggi lang. Iyong may perpektong hugis ng bagang. Gusto niya iyong kamukha ni Cadmium Harris o si Cadmium Harris mismo.

Lalo siyang nairita nang sumulyap ito sa mga kaibigan nito at muli silang nagngisihan. Nanliliit ang kanyang mga mata nang bumalik ang tingin nito sa kanya. Naglaho ang ngisi sa labi nito ngunit nandoon pa rin ang tuwa sa pagkurba ng maliit nitong mga mata.

"Sorry, Miss! Hindi ko alam na natutulak na pala kita. Tinatabunan ko lang kasi 'yong likod mo. Sexy kasi e. See-through," nanunuyang wika ng lalaki at kinindatan pa siya nito.

Lalong umigting ang galit ni Kira dahil sa narinig. "What the hell did you say?!" nanggagalaiti niyang tanong. Hindi niya namalayang lumapat na pala ang palad niya sa pisngi ng binata. Rinig ni Kira ang singhap ng mga kaibigan nito.

"Woah!"

Nanlaki ang mata nito at bahagyang napaatras. "What the?!"

She just slapped the guy in front of his friends and in front of other people. Every witness of the scene seemed to be stunned. Yet, she didn't care. She just raised her left eyebrow at the guy who's now holding his own cheek. One more deadly glare and she finally turned her back on guy, flipping her smooth white hair on the side.

Tamang-tama naman sa kanyang pagharap ay nakita niyang naglalakad na si Cadmium patungo sa direksyon niya. Maraming tao ang kasabay nitong naglalakad ngunit agad niya itong namataan. Pansin niya ang paglingon ng mga dalaga sa gawi nito. Siguro'y natural na sa binata na humakot ng atensiyon.

Naririnig niya ang bulungan ng mga lalaking nasa likuran niya ngunit hindi niya ito pinansin. Sikretong nagpasalamat si Kira nang tuluyang lumapit si Cadmium sa kanya. May bitbit itong popcorn sa kanang kamay at sa kaliwa nama'y isang plastic cellophane na naglalaman ng dalawang coke-in-can. Inabot ni Black sa kanya ang popcorn at agad niya itong tinanggap.

"Ang tagal mo," prangkang sambit niya. "I got real bored and irritated."

Napatiim-bagang si Black. Lalong nadepina ang perpektong hugis nito. "I just bought... something."

"Okay." Tanging naisagot niya at humalukipkip.

"Maupo ka na muna, Kira." Ma-awtoridad ang boses ni Black nang magsalita. "Ako na ang pipila."

Tumango lamang si Kira at mabilis na humakbang. Ngunit napahinto siya sa paglakad nang may biglang nagsalita mula sa likuran.

"Pare, nobya mo ba 'yon? Klarong-klaro ang bra niya o."

Nahigit niya ang kanyang hininga. Mahina siyang napamura. Boses iyon ng lalaking nasampal niya kanina. Gusto niya nang lumayo ngunit hindi sumang-ayon ang kanyang paa. Nanatili ito doon sa kanyang kinatatayuan.

"Shit!" malakas nitong mura.

Agad siyang napalingon nang marinig ang baritonong boses ni Black. Napasinghap si Kira nang maabutan niya ang kamao ni Black na lumapat sa pisngi ng binatang nasampal niya kanina.

When The Bitch FallsDove le storie prendono vita. Scoprilo ora