CHAPTER 20

11.2K 291 18
                                    

"Seriously?" bulalas ni Kira at bahagyang tumagilid ng upo paharap sa driver's seat. "Iuuwi mo ako sa bahay mo?"

"Yes, sa bahay namin ng kapatid ko," pagtatama ni Cadmium sa sinabi ni Kira. "Magpapalano tayo para sa structure at materials na gagamitin natin sa construction."

"Why now? Can't that project wait? My bestfriend's staying in my house tonight," she tried to explain her side for disagreement. "You didn't expect me to leave Heres alone, did you?" Her voice held irritation as she spoke again.

Humugot muna si Black ng isang malalim na hininga bago sumagot, "Kung nag-aalala ka dahil walang kasama ang kaibigan mo, pauwiin mo na siya. Hindi ka matutulog sa bahay mo ngayon. You are going with me and that's final. Ayokong sayangin mo ang oras para lang sa mga walang kwentang rason."

"Excuse me?" Tumaas ang kilay ni Kira dahil sa sinabi ni Cadmium. Mahigpit niyang nakuyom ang sariling palad upang pigilan ang paglabas ng iritasyon sa kanyang sistema. "Heres is never a worthless person to me. I won't choose work over my guy bestfriend."

Awtomatikong siyang napairap nang mapansin ang pag-igting ng bagang ni Cadmium habang marahan nitong pinapaikot ang manibela ng kotse. Mukhang hindi nito nagustuhan ang naging sagot niya.

"I'm not making you choose here," matigas na wika ni Black at saglit siyang sinulyapan sa kanang gilid ng mata nito. "I'm obliging you to follow me."

"Are you sure that I'll follow you," panghahamong saad ni Kira.

"You surely will," makahulugang wika ni Black. "If you won't, I'll quit with this project."

Mariing napapikit si Kira dahil sa panggigigil niya kay Black. Halatang bina-blackmail siya ng binata. Kahit na gusto niya ito'y naiinis pa rin siya sa pagmamanipula nito sa kanya. Walang kahit na sino ang naglakas-loob na magpasunod sa kanya basta-basta. Tanging si Cadmium lang.

Wala nang mga ideyang pumapasok sa isip niya na pwedeng panlaban sa matalas na dila ni Cadmium. Wala na ring salitang lumabas sa kanyang bibig kaya bigla siyang natahimik na sa kanyang kinauupuan. Dinukot na lamang niya ang kanyang cellphone at itinuon ang pansin sa mga texts na natanggap.

After reading several messages sent by her friends, Zelena and Heres, her ginger automatically tapped the Instagram icon shown on the screen. She opened the app to see notifications she gained from the likes on her previous posts and those socialites that kept on following her.

When she got bored of doing the same thing for several minutes, Kira thought of something that might tear his boredom off. And that one was to take a picture of her face inside her Black's car.

She clicked the camera icon at the bottom center and raised her phone on mid-air. Then, she just looked at the camera with boring eyes as she took a clear shot of it.

One second after that, she just put her phone down and scanned her photo. Kira couldn't help but giggle when she saw Black's serious face on the background. A small portion of him beside Kira was captured by the camera. That view seemed to brush off the negative feelings she had awhile ago. It was delightful to see so without having second thoughts, she uploaded it on her Instagram account. Another second passed and she was already receiving notifications of likes and comments regarding her latest post.

Natigil lamang si Kira sa pagbasa ng mga komentong natanggap mula sa mga kakilala niya nang marinig na tumikhim ang binatang nasa tabi. Nang lumingon siya sa gawi nito'y awtomatikong napaawang ang kanyang mga labi sapagkat nakita niyang mataman na pa lang nakamasid sa kanya si Black. Wala na ang kamay nito sa steering wheel dahil nakakrus na sa dibdib ng binata ang braso nito.

Nakita niya ang marahang pagtaas ng kanang kilay ni Black. "Busy ka ata sa cellphone mo." Ang pagkakabigkas ni Cadmium sa bawat salita ay hindi patanong kundi sarkastiko.

Napairap na lamang siya at mabilis na inilipat ang kanyang tingin sa kanyang harapan. Doon lamang niya napansin na nasa gitna pala sila ng kalsada at napapalibutan ng mga van at kotseng hindi rin umuusad. Napagtanto niyang traffic pala sa kalsada. Hindi niya iyon napansin kanina sapagkat nakayuko siya noon habang kinakalikot ang cellphone.

Binalingan niya si Black. "Kanina pa ba tayo na-stuck dito?"

"Almost five minutes," seryosong sagot ni Cadmium. Dumapo ang tingin nito sa kanyang kanang kamay. "Nakatutok ka sa cellphone mo kaya hindi mo napansin. What were you busy of with that thing?"

"Nothing," Kira sounded defensive as she spoke. "I was just checking my Instagram account."

Nagkasalubong ang kilay ng binata. "Instagram?" Halata sa boses nito ang kuryosidad.

"Yes." Napangisi si Kira nang magpagtanto ang isang posibilidad. Noon, hinahanap niya na ang profile ni Black sa Instagram ngunit walang lumalabas. "Huwag mong sabihing hindi mo iyan alam?"

"May mga lalaki ba diyan?" Hindi nito sinagot ang tanong ni Kira. Sa halip ay nagtanong ito ng iba.

"Of course!" she exclaimed, trying not to laugh. "Ano bang tingin mo? Pambabae lang ang application na 'to?" Hindi na niya napigilang tumawa. "Black, it's for everyone. You can even have one account."

Sinamaan siya ng tingin ni Cadmium kaya agad din siyang napahinto sa pagtawa. "I don't have time for that. I have a lot of important things to do."

Awtomatikong napaikot ang mata ni Kira dahil sa sinabi ni Black. Hindi siya makapaniwalang ang isang mala-artistang Cadmium Harris ay wala palang accounts sa mga sikat na Social Networking Sites. She could hardly absorb that truth in her system.

"Can you at least have a little time to socialize? Don't you have a social life?" she sarcastically interrogated.

"I have friends." Nagkibit-balikat si Cadmium at ibinalik na nito ang kamay sa manibela.

Napa-iling na lamang si Kira habang pinagmamasdan ang bawat sulok ng mukha ni Cadmium. Sayang ang kagwapuhan ng mukha nito kung hindi naman makikita ng ibang tao. Nang maisip iyon ay bigla na namang may pumasok na kalokohan sa sistema niya.

"You should try to have one picture posted on IG," she uttered without reluctance.
Mahinang napadaing si Black nang paluin niya nang malakas ang kamay nitong nakakapit sa steering wheel. Mabilis siyang lumipat ng upo sa maliit na space ng driver seat kahit hindi sila magkasyang dalawa ni Black. Ang likod ni Black ay dikit na sa bintana ng kotse nito habang siya'y nakasandal sa dibdib nito.

"Kira, ano na namang bang kalokohan ito?" Umungot si Black. "Ang sikip na. Bumalik ka na sa pwesto mo."

Umakto siyang hindi napakinggan ang reklamo ni Black. Wala siyang pakialam kung mairita ito o magalit man. Inangat lamang niya ang kanyang cellphone na nakahanda na upang kumuha ng litrato. Sa malaking screen nito'y nakikita ni Kira kung ano ang itsura nilang dalawa ngayon. Ang ulo niya'y nasa bandang balikat ni Cadmium. Ngumiti siya sa harap ng cellphone at agad na inilapat ang daliri sa click icon.

"Gorgeous," she uttered under her breath as she got proud of every inch of her beauty.

Pagkatapos niyang kumuha ng isa pang picture, ibinaba niya na rin cellphone at tiningnan ang kuha nilang dalawa. Napalitan ng simangot ang ngiti ni Kira nang dumapo ang tingin niya sa mukha ni Black sa unang picture. Nakasimangot lang ito habang nakatingin sa screen ng cellphone. Ngunit muli ring siyang napangiti nang makita ang ikalawang picture. Hindi na kasi nakasimangot si Black. Mataman lang itong nakatingin sa mukha niya habang todo-ngiti siya sa harap ng kamera.

"Why so handsome?" Hindi niya napigilan ang pagtakas ng mga salitang iyon sa kanyang bibig. "Ugh! I love this picture of us!"

When The Bitch FallsWhere stories live. Discover now