8: Break

400K 7.4K 790
                                    

"Show him less and he'll seek for more." -jazlykdat

***

  Published by PSICOM Publishing Inc. Now available in bookstores nationwide for Php175. Grab your copies now.  

***

Hindi alam ni Lianna kung anong oras na siya nakatulog. Basta ang alam lang niya, nakatulugan niyang hindi pa bumabalik si Vaughn sa kuwarto. At ngayong nagising siya ay wala na ito. Tirik na kasi ang araw. Kung bumalik man siguro ito ay maaga rin itong gumising.

She went down after taking a bath. Nasa living room ang kuya at hipag niya. Sinabi ng mga ito na namalengke ang ate at bayaw niya samantalang ang mga bata ay nasa damuhan sa likod ng bahay kasama ang asawa niya.

Nagtimpla siya ng kape at pasimpleng sumilip sa backdoor ng kusina. She saw Vaughn teaching the kids how to kick the soccer ball. Hindi niya inaasahang magaling din pala ito sa ganoong laro. He kicks the ball and rolls it to his thigh like a pro.

She sighed remembering their conversation last night. Maganda sanang tanawin ang nakikita niya kung hindi lang niya alam na pakitang-tao lang lahat ng ginagawa ni Vaughn.

Bumalik na lang ulit siya sa loob at nakipagkuwentuhan sa kuya at hipag niya. Makalipas ang halos dalawang oras saka naman dumating ang ate at kuya niya. The kids went inside to have snacks. May tatlong anak ang ate niya. Ang panganay na lalaki ay junior high school na, samantalang ang dalawa na parehong babae ay nasa elementary pa lamang. Dalawang lalaki naman ang anak ng kuya niya na parehong nasa elementary.

She sat few seats away from Vaughn on the dining area nang magmeryenda sila. Katabi nito ang dalawa nilang anak. Sinadya niyang lumayo para hindi siya nakikita nito.

She was taken aback when her sister suggested na mamasyal sila sa mga tourist spots sa probinsya nila kahit tatlong araw lang. Nakakuha raw kasi ng tatlong araw na bakasyon ang kuya niya sa hospital. Wala namang problema sa ate niya na principal dahil bakasyon naman sa eskuwelahan pati ang mga bata.

"That's a good idea," Vaughn answered. She didn't join in the conversation. Nagpatianod na lamang siya.

At night, she went at the kids' room at nakipagharutan sa mga ito. Sinadya niyang matulog doon. May foam kasi sa kuwarto na inilalatag nila para sa mga bata dahil ayaw maghiwa-hiwalay ng higaan. Ayaw niyang magkasama sila ni Vaughn sa iisang kuwarto dahil baka mauwi na naman sa samaan ng loob.

They headed north the following day, una nilang pinuntahan ang Bantay Bell Tower sa Ilocos Sur. It's a brick bell tower na na-preserve at puwedeng-puwede pang akyatin. There's a magnicent view as you go upstairs to the bell tower lalung-lalo na't asul na asul ang kalangitan at berdeng-berde naman ang paligid ng tower. The tower is overlooking it's nearby barangays.

They took a lot of pictures. Sa tuwing magpapapicture ang mga bata kasama ang ama nila ay umaalis siya kunwaring may tinitingnan. She doesn't want to join them. It would just give her another heartbreak knowing na mahirap na silang mabuo bilang pamilya.

Sunod nilang pinuntahan ang Heritage Village sa Calle Crisologo, Vigan kung saan makikita ang isang kalye na puro Spanish houses. Nakakamangha ang pagkaka-restore sa mga sinaunang bahay. They are all lined up in one street. Even the street floors are rock tiles that would take you back in Spanish times. Lalo na at may mga kalesang masasakyan doon. The tictac of the horse's shoes feels nostalgic. All the Spanish houses were turned into souvenir shops, restaurants and guestels.

"It looks like Madrid, Spain." She heard Vaughn stated. Bahagyang natawa ang ate niya.

"Malamang, Spanish houses eh." Natatawang banat ng ate niya. Vaughn also chuckled bago naglakad akay ang dalawang bata. Hindi siya sumama sa mga ito. Mag-isa siyang tumingin-tingin sa mga souvenir shops.

The Ignored Wife (Published by PSICOM)Where stories live. Discover now