1. Pain

452K 7.9K 423
                                    

"You can never stop the pain, you can only get used to it...and that's the most painful part." – jazlykdat

***

Lianna woke up feeling groggy. Madaling araw na siyang nakatulog kanina. She drew a deep breath upon realizing the reason why she wasn't able to sleep.

Ayaw na sa kanya ng asawa niya.

Her head starts throbbing. Napatingin siya sa wall clock. It's already 11:22 in the morning.

Vanna Lei is no longer inside the room. Malamang ay nasa baba na ito kasama ang kambal niyang si Von Liam.

They are still at Vaugh's house/mansion. Katabi lang nitong kuwarto ni Vanna Lei ang master's bedroom kung saan natutulog si Vaughn. Katapat naman nung master's bedroom ang kuwarto ni Von Liam.

She's still contemplating if she will stay here sa kabila ng napag-usapan nila ni Vaughn kagabi. She can stay but it's not like they are still married. They'll just stay civil because of the twins.

Mabigat ang katawang tinungo niya ang banyo.

After taking a bath, she went down at the kitchen to find a first aid kit. Inisa-isa niyang binuksan ang mga hanging cabinet pero wala siyang makita.

Some of the maids are busy preparing food at the dining room at hindi naman siya pinapakialaman sa ginagawa niya. Nobody even asked what she's looking for.

Nagpatuloy na lamang siya sa paghahanap. Nang wala siyang mahanap, tinungo niya ang dining area at inisa-isa ang display cabinets baka naroon ang medicine kit.

Mas lalo tuloy sumakit ang ulo niya nang wala siyang mahanap. She stayed here for more than a month before pero ni hindi niya alam kung nasaan ang mga gamit. Well, it's just a month. Sa laki ng bahay para siyang naghahanap ng karayom sa bunton ng dayami.

She heard the twins' giggles kaya napalingon siya sa mga ito. Bumilis ang tibok ng puso niya nang makitang nakasunod pala si Vaughn sa mga bata. She inhaled deeply when her husband didn't even glance at her. Iginiya nito si Vanna sa isang upuan sa dining table.

"Mom, are you looking for something?" Liam asked. Her son's really sensitive and intelligent considering that he's just about to turn 5 in 3 months time. Well, pati rin naman si Vanna ay matalino.

"I was just looking for medicine or something," saad niya rito.

"Why mom? Are you sick?" Lumapit ito sa kanya at humawak sa kamay niya. She smiled at her son's gesture.

"Just a little headache, but I'm fine." Tugon niya rito. Sinamahan niya itong umupo sa komedor. Sinadya niyang umupo sa tabi ng kabisera kung saan nakaupo si Vaughn pero ni hindi ito sumusulyap sa gawi niya. Napatungo na lamang siya.

Ngayon hindi lang ulo niya ang sumakit, pati na ang puso niya. Her eyes still sore from crying.

"Mom, are you sure you're alright?" Vanna asked.

She almost wants to cry pinigilan lamang niya ang sarili. The twins are really caring. Ang suwerte niya sa dalawa, malas nga lang siguro dahil ang ama nila ay wala nang pakialam sa kanya.

They ate lunch in silence.

Pagkatapos ng lunch, nagpaalam na siya agad sa mga bata dahil talagang sumasakit na ang ulo niya. Maybe she needs to sleep some more.

Kung hindi makukuha sa pahinga, lalabas na lang siya mamaya para bumili ng gamot.

Five minutes later, nakahiga na siya sa kama ni Vanna. It's a queen size bed kaya kasyang-kasya silang dalawa kagabi. However, her headache didn't subside hindi tuloy siya makatulog.

Pinilit niyang bumangon nang marinig na may kumakatok sa pinto.

A maid is holding a glass of water and medicine.

"Gamot niyo po," saad nito. Nagtataka siyang napatingin rito.

"Kanino galing?" tanong niya rito. Yumuko lang ang maid at tumalikod na.

Inutusan ba ito ni Vaughn?

Though it is quite impossible, a part of her being hopes that it's him.

After drinking the medicine, she heard the ticking of the door scanner. Napatuwid siya sa pagkakaupo mula sa kama.

Akala niya ay si Vaughn ang papasok pero yung kambal pala.

"Mom, did you drink your medicine?" Liam asked. Magkasunod silang sumampa sa kama ni Vanna at yumakap sa kanya.

"Yes," she smiled as she hugged them back.

"Ibinigay ba ng daddy niyo yung gamot?" tanong niya sa mga ito.

"No, mom. I asked him where the medicine kit is." Liam answered.

"I was the one who asked the maid to give it to you, mommy." Sabat naman ni Vanna.

She was a bit disappointed. Pero asa pa kasi siya. Hindi ba malinaw na ang sinabi nito kagabi na wala na silang pag-asa?

"Where's your dad?" tanong na lamang niya sa mga ito.

"He already went to his office, mom." Sagot ni Vanna.

She inhaled deeply. So, this will be her role if she stays. Parang hangin lang na dadaan-daanan. Vaughn wouldn't even glance or talk to her.

But she made up her mind. She's staying.

She just hopes that things will get better if she will show him that she's sincere.



***

Vaughn decided to go to his office. He planned to stay home the whole day para sana makasama ang kambal. But his day is ruined when he saw her at the dining area.

She's acting like a sick puppy. It irritates him. Kung hindi lang niya kilalang matapang at malakas ang loob nito, iisipin niyang sobrang sakit ng nararamdaman nito.

But no, he knows Lianna better. She won't look that way over a headache. She's just exaggerating. Pakiramdam siguro nito ay maaawa siya.

Ayaw pa nga sana niyang sabihin sa kambal kung nasaan ang medicine kit nang makaakyat ang ina nila pero ayaw niyang mag-alala ang mga ito.

Maybe Lianna thinks it's a good strategy but for him it's just pathetic.

Para sa kanya, kapag ang isang bagay nasira na, sa dumpsite na ang punta. There are things that are disposable and don't need any fixing. 

The Ignored Wife (Published by PSICOM)Where stories live. Discover now