CHAPTER 7

12.4K 240 9
                                    

Muli siyang tinawag ni Genevy, "Ano pong napag-usapan niyo sa meeting, ate Kira?"

"Don't act like we're close," manghang na sagot kasabay ng pag-irap.

Kira saw that certain hurt that twinkled in Genevy's eyes but being the bitch that she is, she still doesn't care. Kira just moved her gaze away and walked out of the living room with her chin up and her hair flipped. Bahala si Black na maiwan sa loob kasama ng papansing Genevy na 'yon.

"Kumusta ka na, Kuya Cadmium?" Iyon ang huli niyang narinig mula kay Genevy bago siya tuluyang nakalabas sa bahay.

Sumalubong sa kanyang iritasyon ang mataas na sikat ng araw sa labas ng bahay. Mas lalo atang nag-init ang ulo niya. Akala niya'y susunod agad si Black sa kanya pero hindi. Lumipas na lamang ang dalawang minuto pero hindi pa rin lumalabas si Black.

Nagmumukha na siyang tanga sa labas. Wala siyang ibang nagawa kundi tumayo at pagmasdan ang gate ng bahay. Nang makita ang kumikinang na itim na sasakyan ni Cadmium ay biglang nawala ang inis sa kanyang isipan.

A bratty idea popped up inside her mind. How would it feel to ride inside that luxurious car of Black? She wanted to know how fun it is so she made a wicked plan to experience it today.

Mabilis siyang naglakad patungo sa garahe kung saan nakapark ang kotse niya. Tumaas ang isang sulok ng labi ni Kira nang makita ang driver ng ama na namumunas sa hood ng BMW M5. Agad siyang humakbang palapit dito at marahang tumikhim.

"Excuse me Manong," Kira called the old man's attention. She tried so hard to sound a bit polite but her thick sarcastic voice came out so naturally it covered up her forced sweet tone.

"Baㅡ" Hindi natuloy ng drayber ang sasabihin nito.

Umawang ang bibig ng matanda nang lumingon ito sa gawi ni Kira. Rumehistro sa mukha ng matandang drayber ang takot at kaba nang magtama ang kanilang mga mata.

"Ano pong kailangan niyo Ma'am?" namumutlang tanong ng driver sa kanya.

Tinaasan niya ito ng kilay at ipinagkrus ang braso sa ibabaw ng kanyang dibdib.

Diretso niyang tinanong ang driver. "Diba alam mo ang address ng bahay ko?"

Marahan itong tumango.

"Take that car to my house." Itinuro ni Kira ang itim na Honda Civic na nakaparada katabi ng nililinis nitong sasakyan. Pakatapos ay ibinaling niya ulit ang kanyang tingin sa matandang drayber. "And make sure na hindi iyan madadamage."

May pag-aalangan ang mukha nito nang iabot ni Kira ang susi sa kamay nito, "S-sige po, Ma'am. M-mauna na ako."

"Great! Ipark mo rin iyang sasakyan ni Dad sa labas ngayon din," utos ni Kira.

"Pero Ma'am, bakaㅡ"

"Ang sabi ko, ilabas mo na ang sasakyan ni Dad ngayon din!" Tila nataranta ang driver nang pagtaasan niya ito ng boses.

Hindi na sumagot ang driver at mabilis itong pumasok sa loob ng kotse. Napangisi si Kira nang marinig niya ang ugong ng sasakyan.

Nakatayo lamang si Kira sa parking lot. Nakapameywang siya habang tinitignan ang paggalaw ng sasakyan palayo sa kanya't palabas sa malaking gate. All of a sudden, a triumphant smile appeared on her face. Her plan's starting to go well.

Tatlong minuto lamang ang lumipas at nakabalik na rin ang matandang doon sa garahe. Naghahabol ito ng hininga nang huminto sa kanyang tabi. Mukhang galing ito sa mabilis na pagtakbo. Buti't hindi ito natagalan kundi singhal ang aabutin nito sa kanya.

"Sige na, Manong. Iuwi mo na sa bahay ko iyang kotse." Kira didn't waste a second to wait for the old man to answer. She immediately turned her back and walked out of the garage. She went straight to Black's car and laid his butt on its hood, waiting for Black to come out.

Gumuhit ang ngiting tagumpay sa kanyang mukha nang dumaan sa harap niya ang kanyang Honda Civic na minamaneho na ngayon ng driver ng ama. Naaayon na sa kanyang kagustuhan ang nangyayari.

Kira is, no doubt, a manipulative kind.

ARYANUGH_'s Note:

Mukhang close si Genevy at Cadmium a. Nainis tuloy ang ating bida na may kulay puting buhok.

Pero ang tanong, papayag kaya si Cadmium na ihatid si Kira sa bahay ng dalaga? Abangan.

When The Bitch FallsWhere stories live. Discover now