CHAPTER 10

11.8K 307 24
                                    

"Baliw ka na ba?" Lumabas ang sarkastikong tawa sa bibig ni Kira. "There's no way I'm getting out of my house wearing those things you mentioned. Absolutely no way! That's ew."

She tried to emphasize every single word and she did it perfectly. Cadmium is obviously irritated by that. Nagiging klaro na ang mga ugat sa kamay ng binata dahil sa mahigpit na hawak sa steering wheel ng kotse.

"I am serious, Kira." Magkasalubong ang kilay ni Black nang sulyapan siya. "If you want to get better, do the basic thing a professional must do."

Cadmium considers her a professional? That's quite unbelievable.

Tumaas ang kilay niya. "What's the basics then?"

Black cleared his throat as he spoke, "First, you need to know the proper dress code."

"I told you. I'm not changing my style just for the sake of this stupid work." Napapadyak na lamang si Kira sa kanyang paa dahil sa inis. "I'll wear black dresses daily. And that's final."

"Hard-headed." Napailing-iling si Cadmium. "Kelan ka ba makikinig sa akin, ha?"

"Kapag mag-asawa na tayo," diretsong sagot niya.

Hindi siya kumurap. Wala siyang naramdamang ng hiya pagkatapos iyong sambitin. She delivered it without fail. Well, thanks for her unfailing confidence though.

"Saan galing iyang pinagsasabi mo? Nananaginip ka ba? What made you think na magiging mag-asawa tayo?" sarkastikong tanong ni Cadmium habang patuloy na nagmamaneho. Nakatuon ang tingin nito sa daan.

"Bakit? Do you think it's not possible?" Ipinagkrus ni Kira ang mga braso niya sa ibabaw ng kanyang dibdib. "You know, you can easily fall in love with me and ask me for marriage. I've got it all. I'm gorgeous, head to toe. Hindi ka na malulugi sa akinㅡ"

Napasinghap si Kira nang biglang huminto ang kotse. Mabilis na dumapo ang tingin niya sa labas ng bintana at nakitang nasa tabi na ng isang convenience store ang kotse ni Cadmium. Malayo pa ito sa bahay niya.

Puno ng kuryosidad siyang lumingon paharap kay Cadmium. Napaawang ang labi niya nang makitang pinihit rin pala ni Black ang sarili nito paharap at umusog ng kunti palapit sa kanya. Nasalubong niya ang tensiyon na bumabalot sa mga mata ni Black habang unti-unting bumababa ang mukha nito sa kanya. May plano ba itong halikan siya?

"You think you've got it all?" he hissed.

"Of course!" bawi niya na puno ng kumpyansa.

"Wala ka nito, Kira."

Umawang ang labi ni Kira nang lumapat ang daliri ni Cadmium sa kanyang dibdib. Manipis lamang ang suot niya kaya'y agad niyang naramdamam ang init ng balat ni Black na dumadampi sa kanyang dibdib. For goodness' sake! He was almost pointing at her left nipples.

Kira immediately slapped his hand away and threw a deadly glare at him. "Keep your hands off me, Black."

Nagsalubong na naman ang mga kilay ni Black.

"If you think I'm touching your flat boobs, the answer is no. And if you think you already have everything, sorry but no," seryosong wika ni Black habang pinapasadahan siya nito ng mapanuring tingin. "You don't have a heart. Iyan ang kulang sa iyo."

Pagak siyang tumawa. "Are you serious about that, Black? Hindi na sana ako nabubuhay ngayon kung wala akong puso."

"You're taking it literally." Napailing si Cadmium bago muling nagsalita, "Ang ibig kong sabihin ay kulang ka sa kabutihan. Hindi ka marunong umintindi ng ibang tao. Selfish ka. Sarili mo lang ang iniisip mo. Mahilig kang magmanipula. Akala mo ikaw ang palaging tama. Hindi ka marunong magrespeto sa mga taong nakakasalamuha mo. Pati sarili mo hindi mo na magawang respetuhin. That made you lose your heart and even your dignity as a woman."

"Wow!" Sarkastikong tumawa si Kira at pumalakpak. "Wala akong masabi sa speech mo, Black. You're really good at it. But you know what? Whatever you say, I don't care. This is who I am, the wicked and wise Kira. No one can change the way I dress, the way I think and the way I move. Deal it with."

A smirk slowly appeared on Kira's lips as she flipped her hair on the side. Napailing na lamang si Cadmium habang tinitigan si Kira. Napagdesisyunan nitong magmaneho na lang ulit.

Ilang minuto rin silang natahimik. Kung may magsasalita man ay tungkol lang iyon sa daan patungo sa bahay ni Kira. May magtatanong, may sasagot. Pagkatapos, mananahimik din silang dalawa. Ganoon ang nangyari sa sampung minutong lumipas. Hanggang sa hindi na talaga makayanan ni Kira ang katahimikan. Napasigaw na talaga siya dahil sa inip na bumabalot sa kanyang sistema.

"Damn!" Marahas niyang kinamot ang sariling buhok. "I can't take this anyㅡ"

Napatigil si Kira sa pagsasalita nang bigla na lamang nagpreno ang sasakyan ni Cadmium. Halos mauntog pa siya sa dashboard ng kotse. Buti nalang at nakakabit pa rin ang seatbelt niya at naitukod niya rin ang kamay sa upuan.

Inayos niya ang nagulong buhok at agad na lumingon kay Black na ngayon ay nakatingin na sa gate niyang nakasarado. Nasa left side iyon kaya mas kita sa gilid nito.

Tumikhim ito at sinulyapan siya. "Nandito ka na. Pwede ka ng lumabas."

"Thank you for the ride." Inirapan niya si Black at mabilis na binuksan ang pintuan ng kotse nito upang makalabas na. Pakiramdam niya'y aatakehin siya ng asthma sa loob dulot ng malakas na hanging dala ng kasungitan ni Black. Pabalibag niyang isinara ang pinto ng kotse. Wala siyang pakialam kung magkaroon ito ng sira. She can always pay the damage in cash or check.

Umikot siya papunta sa kaliwang bahagi ng kotse at kumatok sa bintana ng driver's seat. Hindi niya malaman kung nakatingin ba si Black sa kanya sapagkat tinted ang kotse nito kaya mas nilakasan niya ang pagkatok. Ilang segundo rin ang lumipas bago niya maramdaman ang unti-unting pagbaba ng bintana ng kotse ni Black. Bumungad sa kanya ang seryosong mukha ni Cadmium. Napatiim-bagang ito habang nakahawak sa manibela.

"Ano na naman?" Puno ng iritasyon ang boses ni Black. Nakakunot na naman ang noo nito habang nakatitig sa kanya.

Dumukwang si Kira at itinukod ang kanyang siko sa nakabukas na bintana ng kotse. Ipinasok niya nang kunti ang ulo niya at lumaban ng titig sa dalawang pares ng mata ni Black. Cadmium did the same. He stared through her eyes' depth. And that's the best signal for Kira to pull his nape and capture his lips into a kiss. She can hear Cadmium gasping in shock as she bit Black's lower lip and expertly inserted her tongue to his mouth.

Oh gosh! I'm about to do a french kiss with Black on the roadside. And his lips is so damn good. It tastes like a sweet chewy bubblegum.

When The Bitch FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon