CHAPTER 16

11.1K 251 21
                                    

Nangunot ang noo ni Kira nang marinig ang malakas na tunog ng alarm clock. Iritadong kinusot niya ang kanyang mata bago bumangon sa kama. Nakapwesto ito ibabaw ng bedside table niya kaya mabilis niya rin itong na-off.

Upang tuluyang magising ang diwa, nagstrerching muna siya ng ilang minuto sa loob ng kwarto. Of course, she needs to exercise everyday to maintain her body figure.

It was still five o'clock in the morning when she woke up. It was really unusual for her to wake up this early because she usuallt gets up late every morning. But now that she was obliged to do one project with Black, she has decided to have a little change. Well, it's mainly for her real agendaㅡto impress Cadmium.

Matapos magpahinga mula sa pag-eehersisyo, agad siyang naligo. May nakabalot na tuwalya sa kanyang katawan nang lumabas siya sa shower.

Nang pumasok siya sa walk-in closet ng kwarto niya, agad na sumalubong sa kanya ang dilim dahil sa puno ng itim na damit ang maliit na silid. Napasimangot siya dahil sa nakita. She loves everything about black, yes. But right now, it seems to cause trouble. She should have bought one white dress. You know, for emergency uses. Plano kasi sana niyang magsuot ng puting damit ngayon para hindi na mapuna ni Cadmium ang pananamit niya. Pero sa kasamaang palad, wala siyang mahagilap na puting tela sa kanyang closet. She just hoped there's something formal to wear.

Matapos magbihis, napagdesisyunan niyang bumaba sa sala. Natigilan siya sa pagbaba sa hagdan nang matanaw niya si Cadmium at Heres na nakaupo sa magkabilang dulo ng sofa. Hindi siya nakapaghanda sa presensiya nito. Good thing, she’s done her morning routine.

"Two handsome guys in my house this early. I’m feeling blessed," komento niya nang tuluyang makaapak sa sala.

Mula sa pagdede-kwatro ay tumayo si Cadmium. Pinasadahan siya nito ng tingin at namulsa sabay tikhim. Lumapit siya sa gilid nito.

"Good morning," nakangiting bati ni Heres. Nanatili itong nakaupo.

Nagpalipat-lipat ang tingin niya kay Heres at Black. "Who let you in?"

Tumikhim si Heres at tinuro si Cadmium. "He did."

Bumaling ang tingin ni Kira kay Black. Magkasalubong ang mga kilay at ang mga mata ay nakatutok kay Heres. Muli siyang bumaling sa kanyang kaibigan at sinamaan ito ng tingin. Hindi siya naniniwala sa sinabi nito.

"Seriously, Heres?"

"Just kidding," pag-amin ni Heres na sinamahan pa nito ng pekeng tawa at pagkamot sa sariling batok. "I am actually here to visit you. When I arrived, I saw him outside, sitting on the hood of his car. He looked bored so I approached him and invited him inside since I don't want to be that rude to my bestfriend's... uhm... Basta. I don't know the score between you."

"Tumahimik ka nga diyan," saway ni Kira at tinapunan ito ng unan sa sofa.

"Tsk! Alis na," pagtataboy ni Heres sa kanya. "I'll be staying here for today. And when you come back home, you will still see me." Inangat nito ang isang malaking itim na bag. "Dito ako matutulog ngayon."
Humigpit ang kapit niya sa hawak na bag nang marinig ang tikhim ni Cadmium sa kanyang tabi. "If I know, may tinataguan ka na naman. Bahala ka nga nga."

Binalingan niya ang binata. "Let's go, Black."

Umigting ang panga ni Cadmium. Tinapunan nito ng malamig na tingin si Heres bago naglakad palabas ng bahay. Halatang galit pero hindi niya naman matukoy para saan. May nagawa na naman ba kaya siya? Napairap si Kira sa kaisipang iyon. As always, sa paningin nito ang dami niyang mali.

Nahuli nang dalaga si Cadmium na pinanlisikan ng mata si Heres bago ito sinundan. Iniwan niyang nakabukas ang pinto ng bahay sapagkat nasa loob naman ang kaibigan.

Nakahalukipkip si Black nang maabutan niya ito sa harap ng kanyang bahay. Maglalakad na sana siya patungo sa sariling kotse nang bigla siyang harangan ng binata. Hinila siya nito palabas ng gate.

"Teka Black! Doon ako sasakay sa kotse ko," iritadong wika niya habang tinuturo ang kotse.

Tila walang narinig si Cadmium. Hindi siya nilingon ng binata. Wala itong imik habang mahigpit na nakakapit sa pulsahan niya. Nang makarating sa kotse nito, si Black na mismo ang nagbukas ng pinto para sa kanya. Pasalampak siya nitong ipinasok sa passenger's seat.

Nang makapasok ang binata sa driver's seat, agad na nitong pinaharurot ang sasakyan. Napasimangot na lamang si Kira. Ipinagkrus niya ang kanyang mga braso sa ibabaw ng sariling dibdib at tinutok ang mga mata sa mga building na nadaanan nila. Ilang minuto ring namayani ang nakakabinging katahimikan sa pagitan nila bago ito binasag ni Cadmium.

"Bakit mo hinayaang maiwan ang lalaking iyon sa bahay mo?" mahinang tanong ng binata ngunit mabigat ang bawat pagsambit nito ng salita. "You even agreed to let him stay and sleep in your house."

Pilit na tinatago ang ngiti sa labi, sinilip ni Kira ang ekspresyon sa mukha ng binata. Gaya ng kanyang nakasanayan, nakakunot na naman ang noo nito.

Her lips broke into a grin. “I trust Heres. Hindi iyon gagawa ng kalokohang ikakapahamak ko. He's worth a trust. Isa pa, wala naman mali kung patulugin ko siya sa bahay. After all, he's my best friend. There's no malice with that. We've known each otherㅡ"

"Enough," biglang sabat ni Cadmium sa isang malalim na boses. "I don't want girls who talk a lot."

Umakyat ang lahat ng dugo sa kanyang pisngi dahil sa narinig. She wanted to curse herself for babbling out nonsense in front of Cadmium.

Saglit na sumulyap si Cadmium sa kanya at pinasadahan siya ng malamig na tingin. "And I don't like girls who always wear black."

Sa sakit na sinabi ng binata ay tila naging pipi siya. His words hold power over her wit. She couldn’t counter. Katahimikan ang namutawi hanggang sa marating nila ang construction site na nabili ni Cadmium kay Mr. Roosan. Naunang lumabas sa kotse ang binata. Nagsuot ito ng asul na ball cap na may tatak NY. Sumunod din naman siya pagkalipas ng ilang minuto.

When The Bitch FallsWhere stories live. Discover now