CHAPTER 11

11.4K 293 27
                                    

Pinapalobo na lamang ni Kira sa kanyang labi ang bubble gum na kasalukuyang nginunguya upang mawala ang nararamdamang inip sa tagal ng paghihintay niya kay Black sa labas ng bahay ni Ellino. Isang oras na siyang nasa pwesto ngunit wala pa rin ang binata. Hindi naman niya pwedeng iwanan ang binata dahil sabay silang pupunta ngayon sa isang meeting kasama si Mr. Roosan. 

Agad siyang nag-angat ng tingin nang marinig ang malakas na busina ng kotse sa labas ng nakabukas na gate. Bumungad sa kanya ang pamilyar na itim na Subaru Legacy. Kotse iyon ni Black.

Nilakad niya ang sementadong daan patungo sa gate. Her hips moving gently from side to side as she passed through it and went inside Black's car.

"Is that the proper dress code for a meeting?" pambungad na tanong ni Cadmium sa driver’s seat.

Napairap na lamang si Kira sa kawalan at humalukipkip. Padabog niyang sinara ang pinto ng sasakyan. Here he is again, criticizing the type of clothes she's wearing. What's wrong with wearing a black mesh top paired with ripped jeans and a faux leather pumps?

"Are we going to quarrel over this issue?"

Sa gilid ng kanyang mga mata'y nakita niyang pinasadahan siya nito ng tingin. Halatang hindi ito pabor sa suot niya. Narinig niya pa itong bumuntong-hininga nang ilang beses.

"Meeting ang pupuntuhan natin. Hindi party,” may diin sa bawat salitang binigkas ni Cadmium.

Napaawang ang kanyang labi at ‘di nagawang sumagot nang tuluyang masulyapan ang itsura ng binata. He was undeniably hot and handsome with his hair styled up. His forehead was showing off its usual knots. Damn that pointed, well-structured nose and his dark brown eyes that she can only see from the side. Damn those bulging muscles and those nerves in his wrist which extends to his elbow. It highlighted the masculinity of Black. And her mouth was probably salivating now.

Nahinto si Kira sa pagpantasya sa katawan ni Black nang maramdaman niya ang pamimitik nito sa kanyang noo. Mahina siyang napadaing.

"Stop drooling over me," pikon na sambit ni Cadmium. Magkasalubong na naman ang kilay nito.

Pinalo niya ang braso ni Cadmium. "Who said I'm drooling over you?"

"No one did," seryosong wika ni Black gamit ang baritonong boses. Tumitig ito sa kanyang mga mata. "But it's obvious."

Napakagat-labi si Kira nang biglang umusog si Cadmium palapit sa kanya. Wala itong tinirang distansya sa pagitan nila. Ikinabigla niya ang kilos nito pero hindi siya umatras. To get this close to him is a one-in-a-million chance she's more than willing to grab.

"Gaano ba ako kagwapo, ha?" seryosong tanong nito.

Napasinghap si Kira nang walang anu-ano'y kinulong siya ni Cadmium sa pagitan ng seat niya at ng mga braso nito. Naaamoy niya na ang panlalaking perfume nito sa lapit nilang dalawa. Napasandal siya sa kanyang kinauupuan. Isang simpleng galaw lang ay talagang magdidikit na ang kanilang mga labi. It took her a lot of control not to claim his lips. She didn’t want to ruin the moment or their sudden closeness. And about kissing, she wanted Black to do the first move.

"Ba't hindi ka makapagsalita?" Nag-isang linya ang mga labi ni Black.

Having him this close is a distraction. She just couldn’t make the right statement.

Gwapo ka? No. That was too unconvincing and blunt.

Nakakalaglag panty ang kagwapuhan mo? It sounded so desperate.

Napakagwapo mo sa aking paningin? Too cheesy. So not Kira.

"You're the best looking, for me,” naibulalas niya nang dumukwang pang lalo si Cadmium.

Umakyat ang lahat ng dugo sa kanyang pisngi nang mapagtanto ang sinabi niya. Ngunit mas lalo siyang namula nang makita ang pagguhit ng ngisi sa mukha ni Black. That was a first. Kahit ngisi lang iyon ay parang nagpahiwatig na rin iyon ng pagbabago sa pagtrato ni Black sa kanya.

"Best looking, huh?" nang-aasar na wika ni Black. May pagmamalaki sa tono nito.

"Yes... I mean, no." Her voice held hesitation as she felt Black's hot breath on her cheek. "I was just lying about it."

"You’re not," puno ng kasiguraduhan ang boses ni Cadmium nang sabihin ito.

Humugot siya ng malalim na hininga at nilabanan ang titig ni Black.

"Fine. What I said was true. Ikaw nga ang pinakagwapong lalaki na nakita ko sa tanang buhay ko." Inirapan niya ito. "Happy now?"

Biglang nagrambulan ang mga paru-paro sa kanyang tiyan nang maramdaman ang mahinang pagtawa ni Black. Ramdam niya ang hininga nitong humaplos sa kanyang pisngi. Halos magkayakap na sila ngayon sa kanilang posisyon.

"Yes. I am a bit happy and satisfied now," tumatawang sagot ni Black.

Kira's heartbeat suddenly went wild. She made Black laugh for the first time. Lalong naghumerentado ang puso ni Kira nang biglang lumapat ang labi ni Black sa tungki ng kanyang ilong. Sa bigla’y lumapat ang palad niya sa collar ng polo nito. Akala niya'y hanggang doon lamang ang halik ni Black ngunit nagkamali siya. Hinawakan ni Cadmium ang kanyang baba. Napasinghap si Kira nang maramdaman ang biglang pagdampi ng labi nito sa kanyang labi. Shivers ran down her spine as his lips started to move gently, up and down. Her heart pounded wildly. Ilang segundo ring naglapat ang labi nila bago ito humiwalay.

Kilig na kilig siya, oo, pero nalamangan iyon ng panghihinayang nang umakto lamang si Cadmium na parang wala lang dito ang ginawa. Umayos ito ng upo sa driver’s seat at agad na pinaharurot ang kotse. Hindi na ulit ito nagsalita o lumingon man lang sa gawi niya.
Buong biyahe ay nakatulala lamang siya sa bintana ng kotse habang hawak ang kanyang labi. She could still feel the warmth of his lips on hers.

When The Bitch FallsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora