4: Hopeful

354K 7K 120
                                    

"Though it seems so impossible, you should at least try. Who the hell knows if someday it will become possible?" –jazlykdat

***

Lianna smiled when she woke up in the morning. Nakayakap si Vaughn sa dalawang bata habang mahimbing na natutulog. She felt the urge to caress his hand na malapit lang sa kanya pero pinigilan niya ang sarili.

Pinagpiyestahan ng mga mata niya ang mukha ni Vaughn habang natutulog. His mouth is a little open. Nakakaakit talaga ang labi nito. His almost square jaw looks so manly. Ang tangos din ng ilong nito. She just wished na sana masilayan niyang muli ang mga berde nitong mga mata na nakakaakit tingnan katulad noon. She could even smell his manly scent.

Bumaba ang tingin niya sa abs nito na bahagyang nakikita. She inhaled deeply and averted her gaze.

Dahan-dahan siyang tumayo mula sa kama.

Nagtungo siya sa kusina matapos maligo para magluto ng agahan. She was so happy last night when she saw how Vaughn devoured the food she cooked.

Ngunit nagbago ang aura nito nang nalamang siya pala ang nagluto ng mga iyon. Based from his expression, alam niya na kung puwede lang siguro nitong iluwa ang pagkain ay gagawin nito. He despised her. She knew that very well. Hindi naman niya ito masisisi.

Pero nagpasalamat na lamang siya at nagustuhan nito ang luto niya. For her, it was an achievement.

Napailing siya nang maalala ang ginawa niya kagabi, kinausap niya ang dalawang bata para lang makatulog silang tatlo sa kuwarto ng ama nila. It wasn't good to involve the kids pero gusto lamang naman niyang makita at maramdaman ni Vaughn na kailangan ng mga bata ang buong pamilya. Maybe then they could stand a chance to reconcile things.

Saktong natapos siya sa pag-prepare ng dining table nang magkakasunod na pumasok ang mag-aama sa dining area.

"Good morning, mommy!" halos magkasabay na bati ng dalawang bata. Nauna si Vanna na humalik sa pisngi niya, sumunod naman si Liam.

"Good morning, cuties!" she said cheerfully and hugged them both and kissed them on their cheeks.

It would have been a perfect family scene kung kasunod ng halik na iyon ay si Vaughn din.

She inhaled deeply as she stood up. Dumulog naman sa hapag ang dalawang bata. Vaughn is already seated in his usual spot, ang kabisera.

Lianna already mixed some milk for the kids kaya inatupag naman niya ang pagtimpla ng kape para kay Vaughn. He used to drink black coffee and no sugar. Madalas din kasi niyang ipagtimpla ito noon tuwing breakfast.

Pagkatimpla ay inilapag niya ito sa tabi ni Vaughn.

"Coffee," tipid niyang saad bago umupo sa silyang nasa kanan ng kabisera. Vaughn didn't even look at the cup of coffee. Bumaling ito sa maid na nakabantay lang sa gilid ng dining area.

"Tell Joart to bring my coffee," saad niya rito. Joart is the head cook. She felt a twinge of pain. Pero ano pa nga ba ang dapat niyang asahan?

Napatingin si Lianna sa dala-dalang kape ni Joart. Mayroon na itong creamer at may coffee art pa na pine tree. Some things must have changed sa limang taon niyang pagkawala.

"What did you cook for breakfast?" tanong ni Vaughn rito. Joart looked at the foods on the table. Siya rin ay napatingin sa mga pagkain sa lamesa na inihanda niya. Pati ang mga bata na kumukuha ng pagkain ay natigilan rin sa tanong ng ama nila.

"Sir, hindi po ako nagluto. Sinabi po kasi ni Ma'am Lianna na siya na ang bahala sa breakfast ninyo," nag-aalalang sagot ni Joart habang sumusulyap sa kanya.

Vaughn's jaw clenched. "Next time, take orders only from me. Do you understand?" galit nitong saad kay Joart. Agad naman itong umoo. He sent Joart away.

Para siyang naitulos sa kinauupuan. Lianna couldn't move. Parang gusto niyang umiyak sa pagkapahiya.

"Dad, there's a lot of food in the table. Don't you like them?" Liam asked breaking the silence.

"Right Dad, these are delicious. Mom makes the best scrambled eggs," segunda naman ni Vanna.

Lihim na nagpasalamat si Lianna sa mga anak. They must have felt na nagdamdam siya sa ginawa ng ama nila.

"My favorite is this," Vanna added while spooning the scrambled eggs.

"It has tomatoes and onions. Lots of 'em! Try it, dad!" saad ng bata at nilagyan ang plato ng ama. Nasa kabilang side lang kasi ito ng table katabi ng ama nito. Kumutsara ulit ito at iniumang sa bibig ng ama.

"Taste it dad, please? It's the best." Saad ni Vanna rito. Vaughn looked at the food. Alam ni Lianna na napipilitan lang itong tikman dahil sa bata.

Excited na tiningnan ng bata ang reaksiyon ng ama nito nang tikman nito ang pagkain.

"How is it, dad?" tanong agad nito nang malunok ng ama ang pagkain. Kahit siya ay nakaabang sasabihin nito pero minabuti niyang yumuko na lamang para hindi makita ang reaksyon nito.

Pakiramdam niya ay ang bagal ng oras. Then Vaughn cleared his throat.

"It's good," mahina nitong saad. Kahit alam ni Lianna ni napilitan lang itong sumagot ng ganun, ipinagpasalamat pa rin niya na hindi niya ito ipinahiya sa harap ng mga anak nila.

Tanda lang na maganda ang ugali nito dahil hindi nito idinadamay ang mga bata sa galit nito sa kanya.

And she's thankful for having wonderful kids na sa kabila ng kamusmusan ay alam kung kailan siya dapat isalba sa sitwasyon.

The Ignored Wife (Published by PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon