29: Patience

374K 6.6K 238
                                    

"Patience. Never lose it. It's a great weapon against any kind of struggle." -jazlykdat


***

  Published by PSICOM Publishing Inc. Now available in bookstores nationwide for Php175. Grab your copies now.  

***

"Vaughn," niyugyog niya ito habang mahimbing ang pagkakatulog. It's already midnight. Nagising kasi siya at nakaramdam ng gutom.

"Why? May problema ba?" Napabalikwas ito at natarantang umupo sa kama at tumabi sa kanya.

"Nagugutom kasi ako," Lianna replied softly. Agad na napalitan ang pagkabigla nito ng ngiti sa labi.

"Yun lang pala. Akala ko kung ano na," tugon nito. Tumayo ito mula sa kama at humawak sa kamay niya.

"Come. Let's rummage the kitchen. Ano bang gusto mong kainin?" nakangiti nitong tanong.

"Kahit anong prutas," nahihiya niyang sagot. She really feels ashamed na ginising niya pa ito. Ayaw naman kasi niyang manggising ng kasambahay at gusto niya talaga si Vaughn ang sasama sa kanyang kumain. Hehe!

Vaughn put different fruits in a bowl. May grapes, sliced apples, strawberries, cucumber, water melon, papaya, kiwi. Nilagyan niya ito ng condensed milk at whipped cream. It looks appetizing. Napalunok tuloy siya habang pinagmamasdan ito. Magkaharap silang dalawa sa kitchen counter.

When she tasted the salad, hindi siya nagsisi na ito ang ginising para mag-prepare ng kakainin niya. It was very sumptuous.

Inubos nila ang laman ng bowl. Although, mas marami naman talaga siyang kinain kaysa kay Vaughn. Mukhang antok na antok ito. Kumain lang siguro ito ng konti para mawala ang antok nito.

"Do you want anything else?" tanong nito nang mailigpit ang pinagkainan nila. Inabutan siya nito ng isang basong tubig na agad niyang ininom.

"Parang gusto ko rin ng yoghurt," she replied. Her mouth watered at the thought of yoghurt. Bumalik naman sa refrigerator si Vaughn.

"We don't have one," saad nito pagbalik sa kinauupuan niya.

Nalungkot naman siya sa narinig. Vaughn looked at her for a moment bago nagsalita.

"Gusto mo ba talaga?" tanong nito. Napatango siya.

"We can go out. There's a mini-stop nearby the village." Saad nito. Nagliwanag naman ang mukha niya. Vaughn also smiled.

"I'll just get the keys," saad nito at tumalikod na. She waited for him at the sala. Naka-jogging pants na ito at white shirt pagbaba. He handed her a robe. Naka-pajamas kasi siya.

"Let's go?" he said nang maisuot na niya ang robe. Magkahawak-kamay silang nagtungo sa garahe.

Pinagtitinginan sila ng ilang costumers at staff nang pumasok sila sa mini-stop. Maybe because Vaughn's really a head-turner o dahil sa naka-pajamas siya na pinatungan ng robe. Vaughn held her closer to him nang papunta na sila sa may freezer.

"Let's get this all," saad nito habang nakatingin sa mga yoghurt na nasa harap nila. Tumawag pa ito ng staff para magpatulong.

Natatawa ang cashier nang magbayad na sila pati ang katabi nitong kasamahan ay nakangiti rin sa kanila.

"Naglilihi kasi." Vaughn said smiling. Loko. Wala namang nagtatanong.

"Kaya po pala," natatawa namang sagot ng babaeng cashier.

"Triplets kaya kailangang pagbigyan," dagdag ulit ni Vaughn. Siniko naman niya ito. Kailangan talaga ipangalandakan?

"Galing niyo sir!" natatawang komento ng staff na nag-assist sa kanila.

"Thank you," proud namang sagot ng katabi niya. Napangiti na lang siya at napailing. Proud talaga ang loko.

____

"Vaughn," yugyog niya rito. Agad naman itong napabalikwas.

"Ano may gusto kang kainin?" tanong agad nito sa kanya. Her forehead creased. Nananaginip pa yata ito.

He waited for her answer.

"Late na kasi. Pumasok na ang mga bata sa school. Ikaw hindi ba papasok?" tanong niya rito. Huminga naman ito ng malalim at bumalik sa pagkakahiga.

"Akala ko kung ano na naman." Tugon nito.

"Hindi ka ba papasok?" ulit niya rrito. Naihanda na kasi niya ang damit nito pagpasok. Saka gusto niyang magsimula na rin sa restaurant.

"Madaling araw na tayong nakatulog ulit. I'll just get some sleep." Tugon nito at tinakpan ng unan ang mukha.

"First day ko ngayon sa restaurant. Ayokong ma-late." Tinanggal niya ang unan sa mukha nito.

"Anong late-late? Ikaw ang boss kahit gabi ka pumunta doon." Saad nito at tumalikod mula sa direksyon niya.

"Vaughn naman kasi!" Hinampas niya ito ng malakas sa braso. Medyo nanakit pa ang palad niya sa tigas nito.

"Ang kulit mo! Gusto mo yatang maging quadruplets yang dinadala mo, eh!" inis itong bumangon at sumandal sa headboard.

"Triplets kaya kailangang pagbigyan," natatawa niyang saad. Inulit niya ang sinabi nito kagabi. Natawa naman ito. He cupped her face and kissed the top of her nose.

"Kulit mo!" gigil nitong saad bago tumayo at nagtungo sa banyo.

_____

Vaughn toured her around the hotel and restaurant at ipinakilala ulit sa mga supervisors na hindi niya na-meet noong isang gabi. Napapangiti siya kapag nahuhuli niya itong humihikab. Mukhang hindi talaga ito nakatulog ng maayos.

When she was familiar with the place, dinala naman siya nito sa opisina kung saan siya maglalagi. Ledgers ang una niyang hinanap nang nasa opisina na sila.

"Magta-trabaho ka agad?" kunot-noo nitong tanong at umupo sa harap niya. Umupo kasi siya sa swivel chair nang mahawakan ang ledgers ng hotel at restaurant.

"Huwag kang masyadong magpapagod. You are pregnant, remember," paalala nito sa kanya.

She smiled. "I know my priority, okay?"

"Good, sunduin kita dito at exactly 5PM okay?"

Tumango siya. Wala na kasi siyang kasamang body guards.

"Yung lunch mo, you can go down at the restaurant or ihahatid dito. Itawag mo na lang. The numbers are here. Itinuro nito ang maliit na directory." bilin nito.

"Okay," tipid niyang sagot.

"If you need anything. Food cravings or what, utusan mo lang yung secretary mo or give me a ring."

She doesn't know what to feel. OA na kasi. Parang mas gusto niya 'yung tahimik na Vaughn.

"Ang dami mong bilin. I'm not a kid." Natatawa niyang saad rito.

"I know! You're my wife!" he answered grinning. That left her dumbfounded. Napangiti na lang din siya.

"Will you be okay if I leave now?" tanong ulit nito matapos ang ilang sandaling katahimikan.

"Yep. Don't worry, I'll be fine." Napapailing niyang tugon. But inside her heart, she appreciates everything. He's sweeter and more caring. Nakagagaan sa pakiramdam lalo na't buntis siya.

Haay. Hindi na yata niya alam kung alin ang mas gusto niya. Ang Vaughn ba na tahimik o ang Vaughn na masyadong maraming sinasabi?

Parang mas gusto niya yung tahimik. Yung medyo hinuhulaan niya ang iniisip nito. O baka naman ganito talaga si Vaughn? Hindi niya lang nabigyan ito ng pagkakataon noon na ipakita kung sino siya.

She inhaled deeply. That was part of the past. Ang importante ngayon mas nakikilala na niya ito. Nakikita na niya kung ano ito bilang tao at bilang asawa.

That thought sent butterflies to her stomach. Sana lang ay ganito sila lagi. Pero alam naman niyang sa lahat ng pagsasama mayroon at mayroon pa ring darating na problema. She just hopes that whatever it will be. It would not set them apart like what happened before.

The Ignored Wife (Published by PSICOM)Where stories live. Discover now