CHAPTER 23

10.7K 278 29
                                    

Dalawampung minuto ang lumipas bago nakalabas si Black sa pintong pinasukan nito kanina. Halatang hindi kwarto ang pinasukan ni Cadmium kanina sapagkat paglabas ng binata doon ay nakatapis na ito ng tuwalya sa beywang. Tumaas ang kanang kilay ni Kira kasabay ng kanyang marahang pagkagat-labi nang sumalubong sa kanyang paningin ang anim na pack ng abs ni Cadmium. Hindi ito gaanong pormado at nalilok ngunit magandang tingnan ang natural nitong paglitaw.

Napamura na lamang si Kira sa kanyang isipan nang mahinto siya sa pag-oobserba sa katawan ni Black nang maramdaman ang malamig na titig nito sa kanyang direksiyon. Ramdam niya ang pag-akyat ng dugo sa kanyang magkabilang pisngi nang umiwas siya ng tingin.

"Hintayin mo ako dito. Magbibihis lang ako," manghang na wika ni Cadmium. "Pagkatapos ay susunduin natin si Caia."

Hindi na siya nakasagot sa sinabi ni Black sapagkat agad din itong tumalikod sa gawi niya. Mabilis itong nawala sa paningin ni Kira nang tuluyan itong umakyat sa hagdan patungo sa ikalawang palapag.

Naiwan si Kira sa living room. Ulit. Wala siyang ibang nagawa kundi ang maupo na lang sa sofa at hintayin ang pagbaba ni Cadmium. Ngunit sa pagkakataong ito'y at napapatili na lang siya habang pumapasok sa kanyang imahinasyon ang magandang porma ng tiyan ni Black.

Nasa gaanong posisyon si Kira nang marinig niya ang malalakas na paghakbang ni Black pababa sa hagdan nito. Agad niyang itinikom ang bibig nang tuluyan nang makababa sa sala ang binata.

Marahang ginugulo ni Black ang sarili nitong buhok habang naglalakad patungo sa mismong pwesto ni Kira. Taliwas sa kadalasang outfit ng binata ang suot nito ngayonㅡisang simpleng black T-shirt na pinaresan ng white shorts na hanggang tuhod lang at white leather sneakers. Nawala ang seryoso at striktong aura ni Cadmium ngayon dahil sa suot nito. Mas lalong naging guwapo sa kanyang paningin si Black.

Natigilan lamang si Kira sa pagpapantasya kay Cadmium nang marinig ang malalim nitong pagtikhim sa mismong harapan niya. Hindi niya namalayang nakalapit na pala ito sa kanya.

"Tara na," ma-awtoridad na wika ni Black.

Pagkatapos nitong magsalita ay agad din itong tumalikod sa kanya. Hindi na nito hinintay ang sagot ni Kira at basta na lang itong naglakad palabas ng front door.

Tumaas ang kanang kilay ni Kira habang pinagmamasdan ang likod ni Cadmium. Hindi niya inaasahan ang ginawa ni Black. Kahit mukha na itong mabait sa kanyang paningin, nananatili pa rin talaga itong seryoso at masungit. Ang ugali ni Cadmium ay hindi naaapektuhan ng suot nito. Napapairap na lamang si Kira sa hangin nang tuluyan na siyang tumayo at sinundan si Black.

Nang tuluyan siyang makalabas sa bahay ng binata, siya na mismo ang nagsarado ng pinto. Pagkatapos ay taas-noo siyang naglakad patungo sa nakaparadang kotse ni Black sa maliit nitong garahe. Her heart seemed to skip a beat with excitement as she looked at the car painted with her favorite color. Damn! It's black. Pure black.

Ilang segundo rin siyang napatitig sa likod ng kotse hanggang sa marinig niya ang malakas na busina. Napasimangot na lamang si Kira at naiinis na pumasok sa kotse ni Black. Tahimik siyang naupo sa passenger seat at iniwasang mapalingon sa gawi ni Black. Hindi siya nagpapapansin. Nayayamot lang talaga siya kay Black kaya ayaw niya itong kausapin ngayon. Katahimikan ang tanging namuno sa loob ng kotse hanggang sa maramdaman na lang ni Kira ang mabilis na pagtakbo ng sasakyan.

Biglang tumaas ang kanang kilay ni Kira nang mapansing huminto ang kotse ni Black sa tapat ng isang parke. Agad niyang ibinaling ang tingin kay Black nang marinig niya itong magsalita sa kanyang gilid.

"Baba muna tayo. May 30 minutes pa bago ang labasan ng skwelahan ng kapatid ko?"

"Seriously, Black?" Her voice held thick sarcasm as she spoke. What are we supposed to do on that place?"

Cadmium just showed him a bored look as he unbuckled his seatbelt. "If you don't want to come, then you can stay here." He clicked the car's door open on his side. "I'll go for a walk."

Akmang lalabas na si Black sa kotse nang mapag-isipan niyang sumama na lang dito kaysa sa magmukmok sa kotse sa loob ng ilang minuto.

"Wait!" tawag niya kay Cadmium dahilan upang matigilan ito at lumingon ulit sa kanya. "I'll come. Ayokong maiwan dito."

"Okay." Tumango lamang si Black at tuluyan na itong umapak sa bermuda ng parke.

The next thing Kira knew, she was already out of the car, walking towards the slide with Cadmium on her side. She suddenly felt the adrenaline rush on her veins as she saw how close they are. Their distance was only few inches in between.

Upang mapigilan ang paglabas ng kilig sa kanyang sistema, binaling na lamang niya ang kanyang tingin sa paligid. Mabibilang lang sa kamay ang mga taong nasa parke. Madalas maliliit na bata ang nakikita niya. Napairap siya nang mapagmasdan iyong maliit na batang naglalaro ng seesaw mag-isa.

Ilang minuto rin siyang naglakad kasabay ni Black bago ito tuluyang huminto at naupo sa bermuda grass. Tumayo lamang siya sa harap nito at marahang ipinagkrus ang mga braso sa ibabaw ng kanyang dibdib. Ngunit nang tapikin ni Black ang malaking bakante sa tabi nito, agad din siyang naupo roon.

Tahimik ang buong paligid. Wala ng ibang tao roon maliban sa kanilang dalawa. Pilit na tinatago ni Kira ang kanyang ngiti sa bawat pagdantay ng braso ni Black sa braso niya. Wala rin siyang ibang nagawa kundi ang pagmasdan na lang ang mga daisy na tumubo sa gilid ng parke. She was actually enjoying the silence until something broke one realization on her mind.

"It's my first time here..." Kira suddenly uttered as she felt the warmth of Black's skin touching her left arm. "but why does this area seemed so familiar to me?"

Black just chuckled in amusement and suddenly laid his back on the grass, "I used to bring you here..."

Kira's eyebrows automatically met halfway because of what she heard from Black. Yet, what made her heart thump was the words he continued to utter.

"...whenever I ask you on dates like this."

When The Bitch FallsWhere stories live. Discover now