2: Desisyon

377K 7.7K 286
                                    

"At the end of the day, other people's opinion doesn't matter. The decision will always be up to you." – jazlykdat

***

Lianna gathered her strength to go to the study room. Dalawang araw na silang hindi nagpapang-abot ni Vaughn sa loob ng bahay. Iniiwasan yata talaga siya ng asawa niya.

She was about to knock nang maisipan niyang itapat ang palad sa scanner ng pinto. Medyo napaatras pa siya ng bumukas ito.

So, she still has a command to the door?

Despite her nervousness, she smiled inwardly. Some things didn't really change.

"What do you need?" bungad sa kanya ni Vaughn pagpasok niya. Naitulos siya sa kinatatayuan.

Ano nga ba ang kailangan niya?

All she wanted was to see him. Ni hindi man lang siya nag-isip ng kahit na anong sasabihin.

"Next time learn how to knock." Mariing saad nito nang hindi siya makapagsalita.

"I'm sorry," she hissed.

"May sasabihin ka? Tell it fast. I am busy." Saad nito at ibinalik ang atensyon sa laptop nito.

Naghagilap siya ng puwedeng sabihin but her tongue cannot utter a word.

"Leave, if you have nothing to say." He said sternly without looking at her. Pakiramdam niya ay maiiyak siya. His voice is menacing.

She held a deep breath and cleared her throat.

"Malapit na kasi ang enrollment ng mga bata para sa Kinder 2. Itatanong ko lang sana kung saan mo sila gustong ipa-enroll?" Nagpasalamat siya at hindi siya nautal. It just came out from her mouth.

Vaughn looked at her with creased forehead.

"I already told you, whatever is your decision for kids hindi ko pakikialaman." He looked straight at her. Para siyang pinanginigan sa pagtitig nito. Hindi niya tuloy alam kung mas nanaisin na lamang niyang huwag na lang itong tumingin sa kanya kung ganito naman kalamig ang titig nito.

"Wala naman kasi akong alam sa mga elementary schools dito sa Manila." She reasoned out.

"What's the use of google?" wala sa emosyon nitong saad. Ibinalik nito ang tingin sa screen ng laptop.

Para siyang napahiya sa sinabi nito. Lianna took a deep breath. She tried to gather her composure.

"I was thinking if you'd like to enroll them in your former school." Pagdadahilan niya ulit.

"I studied in Ireland. Do you want them to study there?" he said blandly.

She was speechless. She doesn't even know na sa Ireland pala ito nag-aral. Ang tatas kasi nitong magsalita ng tagalog.

Simpleng detalye lang tungkol kay Vaughn, hindi pa niya alam. She looked at him still busy on his laptop. Mukha talagang nakakaistorbo na siya.

"Uhm, s-sige," nauutal niyang saad. Vaughn looked at her. Naiinis siya sa sarili. Bakit ba kasi siya nautal?

"Alis na ako," saad niya rito habang nakaturo sa pinto. Napakunot-noo si Vaughn sa kanya. She got nervous kaya tumalikod na lamang siya at tinungo ang pinto.

"You didn't answer my question." Vaughn uttered sternly. Napatigil siya sa paglalakad at tumingin rito.

Vaughn waited for her answer but she remained speechless.

"What's your decision?" tanong nito sa kanya.

"Ha?" Anong tanong yun?

Napailing si Vaughn sa reaction niya.

"I asked if you wanted the kids to study in Ireland."

She wasn't able to speak. She thought his question a while back was sarcasm.

"Where is your brain, Lianna?" he said smirking.

She blushed. Ngunit hindi naman niya ito masisisi dahil hindi naman talaga nag-process agad ang utak niya.

"No, I'll just look for a high quality institution here in Manila," saad niya rito.

"Alright," he said bago ulit ibinalik ang mata sa screen ng laptop nito.

Lianna just went out of the study room. Titingin na lang siya sa internet ng magandang school na puwedeng pasukan ng mga bata.

The kids used to study in an international school in Davao. Malaki na rin kasi ang kinikita noon ng business nila ni Ness kaya napag-aral niya ang dalawa sa magandang eskuwelahan.

Hindi rin niya masyadong prinoblema ang pang-araw-araw nilang pagkain noon dahil ayaw siyang paggastusin ni Nanay Sandra. Katwiran nito ay maghahanda rin naman daw ito ng pagkain kahit wala sila doon. Tatlo-tatlo kasi ang pension ng matanda kaya't sagana ito kahit walang pinagkakakitaan. Ness also gives the old woman an allowance every month.



***

Vaughn cannot concentrate on the business proposal that he's doing. Hindi niya alam kung bakit bigla na naman siyang nainis sa pagtanggi ni Lianna na pag-aralin ang mga bata sa Ireland.

Doesn't she want to go back to the place where they first met?

He shrugged the thought off. Why is he even pissed off? Wala na siyang dapat pakialam.

It was around seven in the evening when the twins appeared inside the study room. He knew that Lianna is just outside. Bakit hindi na lang din ito pumasok? Para namang hindi niya malalaman na nandoon lang ito sa labas. Ito lang naman ang makapagbubukas ng study room maliban sa kanya.

Psh!

"Dad, it's already dinner time." Liam said and sat on the chair in front of his table. He smiled inwardly. Para talaga itong siya kapag umakto. Like father like son.

Dumiretso naman si Vanna sa kanya at humalik sa pisngi niya.

"You should eat on time, dad." malambing nitong saad. Hinawakan siya nito sa kamay. Hindi na niya naitago ang mga ngiti niya. Mas malambing talaga kapag babaeng anak.

"Daddy, let's go and eat." Hinawakan siya nito sa kamay. Paano ba niya matatanggihan ang prinsesa niya?

He saved his documents bago tumayo at nagtungo na sa kusina.

The Ignored Wife (Published by PSICOM)Where stories live. Discover now