19: Back

396K 7.6K 293
                                    

"Sometimes you need to stop thinking and just jump off the cliff right away." -jazlykdat



***

Published by PSICOM. Available in all leading bookstores nationwide.

***

It was already past midnight in Ireland. Hindi alam ni Lianna kung kumain na din ang mga bata bago natulog pero hindi naman siya nag-aalala dahil kasama ng mga ito ang parents ni Vaughn.

"Mauna ka na sa taas. Iaayos ko lang 'to," saad ni Vaughn habang inililigpit ang pinagkainan nila.

"I'll help you out," tugon naman niya at binuhat ang salad bowl sa harap niya.

"Nope, don't be stubborn. You look so tired," pilit nito. Magpro-protesta pa sana siya pero hindi na niya napigilang mapahikab.

"See," Vaughn said smiling. Napatango na lamang siya at naglakad na paalis ng kusina.

"Press the orange button and speak your full name para bumukas yung pinto." Pahabol nito bago siya tuluyang makalabas. Oo nga pala, this house is as high tech as his house.

She had been speaking "Lianna Henson" several times pero hindi bumubukas ang pinto. She sighed. Niloko lang yata siya ng Vaughn Filan na iyon. Antok na antok pa naman siya.

She pressed the button one more time.

"Lianna Henson-Filan" she said aloud. Napangiti siya ng bigla itong bumukas. Bahagya pang nawala ang antok niya.

Parang nabuhayan tuloy siya ng loob. Pero mahirap nang sumemplang ulit ang puso niya.

She just prepared herself to bed and slept tight.

It was already past 10 AM when she woke up. Wala na si Vaughn sa tabi niya but there are traces that he slept beside her.

Nagtungo siya sa banyo at naligo na.

Alas onse na nang makababa siya ng living room. Vaughn is seated at the living room holding a news paper.

"Hi! Good Morning!" he greeted. Tipid itong ngumiti sa kanya.

"Good morning," bati naman niya rito.

"Are you hungry?" tanong nito nang makaupo siya sa kaharap na couch.

"A little," she answered honestly. Tumayo naman ito mula sa kinauupuan.

"My parents don't have stay-in maids. Sa labas na lang tayo kumain ng brunch," saad nito. Kaya naman pala nakabihis na ito. He's wearing tight jeans and polo shirt.

"Where are they? And the kids?" kunot-noo niyang tanong rito.

"They were excited to go out but you were still sleeping kaya hindi na ako sumama," tugon nito. Para namang nahaplos ang puso niya sa sinabi nito. Sometimes, his signals are really contradicting. Minsan parang mahalaga siya rito, minsan naman ay balewala siya.

Maybe she's just overthinking.

Baka naman okay talaga sila?

O baka rin assuming lang siya?

"Let's go?"

Bumalik ang diwa niya nang magsalita ito.

"M-magpapalit lang ako ng damit," nauutal niyang saad.

Ngumiti naman ito.

"White jeans and blue blouse will do," saad nito pagtalikod niya. Her forehead creased. Akala niya ay ayaw nitong nagsusuot siya ng gano'ng kulay. Hindi pa naman siya nagdala ng gano'ng kulay na damit.

The Ignored Wife (Published by PSICOM)Where stories live. Discover now