37.2 : Happy

341K 7.1K 383
                                    


"Slide through the rainbow once in a while." -jazlykdat



***

Published by PSICOM. Available in all leading bookstores nationwide.

***

"Hello! Tapos na ba ang drama?" Napatingin siya sa paligid nang umalingawngaw ang boses ng ate niya. Napatawa siya nang makita silang lahat na umupo sa katabing mesa ng mga biyenan niya. Her brother and his family are also smiling widely as they took their seats.

"We learned about the whole story. Hindi pala ikaw ang nagpapadala ng regalo sa amin. Nakakatampo ka Lian, alam mo ba 'yon?" hayag ng ate niya. Nakaramdam siya ng guilt.

"Sana sinabi mo ang sitwasyon mo sa amin para na-giyera natin yang asawa mo. Eh di matagal na sana kayong nag-kaayos." Natatawang dagdag ng ate niya.

She asked Vaughn for the mic para makasagot siya pero natatawa nitong inilayo.

"You are not allowed to talk. You'll only listen," he said laughing. Napasimangot pa siya. Pero tumahimik na lang siya. This is better. Para malaman na niya lahat.

"I didn't want anyone getting mad at you. Kaya ko ginawa iyon." He told her. Napangiti siya.

"Thanks," she mumbled to him. Masuyo naman itong humalik sa noo niya. She felt a tear escaping her eye. Hindi nito nakaligtaang protektahan siya kahit umalis siya at hindi nagtiwala rito.

"When the twins were born, I decided to stay in Davao to watch over you. I finally realized that you left because you were so scared."

Mas lalo siyang naluha sa pahayag nito.

"I wanted to appear at your doorstep to tell you what really happened but I was more than scared. Natakot ako na kapag nakita mo ako, lumayo ka na naman. So, I let things be. Kung hanggang doon na lang talaga tayo. Hanggang doon na lang." dagdag nito.

Nakita niyang pumasok sa venue sina Nanay Sandra, Nessy at mga pamilya nila. She was happy to see them. She wiped her tears nang abutan siya ng tissue ng ate niya.

"Pagkatapos nating mag-usap noon tungkol sa apartment. May lumapit sa aking lalaki. Sabi niya boss daw niya ang asawa mo at gusto akong makausap." Kuwento ni Nanay Sandra nang abutan ito ng mic.

"Nagkausap kami sa telepono at ibinilin na alagaan ka dahil buntis ka. Hindi na lang nag-react. Noong nagkausap na kami ng personal naramdaman ko naman ang pagmamahal niya sa 'yo." Ngumiti si Nanay kay Vaughn bago ibinalik ang tingin kay Lianna.

"Gustong-gusto kong sabihin sa 'yo anak pero nakiusap siya na huwag kong sasabihin dahil paniguradong lalayo ka daw kapag nalaman mong natunton ka niya." Dagdag kuwento nito.

"Pasensya ka na anak kung hindi ko nasabi sa 'yo, ha?"

Tumango na lamang siya at ngumiti sa matanda. Ang bait ng mga ito sa kanya. Malaki ang naging papel nila sa buhay nilang mag-iina. Hindi niya magagawang magalit sa mga ito.

"Are you okay, wifilicious?"

Napatango siya sa tanong ng asawa.

"Hindi naman sumasakit ang tiyan mo? May isa pa kasi akong aaminin." He asked with nervously.

Ano pa bang puwedeng i-reveal sa nangyari noon?

Chad and the security team went inside the venue kasama ang drivers at mga mga kasambahay nila.

The Ignored Wife (Published by PSICOM)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora