10: Strict Parental Guidance

437K 7.7K 364
                                    

"If you want to reconcile things, go back to how it all started." - jazlykdat

***

Published by PSICOM. Available in all leading bookstores nationwide.

***

Their last day at Saud Beach was spent savouring the white sand beach. Maghapon silang tumambay sa tabing dagat kaya naman pagdating ng gabi ay pagod na silang lahat.

Dahil sa pagod nauna nang nagbihis ng pantulog si Lianna. Paglabas niya ng banyo ay nasa silid na rin ang mga bata at nakapantulog na. Sinabi ng mga ito na tinulungan sila ng ama nilang magbihis.

She convinced the children to sleep inside the room. Ayaw niya kasing siya ang lilipat ng kuwarto dahil paniguradong magtatanong ulit ang ate niya. She was glad, they are okay with it.

Nang pumasok si Vaughn sa kuwarto ay nakahiga na silang tatlo sa kama. It's a king size bed kaya may espasyo pa ito sa gilid. He silently lied down and whispered good night to the kids.

Kinabukasan ay umuwi sila ng maaga dahil may duty ang kuya niya sa hospital ng after lunch.

She rode on the coaster van. Ayaw niyang magtaka ulit ang ate niya.

They arrived home at lunchtime. Pagkatapos ng lunch ay agad siyang pumasok sa kuwarto para matulog. Hindi kasi siya masyadong nakatulog nang nagdaang gabi. Umuwi din muna sa kani-kanilang bahay ang mga pamilya ng ate at kuya niya.

It was around 3PM nang gisingin siya ni Vanna Lei dahil may mga naghahanap daw sa kanya sa baba.

Pagkatapos mag-ayos ay bumaba na siya.

Her visitors squealed when she emerged at their living room. Yung mga dati pala niyang officemates ang dumating. Masaya ang mga itong yumakap sa kanya.

Napuno ng kantiyawan ang buong bahay nang maaalala ng mga ito ang asawa at mga anak niya. Na-meet na daw nila ito kanina bago pa siya bumaba ng sala. Ngumiti na lamang siya sa mga kantiyaw ng mga ito. There are seven of them.

Nagpahanda muna siya sa kasambahay nila ng meryenda bago inaya ang mga ito sa patio ng bahay. Doon nila itinuloy ang kuwentuhan at kantiyawan.

"Sis, may sasabihin yata yung asawa mo, kanina pa patingin-tingin." Saad ng isa niyang officemate dati. Tanaw kasi mula sa kinaroroonan nila ang living room dahil katapat ng bintana. Kanina pa nga niya napansin na nanonood ng TV sa sala si Vaughn.

"Baka naiingayan lang sa 'yo sis." Biro niya rito. "Malamang!" sabat naman ng isa. They began laughing again.

It was only a minute or two, bago lumabas si Vaughn at tinungo ang kinaroroonan nila.

"May I excuse my wife for a minute?" tanong nito sa mga bisita niya. Natahimik naman ang mga ito.

Nagtataka siyang napatingin rito. Vaughn only smiled. Sumunod na lang siya rito.

"The kids are already hungry. Who's going to cook dinner?" tanong nito sa kanya. Napakunot-noo siya.

Is that an indirect command? Or he wants her to dismiss her visitors?

"I already asked Mona to cook dinner," tugon niya rito. Si Mona ang naging caretaker ng bahay nila kasama ang asawa nito at mga anak. Vaughn fell silent.

"May sasabihin ka pa?" tanong niya rito. Umiling naman ito. Bumalik na lang siya sa patio at itinuloy ang pakikipagkuwentuhan.

"Lianna, pasalubong naman," natatawang ungot ng kaibigan niya. She slightly blushed. Nakakahiya lang dahil wala naman talaga siyang nadalang kahit anong pasalubong. Ang alam ng mga ito ay nanggaling siya ng Ireland. According to them, it was what her sister and brother told them whenever they'd ask about her before.

The Ignored Wife (Published by PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon