9: Freezing

387K 6.9K 775
                                    

"Does history really repeat itself? Or we are just stupid enough to repeat the same old mistake?"- jazlykdat

***

Published by PSICOM. Available in all leading bookstores nationwide.

***

Lianna stiffened when he said that the bed is waiting for her. It reminds her of the first time they met each other.

"The chair is waiting for your ass." The green-eyed man said while looking at his phone. Then, she found herself seated infront of him.

Now, the stranger is her husband.

No.

She is not going to repeat her old mistake of giving in with just a word from him.

Shaking her head, she went out of the room and decided to squeeze herself on the children's room.

Nagising siya kinaumagahan sa ingay ng mga bata. Kagigising pa lang ng mga ito, naghaharutan na naman. She greeted them good morning at inakay ang mga ito sa kusina para mag-agahan.

Everyone is already at the dining area. Dumulog na lang din siya sa mesa. It was awkward for her. The only vacant chair is beside Vaughn. Nauna kasing umupo ang mga bata kaysa sa kanya.

She had no choice but to eat breakfast beside him. She tried hard not to look at him. She doesn't want to see his reaction.

No.

She iss actually afraid that she might regret not joining him in bed last night.

Pagkatapos kumain ay naghanda na sila para mamasyal ulit. She was the last one to prepare. Tinulungan niya muna kasi ang mga anak na maghanda pagkatapos ay hinintay niyang lumabas si Vaughn ng kuwarto bago naman siya pumasok para maligo.

They traveled upnorth to the magnificent Patapat Bridge where the ocean meets the mountains. Nasa gilid ng bundok ang mahabang tulay na nagdurugtong sa Ilocos Norte at Cagayan. Under the bridge is already a part of the sea.

They took pictures and again iniwasan niyang mapasama sa isang litrato kasama ang asawa. Ikinatwiran na lamang niya na maraming beses na siyang nakapunta doon kaya hindi na niya kailangan ng pictures.

Their next stop is at the Windmills in Bangui. It was a breathtaking site. Ang naglalakihang windmill ay dumadagdag sa energy resources ng buong Ilocos Norte. Kahit ilang beses na niyang nakita ito ay namamangha pa rin siya. Parang hindi kapani-paniwala na may ganitong energy resource ang Pilipinas.

While their eyes are feasting on the gigantic structures. Nagsimula namang magdiscuss ang ate niya ng sarili nitong version ng history na kinukuwento noon ng magulang nila.

Noong panahon ni Marcos, mga mahihirap daw ang higit na nag-benefit. Kahit ilang baluktot na history book daw ang basahin mo, wala ni isang magsasaka ang naagawan ng lupa. In fact, Marcos gave lands to the poor. Ang Manila ay dinadayo dahil sa dami ng job opportunities. It promises good future, hindi katulad ngayon na wala nang mahanap na trabaho kaya andami nang squatters.

Her sister narrated. Hehe! Hindi naman halatang maka-Marcos ito. But she admits hanggang ngayon naman talaga maganda ang palakad ng mga Marcos sa Norte.

They went to Kapurpurawan where they were able to see magnificent white rock formations. Dumaan din sila sa ipinagmamalaki ng Norte na Sand Dunes.

They also went to Paoay Church, Marcos Museum and the legendary Paoay Lake. Tanaw ang Paoay lake mula sa Malacañang of North, an old residence of the Marcoses.

Her sister started narrating again. There was an old folklore about Paoay Lake. Tatlong barrio daw ang lumubog doon kaya sobrang lawak ng lake. Tuwing kabilugan daw ng buwan, you can hear a lot of sounds coming from the lake at makikita daw mula sa tanglaw ng buwan ang mga lumubog na mga bahay.

The kids eagerly listened at her. Siya naman ay napailing na lang. Bakit kaya kapag teacher ang nagsalita laging kapani-paniwala ang datingan? Hehe!

It was already night when they went back to the beach house. They were already busted. Nag-dinner na kasi sila sa isang restaurant along the way.

Kumuha lang siya ng pamalit na damit nila ng mga bata mula sa kuwarto at niyaya na ang mga ito na sa banyo sa ibaba maligo. Natulog ulit siya sa kuwarto ng mga bata.

Before they dozed off, pumasok pa ng kuwarto si Vaughn. He said good night to the kids. Hindi niya alam kung tiningnan siya nito dahil nakatutok ang mga mata niya sa nakabukas na TV.

"Mom, are you going to sleep here again?" Liam asked. Nginitian niya ito.

"Yes, cutie! Na-miss ko na kasi kayong katabi," she said smiling at nilakumos ng halik ang dalawang anak na panay ang reklamo.

The sun was already up when she woke up. Wala na ang mga bata. Kataka-takang maayos na ring nakatupi ang mga kumot na ginamit ng mga ito.

She went down to make herself a cup of coffee. Naabutan niya ang ate at hipag niya sa kusina na naghahanda na ng snacks. Nang tingnan niya ang oras, alas diyes na pala.

"Lian, may problema ba kayo ng asawa mo?" her sister asked directly. Hindi agad siya nakasagot. She was caught off-guard.

"Napapansin ko dalawang gabi ka nang natutulog sa kuwarto ng mga bata parang hindi rin kayo masyadong nag-uusap."

Her sister is really a keen observer. Ito na nga ba ang ikinatatakot niya.

"Kung ano man yang diperensiya niyong mag-asawa, pag-usapan niyo ng maayos."

She inhaled deeply. Wala naman kasi siyang puwedeng isagot sa pahayag nito. Ayaw na rin niyang magsinungaling sa mga ito kung maaari kaya hindi na lamang siya nagsalita.

"Keeping relationships isn't actually a two-way street. Babae talaga ang may hawak ng relasyon," she said as she wrapped the sandwiches. Nag-iimbento yata ang ate niya ng sariling konsepto?

"Kapag sinabi ng babaeng hindi na puwede, hindi na talaga puwede. Kapag sinabi niyang puwede pa, talagang puwede pa." Dagdag ulit nito. She remained silent.

Inilagay nito ang mga sandwiches sa tray bago siya tiningnan ng diretso.

"Madali lang naman kasing utuin ang mga lalaki. Konting lambing lang, bibigay na ang mga 'yan." Kindat nito bago binuhat ang hawak na tray at lumabas na ng kusina.

"Basta ipakita mo yung gusto nilang makita," natatawa namang dagdag ng hipag niya dala-dala ang pitsel ng fresh orange juice. Napailing na lamang siya sa mga sinabi ng mga ito.

She peeked outside the beach house. Nandoon pala silang lahat at nagbababad sa asul na dagat.

The Ignored Wife (Published by PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon