5: Homeward

354K 7K 123
                                    

"Wherever you may be in the world, you'll always find your way back home." -jazlykdat

***

Katulad ng nagdaang araw, ni hindi nagkikita sa loob ng bahay sina Lianna at Vaughn.

She was so bored. Mabuti pa ang dalawang bata, pinapasundo nito minsan para pumunta sa opisina nito. Sometimes, they'd go shopping without her.

She feels so down. Pero kahit ilang beses siyang balewalain nito, a part of her still hopes that there must be some way to make things right.

She gathered all her strength para puntahan ito sa study room. It's a weekend pero kahit weekend ay busy ito.

She scanned her palm on the door. Her forehead creased when it blinked with a red light. Hindi bumukas ang pintuan. He must have changed the access to the door.

Akala niya ay may pag-asa pa sila nang hindi nito pinalitan ang access sa pintuan ng nagdaang limang taon pero ngayon parang bumaba ang pag-asa niyang maaaring bumalik pa ang pagmamahal nito sa kanya.

She stepped back.

Sinubukan niyang buksan ang pintuan sa sumunod na kuwarto pero hindi ito bumukas. Mas lalo siyang nalungkot. She went to the kids' rooms. Yun na lang yata ang may access siya sa lahat ng pinto ng bahay.

Five years ago, it was Vaughn and her who had access to all the doors inside the mansion. Lahat ng pintuan sa loob ng bahay ay ginagamitan ng palm scanning para magbukas. Ngayon pakiramdam niya ay tinanggalan na talaga siya ng karapatan ni Vaughn sa buhay nito.

Umupo siya sa gilid ng kama ng kanyang anak. Baka naman kapag lumabas siya ng bahay, hindi na rin siya makapapasok dahil wala na siyang access?

Huminga siya ng malalim. She doesn't want to feel negative. She earned the courge to stand.

She went back to the study room and knocked. She waited for about three minutes bago ito bumukas.

Parang lumipad lahat ng sama ng loob niya nang masilayan ang mga berdeng mata ng asawa niya. He is newly-shaved at preskung-presko tingnan. Naka-shorts lang ito na hanggang tuhod at white shirt.

Vaughn cleared his throat kaya naman bumalik ang tingin niya sa mukha nito.

"What do you need?" he said at agad na naglakad pabalik sa harap ng laptop nito. He left the door opened. Sumunod naman siya rito. She had been planning to ask permission from him sa mga nagdaang araw.

"Vaughn, gusto ko sanang umuwi sa probinsiya," paalam niya rito.

She expected him to say I don't care or it's up to you. Ini-ready na nga niya ang sarili niya.

"To your siblings?" tanong nito nang hindi sumusulyap sa kanya.

"Yes," ninenerbiyos niyang saad. She momentarily held her breath. Baka nahuli lang ang pang-ookray nito.

"How about the kids?" tanong nito. Saglit itong sumulyap sa kanya.

"I'll take them with me," tugon niya rito.

Vaughn closed the laptop at tumingin ng diretso sa kanya.

"Are you going to stay there?" tanong nito. Hindi niya mabakas kung anong nararamdaman nito sa sinabi.

Umiling siya. "Nope, bakasyon lang."

"Good," he said at binuksan ulit nito ang laptop. Lianna was a bit surprised. Her heart suddenly thumps faster.

Ano yung good?

Good na hindi sila tuluyang lalayo rito?

Good dahil ayaw niya silang umalis ng bahay nito?

"When do you plan to go?" tanong nito na nakapagpabalik sa kanya sa kasalukuyang usapan.

"Monday sana," tugon niya rito.

"Can you make it Tuesday?"

Tumango siya sa sinabi nito. She smiled inwardly. At least their conversation is now better than the last time.







Lianna thought Vaughn would take the kids somewhere on Monday kaya nito hiniling na martes na lang sila uuwi ng probinsya pero maghapon naman ito sa opisina at hatinggabi na itong umuwi. Nagpang-abot kasi sila dahil saktong palabas siya sa kuwarto ni Liam dahil nag-empake siya ng damit na dadalhin ng anak.

They didn't exchange any word. Dumiretso itong pumasok sa kuwarto nito.

The following morning, maagang gumising ang mga bata dahil excited makita ang mga kamag-anak nila. She can't blame them. Alam naman kasi ng mga bata na hindi nila kaanu-ano noon sina Nanay Sandra at Ness. Nevertheless, they are close to them.

They are about to eat breakfast nang pumasok si Vaughn sa komedor. Bahagya pa siyang nagulat. She expected him to wake up a little late dahil late na din itong nakauwi kagabi.

The kids greeted him good morning with a hug. Nakangiti naman itong yumakap sa mga bata.

Napangiti siya. It was such a beautiful sight. Nakita rin niya ang ngiti sa mga berde nitong mga mata.

Pakiramdam niya ay matagal siyang nakatunganga dahil hindi man lang niya namalayan na nasa komedor na rin pala si Chad, ang head ng security ni Vaughn.

"Ready na ba yung sasakyan papuntang probinsiya?" tanong ni Vaughn rito.

Napatigil siya sa akmang pagkuha ng pagkain, iniisip niya kasi kagabi pa na magba-bus na lang sila ng mga bata.

"Ayos na sir," tugon ni Chad.

"Pa-double check na lang ulit para sigurado samahan mo si Manong Rad," utos niya rito. She's happy to hear that Vaughn wants to make sure they'd have a safe trip.

"Manong Rad? Daddy, will he be the one to drive us to Mom's house?" Vanna asked excitedly. Nagtaka siya kung bakit ito kilala ni Vanna. Si Manong Rad din kasi ang driver na naghahatid-sundo sa kanya noon. Ito rin ang naghatid sa kanya noon sa probinsiya nila.

Marahil ay nakikita ito ng mga bata sa building ni Vaughn kapag nagpupunta sila roon. Hindi pa kasi niya ito nakikita simula nang umuwi sila dito sa bahay.

"Yes," tipid na sagot ni Vaughn.

"That's great! He's my favorite driver!" masayang hayag ni Vanna. She looked at the kid. Favorite agad?

"I kindda miss him. We haven't seen him since we arrived here in Manila." Dagdag nito. Nagtataka siyang napatingin sa anak.

Since we arrived here in Manila?

Parang nag-buffer ang pahayag ng anak niya. She looked at Vaughn. Tiningnan lang nito ang anak at ngumiti ng tipid.

"Me, too." Liam seconded which left her totally dumbfounded.

The Ignored Wife (Published by PSICOM)Where stories live. Discover now