CHAPTER 15

10.9K 248 22
                                    

Hawak ni Caia ang kanang kamay niya habang palabas sila sa fastfood restaurant. Nasa likod naman nilang dalawa si Black. She was supposed to shove away Caia's grip but something was blocking her from doing it. The girl's touch seemed to affect her feelings. All of a sudden, she felt... cared for?

Mabilis nilang narating ang pwesto kung saan nakapark ang kotse ni Cadmium. Nabasag lamang ang katahimikan sa pagitan nilang tatlo nang biglang magsalita si Caia sa kanyang tabi.

"Ate Kira, pwedeng doon ka nalang sa front seat?"

Yumuko siya nang bahagya upang makita ang mukha nito. Kumikibot pa ang labi ng bata habang patuloy itong nagsasalita, "I want to be rest po kasi sa backseat. Payag ka po, please."

She doesn't want to abuse the offer, but she didn't want to waste the chance either. She was literally torn apart. Hindi niya alam kung ano ang isasagot o kung paano sasagutin ang tanong ni Caia. And the heat of the sun rays touching her skin brought no help.

Inilihis ni Kira ang kanyang tingin patungo kay Cadmium. Nahuli niyang nakatingin din ito sa kanilang dalawa ni Caia. Nakapatong ang siko nito sa nakabukas na pinto ng kotse. Blangko ang ekspresyon sa mukha ng binata.

Tinaasan niya ito ng kilay, nagpapahiwatig na kailangan niya ng permiso. Inaasahan niya ang hindi nito pagpayag pero isang marahang pagtango ang naging sagot ni Black bago ito pumasok sa sariling kotse. Kumabog ang puso niya ng bongga.

“Payag na si Kuyang doon ka sa tabi niya, Ate," sambit ng bata bago nito binuksan ang pinto ng backseat.

Mabilis din siyang sumunod. Nang maupo siya sa passenger seat ay agad nang pinaharurot ni Cadmium ang kotse. Walang imik si Cadmium habang tinatahak ang daan pabalik sa eskwelahan ni Caia. Nakatutok lamang ang atensiyon nito sa pagmamaneho. Ni hindi ito sumulyap sa kanya.

Siya at si Caia ang nagdala ng ingay sa loob ng kotse. Dahil sa ‘di sila magkaharap ay sapat nang ang mga boses na lang ang magbigay sa kanila ng koneksiyon. Panay ang kanilang kuwentuhan.

"Iyong mga kaibigan ni Kuya, they call him Cad or Caddy. Parang gay po, diba?" ani Caia.

Cadmium broke his own silence with a grunt. "Don't listen to my sister, Kira."

From the rearview mirror, her eyes wandered on Cadmium's side. She could only see half of his face and it allowed her to witness how his jaw clenched. She chuckled teasingly.

"Yeah. It sounded a bit girly. Like, hey there Caddy?" Kira mocked using her oh-so flirtatious voice.

Narinig niya ang hagikhik ni Caia mula sa likuran. Hindi rin nakatakas sa kanyang paningin ang mabilis na pagsulyap ni Cadmium sa kanya habang pinapatamaan siya nito ng matalim na tingin.

Imbes na matakot sa iritasyong nakita sa mata ni Cadmium, tinaasan niya lang ito ng kilay. Agad din namang binawi ni Black ang tingin nito kaya sumandal na lamang si Kira sa kanyang seat. Ipinagkrus niya ang dalawang braso sa ibabaw ng sariling dibdib.

There it was again, the silence. But it all fell back to noise when Kira remembered one thing she never shames to discuss.

She cleared her throat and spoke again, "You know why I call your Kuya as my Black?"

She stopped for a second and stole a glance at Black whose eyes are focused on the road. "I named him Black because I love the color and I like him."

"Oh my, Ate! You sound so inlove," puno ng siglang sambit ni Caia. "Ate Kira, ini-imagine ko po kanina na ikaw ang mommy ko at si Kuya naman ang daddy tapos ako ang anak niyong dalawa."

Hindi niya napigilang kiligin dahil sa narinig. "Talaga? Bagay kami, ano?"

Nakita niya sa gilid ng kanyang mata ang pamumula ng mga tainga ni Cadmium.

"Oo naman po. Kaso..." biglang humina ang boses nito. "Si Kuya, isa lang daw naging crush niya. Sinabi niya iyon sa akin when I was still seven years old. Isang babae lang talaga. Dino-drawing pa nga daw ni Kuya ang babae noon. Hindi ko lang nakita ang mga sketch niya. Tapos ang sabi pa niya, may nangyari..."

“That’s enough, Caia,” pagputol ni Cadmium sa maaari pang sabihin ng kapatid. Para bang gusto nitong solohin ang babaeng tinutukoy ni Caia kaya ayaw nitong may makaalam pang iba.

Nakaramdam siya ng selos sa babaeng iyon. Perhaps, she was too nice for him to like her. He even invested his effort and time to draw that stupid girl.

"Did you know her name?" Kira asked, wanting to have a bit more information. You know, for her own evil purposes.

"I can't remember na sinabi ni Kuya ang pangalan ng crush niya dati. Pero sabi niya friend daw sila ng girlㅡ"

Pareho silang napasinghap ni Caia nang biglang huminto ang kotse. Isang malakas na tikhim ang kanyang narinig mula sa binata.  Tumingin siya sa labas at napagtantong nasa tapat na pala sila ng eskwelahan.

"Caia, tama na iyan," seryoso ang boses ni Cadmium nang magsalita. "Bumaba ka na. Malapit nang mag-ala una."

When The Bitch FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon