30: Babae

396K 6.8K 356
                                    

"Never assume anything. Learn how to ask." –jazlykdat



***

  Published by PSICOM Publishing Inc. Now available in bookstores nationwide for Php175. Grab your copies now.  

***

Lianna feels at peace because everything's going well with him and Vaughn. Sa unang linggo niya sa office ay hinahatid at sinusundo pa siya ni Vaughn araw-araw pero nang sumunod na linggo ay binigyan na siya nito ng sasakyang gagamitin pagpasok dahil magiging abala na raw ito.

He bought a female version of his Porsche. Tinuruan pa siya nito sa pagda-drive. He volunteered and she didn't disagree.

"You're a fast learner." Komento pa nito nang tinuturuan siya. She suppressed her smile at that moment. Ang totoo marunong naman talaga siyang magmaneho. Lagi niya kasing sinasamahan noon ang ate niya sa driving school bago bumili ng sasakyan para sa sarili nitong pamilya kaya natuto din siya. Vaughn didn't know that. Hindi pa rin pala kumpleto ang pag-background check nito sa kanya noon. Hehe!

Well, she likes the idea of him teaching her kaya noong nagboluntaryo ito na turuan siya ay hindi na talaga siya tumanggi.

With the blessings of her OB-Gyne, hinayaan siya nitong magmaneho pero sa oras na lumaki na ang tiyan niya ay si Manong Rad na daw ulit ang magda-drive para sa kanya. She was okay with it. At least, Vaughn is already giving her freedom to move around and do things on her own. Ibig sabihin ay nagtitiwala na ulit ito sa kanya.

Minsan nakakapunta na siya ng mall nang wala siyang kasamang driver o body guards.

Yun nga lamang parang malapit na siya nitong pagbawalang mag-drive dahil tatlong buwan pa lang ang tiyan niya ay lumalaki na ito. Hindi basta umbok na lang pero normal lang naman dahil triplets ang dinadala niya. nawala na rin ang cravings niya sa mga pagkain.

"Hindi ka pa matutulog?" tanong niya sa asawa. Late na kasi kaya pinuntahan na niya ito sa personal space nito sa third floor ng bahay.

"Sunod na ako," nakangiti namang tugon ni Vaughn. Saglit itong sumulyap sa kanya bago ibinalik ang tingin sa pader kung saan naka-flash ang binabasa nitong dokumento. Nakaupo ito sa may couch.

Umupo siya sa tabi nito at nakibasa sa dokumento pero hindi naman niya maintindihan. Ang naiintindihan lang niya ay tungkol ito sa aviation industry.

"Been working on this for the last six years," saad nito bago yumakap sa baywang niya at kinabig palapit. Ipinatong nito ang ulo sa balikat niya.

"Aviation? Magtatayo ka ng airline company?" Naguguluhan niyang tanong dito.

"Still thinking about it. What do you think? Airline alone o pati airport din?" tanong nito sa kanya. Umalis siya sa pagkakayap nito at tiningnan ang mukha nito. He smiled at her.

"Airline? Hindi ba masyadong mahal 'yang business na iniisip mo?" tanong niya rito. He knows that he is rich but she is an accountant. Alam niya rin kung gaano kalaking pera ang kailangan para magtayo ng ganoong negosyo. It's either he'd use all his savings or lose one of its businesses like the cruise ship business.

"It is expensive." He smiled. He cupped her face and gave her a quick kiss on the lips.

"It is very expensive but we can afford it. I am gradually releasing the firearms business. I've started it six years ago."

Napatitig siya sa mukha nito. Ngumiti naman ito at inakbayan siya.

"Since the day you left. Inayos ko na ang papers para maibenta 'yon. Kaya lang hindi gano'n kadaling ibenta. Dahil may mga contracts pa na kailangang tapusin." Kuwento nito.

The Ignored Wife (Published by PSICOM)Where stories live. Discover now