38.1: The Finale

338K 6.2K 136
                                    

"Someday the universe will let you realize how worthy the pain was." -jazlykdat



***

Published by PSICOM. Available in all leading bookstores nationwide.

***

Lianna tried hard not to let a tear fall down from her eyes as she stared back at the mirror.

The lacy long sleeves of her wedding gown wrapped her arms perfectly. She smiled as she remembered how Vaughn argued with his mom about the gown. Gusto kasi ng biyenan niya na backless at mababa ang neckline ng gown para lumitaw daw ang kaseksihan niya. Dapat daw ay siya ang pinaka-sexy at pinakamaganda sa araw ng kasal niya. Pero madiing tinutulan ng asawa niya ang suhestiyon ng ina nito. He wants her to wear a long-sleeved gown.

"She will still be the most beautiful even if she'll wear rag." Vaughn defended.

"You'll gonna let her wear rag on her wedding day?" Papilosopo namang tugon ng ina nito. So, their argument continued.

In the end, the couturier suggested that the long sleeves will be lacy, gagawin pa ring parang bare back at medyo mababa ang neckline pero tatakpan ito ng lace para hindi masyadong revealing. Pero mapilit si Vaughn, makikita pa rin daw ang likod niya kahit lacy. Kaya ginawa na lang na flesh ang kulay ng tela sa loob ng lace para magmukhang bare back.

Parang ayaw pa nga ni Vaughn nang makita ang outcome ng gown nang isukat niya.

"Men could still imagine that this is your back. Parang walang pagkakaiba," bulong nito sa kanya habang hinahagod ang likod niya.

She chuckled but he glared at her kaya kinailangan niya pa itong bolahin.

"Don't worry mister. No man will ever get to see it except you." She said cupping his face.

"Really? Kahit 'pag nagpunta tayo ng beach you'll wear long sleeves?" tanong nito at hinapit ang baywang niya. Napangiti siya. Para kasi itong bata.

"Yeah, uso naman ang long sleeves swimwear eh," natatawa niyang sagot.

And that settled everything. After she gave birth, the wedding preparations started. Halos anim na buwan ang ginawang preparasyon. Her mother-in-law insisted that it will be a grand wedding

---

"Lian, ready ka na?"

Napalingon siya sa nakaawang na pinto ng suite. It's her sister. Tuluyan na itong pumasok kasunod ang kuya niya.

"Do I look beautiful, ate?"

"Siyempre naman," natatawang sagot ng ate niya sabay yakap sa kanya. Napatawa din ang kuya niya.

"Do you want to see the triplets bago tayo pupunta ng simbahan?" tanong nito. Napatango siya. Liam and Vanna are part of the entourage. Little bestman si Liam at little maid-of-honor naman si Vanna.

Pinatawag naman ng ate niya ang mga nag-aalaga sa triplets. She smiled when the three nannies appeared carrying the triplets.

Madali lang tandaan kung sino si Vance Luane sa tatlo. Ito kasi ang pinaghalong mukha nila ni Vaughn. He was able to inherit his dad's pointed nose and green eyes. Sa kanya naman nito namana ang shape ng bibig at baba. Tahimik lang din ito at hindi iyakin. Sina Vander Lewis naman at Von Leandrei ang magkamukhang-magkamukha. They both look like their dad except the eyes. Namana kasi ng mga ito ang deep brown na kulay ng mga mata niya. Pareho ring makukulit ang dalawa.

Nag-uunahan na namang magpabuhat ang dalawa pagkakita sa kanya. She just kissed and hug them both para hindi masira ang make-up niya. Hinalikan niya rin ang hindi nagrereklamong si Vance Luane.

"Yung kambal ate?" tanong niya sa kapatid.

"Nauna na sa simbahan sumabay kay Vaughn." Tugon naman nito. Napatango na lang siya.

Kahit na may anak silang lima at kasal na, hindi niya pa rin maiwasang nerbiyosin. Iba pa rin kasi ang kasal sa simbahan. Isa pa, hindi naman kasalan ang nangyari sa kanila noon kundi pirmahan ng kontrata.

"Ano? Iyak ka na muna ngayon para may panahon pang ayusin ang make-up mo?" natatawang tanong ng ate niya. Kanina pa pala siya nito pinagmamasdan.

"Ate naman eh," parang batang reklamo niya. Naipadyak pa niya ang isang paa. Bigla na lang kasi niyang naalala ang mga magulang nila. Her eyes welled up. Tuluyan nang nalaglag ang mga luha niya. Wala na kasi ang mga magulang nila na maghahatid sa kanya sa altar. Mabuti pa ang dalawang kapatid niya nasamahan ng mga magulang nila noong ikinasal.

"Tears of joy ba 'yan o kinakabahan ka lang?" natatawang tanong ng ate niya at yumakap sa kanya. Inabutan naman siya ng kuya niya ng tissue.

"Naalala ko lang sina nanay at tatay," natatawa niyang saad habang pinupunasan ang luha. Tumitig naman sa kanya ang mga kapatid bago sabay na yumakap sa kanya. She hugged them both and her tears rolled down again.

"Nandito naman kami," bulong ng kuya niya.

"Saka siguradong masaya sila ngayon," dagdag ng ate niya. It was enough to calm her. Alam naman niya iyon, hindi niya lang kasi maiwasang maging emosyonal. Gano'n yata talaga lahat ng ikinakasal sa simbahan.

----

Bakit gano'n? Kahit pala kasama mo na araw-araw ang isang tao kapag kasalan na, may niyerbiyos pa rin. At iba pa rin ang pakiramdam kapag tanaw mo na ang taong papangakuan mo ng habambuhay sa kabilang dulo simbahan.

That's how Lianna felt as she moved a step closer to Vaughn. Naka-white tuxedo ito na may itim na necktie at nakaitim na sapatos.

"Iba ang pakiramdam ng kinakasal sa simbahan 'di ba?" bulong ng ate niya. Napatawa naman siya.

Napangiti siya nang matanaw ang kambal sa harapan. Liam is wearing the exact replica of his dad's suit while Vanna is wearing a replica of her gown. Ang cute nila pareho.

Vaughn winked at her nang dumako ang tingin niya rito. Bigla tuloy bumilis ang tibok ng puso niya. Para namang hindi siya sanay na kinikindatan nito. Eh lagi nga nitong ginagawa iyon kapag busy siya sa pag-aasikaso sa triplets pagkatapos ng dinner. Alam na niya ang ibig sabihin ng asawa kapag gano'n. Kailangan na niyang bilisan ang kilos niya para ito naman ang asikasuhin niya.

He's always active. Parang wala itong kapaguran. Madalas na nga itong pagod sa opisina ayaw pa ring paawat. Kaya nga nag-usap na sila na everyweekend na lang ang aksyon pero minsan ay umuungot pa ito pag weekdays na madalas ay pinagbibigyan naman niya.

She had her shot of injectible contraceptive para lang hindi siya mabuntis ulit na hindi naman nito tinutulan. Nakita kasi nito ang hirap niya matapos siyang ma-CS. He was very hands on then. Siya ang nag-aalalay sa kanya. He worked from home for a month para lang mabantayan siya at matingnan ang mga pangangailangan ng mga bata.

Gusto nito ay siya ang nag-aasikaso ng lahat ng kailangan niya. He didn't allow anyone to assist her except him. She was happy about it. Bilang man sa daliri ng kamay ang pagsasabi nito ng "I love you" pero ramdam naman niya ang pagmamahal nito sa kanya at sa mga anak nila.

---

"Vaughn, alagaan mo sana itong bunso namin."

Napatingin siya sa kuya niya. Ilang taon lang ba siya noong huli siyang tinawag ng kuya niya na bunso? She doesn't want to be emotional but she can't help it. She smiled at her own thoughts, as if naman mag-uumpisa pa lang sila ni Vaughn.

"Don't worry kuya doc. I will." Vaughn answered as he took her hand and kissed it. Napatango naman ang kuya niya.

"My Lianna, this is it." Vaughn mumbled in her ear as they walked towards the altar. Her insides churned in excitement.

The Ignored Wife (Published by PSICOM)Where stories live. Discover now