34: Brazen

331K 5.9K 273
                                    

"The brazen past haunts like a ghost." –jazlykdat


***

  Published by PSICOM Publishing Inc. Now available in bookstores nationwide for Php175. Grab your copies now.  

***

If there is one thing that Lianna learned over the years about Vaughn's attitude is that he would never say something just to spare someone from the hurt. Hindi nito sasabihin ang isang bagay para lang pasayahin ang isang tao kung hindi naman totoo.

So, when he said that he wouldn't have married her if he doesn't love her very much, Lianna knew he wasn't lying.

Kaya naman noong sabihin nitong umuwi na siya dahil baka makasama sa mga dinadala niya ang pagpunta sa kung saan-saan ay pumayag na lamang siya. What he said was enough assurance for her. Mahal na mahal siya nito at nag-aalala lang ito sa kalagayan niya, period.

Tinanggap niya na rin ang rason na marami itong businesses na inaasikaso kaya malimit itong late umuwi. It is easy to manage cruise ships, hotels and restaurants, shipping lines and lately 'yong hindi maabot ng imahinasyon niya na private airline at airport na itinatayo pa lamang.

Ang importante naman sa kanya ay ang paglalagi nito sa bahay tuwing weekends. Minsan lumalabas din sila kasama ang mga bata. Siguro magrereklamo na lang ulit siya kung pati weekends ay mawalan na rin ito ng panahon sa kanila.

She's on her seventh month of pregnancy at mukhang maayos naman ang lagay ng mga dinadala niya. She actually feels normal kagaya no'ng ipinagbubuntis niya ang kambal noon. Hindi rin siya sinisita ni Vaughn kahit sumasama siya sa pagsundo sa mga bata sa eskuwelahan minsan. Maybe he doesn't know or he knows but he just lets her go. Hindi naman kasi siya masyadong mapapagod dahil nakasakay lang siya sa kotse.

"Lianna!"

Napalinga siya sa mga parents na naghihintay din sa waiting area ng school. Mahina lang ang pagtawag sa kanya pero sigurado siyang may tumawag sa pangalan niya pero wala naman siyang kilala sa mga taong nandoon.

Napailing na lang siya at tinanaw ang gate kung saan lumalabas ang mga bata.

Natigilan siya nang biglang may humawak sa kamay niya at may naiwan na papel sa kamay niya. Paglingon niya ay may nakita siyang babaeng naka-skinny jeans at hooded jacket na papalayo mula sa direksyon niya. Ni hindi ito lumingon.

Her forehead creased as she looked at the piece of paper.

Lianna,

There is something you should know about the truth. Hihintayin kita! 5PM.

Janine

There is an address written at the back of the paper. Saglit siyang natigilan.

Is this Janine, the model? 'Yong nagsinungaling sa kanya dati...the one with fake death records na ginamit ni Mr. Lopez.

Vaughn said she already migrated in the US matapos ang insidenteng iyon.

Anong katotohanan ang sinasabi nito?

Nope! Hindi siya dapat maniwala sa ibang tao. Tapos na ang issue patungkol kay Vaughn. They are already fixing their marriage.

Ano may gugulo na naman? Babalik na naman sila sa dati?

No, she is not going to be scared again at paghihinalaan ang asawa niya ng masama.

____

Umuwi na sila agad nang makalabas na ang mga bata mula sa eskuwelahan. She didn't bother going to the address written on the paper. Walang dahilan para makipagkita siya sa Janine na iyon. She fooled her once, it's not happening again.

The Ignored Wife (Published by PSICOM)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora