CHAPTER 34

10K 177 3
                                    

Sa lakas ng suntok ni Black ay biglang natumba ang binata. Impit na napatili si Kira dahil sa nasaksihan. Ganoon din ang iilang college students na nasa malapit lang. Nawasak ang pila sa ticket booth dahil sa gulong naganap. Pumalibot ang iilang tao sa kanila at nagbulungan.

Ang lalaking nasuntok ni Black ay agad din dinaluhan ng mga kaibigan nito at tinulungang makatayo. Napangiwi si Kira nang makita ang bahagyang pangingitim ng gilid ng labi nito.

Bumaling ang tingin ni Kira kay Black. Pulang-pula ang buong mukha nito habang sinisipat ng masamang tingin ang lalaking nasuntok.

"You fuck off." Madiin ang pagbigkas ni Black sa bawat salita. Umiigting ang bagang ni Cadmium kaya lalong nadedepina ang magandang hugis ng panga nito.

Mabilis na pumulupot ang kamay ni Black sa pulsuhan ni Kira. Padarag siya nitong hinila palayo bitbit ang mga binili nito. Umaatras ang iilang estudyante upang sila'y padaanin. Hindi pa sila masyadong nakalayo nang sumigaw ang lalaki mula sa likuran. Narinig niya ang mahina ngunit malutong na mura ni Black ngunit hindi ito lumingon pabalik. Hindi niya na rin iyon pinansin. Nagpatianod na lamang siya kay Cadmium.

Huminto sila sa isang foodcourt. Akala ni Kira ay mananatili sila doon at kakain pero nagkamali siya ng hinala. Iniwan lang pala ni Black doon ang popcorn at coke-in-can. Pagkatapos ay nag-aya na itong umalis. Hindi na siya hinihila ni Black ngayon pero mahigpit pa rin ang hawak nito sa kanya. Para siyang isang bata na bantay-sarado sa ama habang naglalakad silang dalawa.

Binitawan lamang siya ni Black nang makarating sila sa H&M store. Tumaas ang kilay niya nang marahas siyang inikot ni Cadmium. Marahan nitong hinawi ang buhok niya. Ramdam ni Kira ang paglibing ng matalim nitong tingin sa kanyang balat. Narinig niya ang malutong nitong pagmumura.

Tumaas ang balahibo ni Kira nang maramdaman ang haplos ni Black sa kanyang likod. Pati siya ay napapamura sa kanyang isipan. Nakakapanginig ng tuhod ang init ng daliri ng binata.

"Dammit, Kira. I should have noticed it first before thatㅡ" Napahinto si Black sa pagsasalita nang pihitin ni Kira ang sarili paharap dito.

"What?" Tumaas ang isang sulok ng labi ni Kira. "That bastard?"

Lalong nag-igting ang bagang ni Black at marahang nag-iwas ng tingin. "Yeah. Fuck that bastard," matigas na wika nito at bigla na lang nagpunta sa isang clothing rack. May iilang damit doon na nakasabit sa itim na hangers.

Taas-kilay na sumunod si Kira sa binata. Nakita niya itong dumukot ng isang puting long sleeve. Nanlilisik ang kanyang mga mata nang biglang lumapit ang isang saleslady kay Cadmium. Narinig niya pa itong tumawa sabay sabing maganda ang napili ng binata. Lalong tumaas ang lebel ng iritasyon sa sistema ni Kira dahil sa kalandian nito.

"I don't like it," sarkastikong wika niya nang lumapit siya sa gilid ni Cadmium. Ang damit ang tinutukoy niya.

Sumulyap si Kira sa saleslady at tinaasan ito ng kilay. Napangiwi lamang ang babae at walang imik na umalis sa tabi ni Black.

Umigting ang bagang ng binata. "Ito ang susuotin mo mamaya."

"You want me to wear that one, seriously?" Inangat niya ang hintuturo at ito'y iwinagayway pakanan at pakaliwa. "No way, Black! Magmumukha na akong white lady niyan."

Namuo ang iritasyon sa kanyang sistema habang tinitignan ang puting long sleeve na hawak ni Black. It's a high neck top with pleated detailing, and it's absolutely not her taste. Kung isusuot niya ito'y paniguradong balot na balot siya. Hindi niya mapigilang umirap sa bawat nanunuyang sulyap ng binata. Tila may plano si Black na hindi pabor sa kanya.

"Here." Inabot ng binata ang damit na napili nito. "Isukat mo. Let's see if it's good for you."

Mariin niyang tinitigan ang puting damit at humalukipkip. "No way!"

"Come on," ma-awtoridad ngunit masuyong sambit ni Cadmium. "Kira, just this once, makinig ka naman."

Napilitan siyang tanggapin ang long sleeve na hawak ni Black. "Para saan ba kasi 'to?"

Humugot ng malalim na hininga ang binata. "Malamang, isusuot mo 'yan mamaya kapag nakalabas na tayo sa mall. We'll go somewhere tonight."

Nabigla si Kira sa kanyang narinig at sa parehong pagkakataon ay nasiyahan. Nilamon nito ang iritasyong naramdaman niya. She suddenly felt excited with that 'somewhere'. Vision of great nearby places suddenly flashed in her mind. Napangiti si Kira habang naglalakad siya patungo sa dressing room na nasa gilid. Nakasunod naman si Black. Ramdam niya ang titig nito sa kanyang likod.

"Bilisan mo," rinig niyang wika ni Black bago niya naisara ang pinto ng dressing room.

Labag man sa kalooban ni Kira, mabilis niyang sinukat ang damit. Kung hindi siya susunod sa gusto ni Black, malamang ay maiinis na naman ito at hindi na matutuloy ang pagpunta nila sa 'somewhere' na sinabi nito kanina.

Umawang ang labi ni Kira nang makita ang sariling repleksiyon sa salamin suot ang puting long sleeve. The color of her dress and her hair complemented each other. Umirap si Kira at pilit na isinaksak sa kanyang isipan na hindi bagay sa kanya ang simpleng damit na suot ngayon.
Dali-dali niya itong hinubad at mabilis na inayos ang sarili. Gamit ang daliri ay sinuklay ni Kira ang magulo niyang buhok bago siya lumabas sa dressing room. Sumalubong sa kanyang paningin ang seryosong mukha ni Black. Nakatayo ito sa harap ng dressing room at nakahalukipkip.

Nang dumapo ang mata ni Black sa kanyang katawan ay agad na nangunot ang noo nito. "You didn't wear it."

Sinamaan siya nito ng tingin. Napangisi si Kira.

"Sinuot ko ito sa loob. Hinubad ko lang," depensa niya. Ibinigay niyang muli kay Black ang damit. "Don't worry. It fits on me and it's decent."

Pagkatapos ng pag-uusap nilang iyon ay kinuha na ni Black ang damit at nagtungo sa counter. Nakasunod lamang si Kira sa binata at pinagmasdan ang bawat galaw nito.

Nagsulputan ang iilang tanong sa kanyang isipan. What was he thinking while doing all of these? Why is he doing all these damn sweet things? What's his plan behind? Only hell knows what he's up to. And little fear is starting to build up inside her. It seems like the table has turned now. Cadmium was trying to manipulate her and she was letting herself drop to her lowest level.

When The Bitch FallsWhere stories live. Discover now