Chapter 3 - Hansel Kang

229K 5.7K 231
                                    

Chapter 3

"NOW TELL me, who are you?"

Napaatras ako sa tanong niya. Why am I nervous? Bigla na lang akong pinagpawisan nang ilapit niya ang kanyang mukha niya sa akin. Alam kong nakabukas ang aircon ng kotse niya but I'm really sweating here.

"I won't tell you!"

Hindi ko rin kasi maipaliwanag kung bakit ako kinakabahan. Kanina lang, nagtatapang-tapangan pa ako. Either naiilang ako sa malapit niyang mukha or I felt nervous because being near him will make my life complicated. I don't know, my instinct told me that I should stay away from him.

"Again! Who are you?!" pagalit niyang sabi na mas ikinagulat ko.

"I-I'm Ingrid Sy," nakayuko kong sabi.

"How did you get here?" medyo malumanay na ang kanyang pagsasalita.

"I drove my car," I said while looking down.

"I mean, how did you know about this place? How come you're here? Don't you even know who lives here?"

Gusto ko sanang iangat ang tingin ko pero natatakot pa rin ako.

"I saw it on the internet. If you're thingking that I am not rich because all people here are rich, well—"

"People? So you don't know."

"Don't know what?"

Napatingin na ako sa kanya. Nagulat ako sa nakita. Kanina when I looked into his eyes, medyo brown siya. But now, ewan parang burgundy or something.

"Of course you don't know. Hindi ka pupunta dito kung alam mo." Naguluhan naman ako sa sinabi niya.

"Ano ba'ng pinagsasabi mo?"

"Alam mo bang late na ako sa klase ko dahil sa'yo?" masama na ang tingin niya sa akin.

"Kasalanan ko ba? Ikaw kaya ang namilit na isakay ako sa kotse mo!" Tinarayan ko na naman siya. Nakakainis kasi, eh!

"Whatever! Kasalanan mo pa rin! Because of that, paparusahan kita." Napataas naman ako ng kilay.

"Ang feeling mo rin, 'no? Ano ka, batas at paparusahan mo ako? FYI, wala pang nakukulong sa pagiging late!" Inismiran ko siya.

"If you want to survive this place, you have to obey me. Understand?!" He glared at me.

Grabe! Ang lakas ng loob niyang I-bully ako.

Umiling naman ko. "Ayoko nga!"

"Kapag hindi ka sumunod sa akin I will make your life mesirable for the rest of your stay here. Do you want that?" he said threatening me. Pinaningkitan ko naman siya ng mata.

"Fine! Ano ba'ng parusa ko?" wala-sa-loob na sabi ko.

"Simple. You just have to follow me around,"

"You mean to say, I'm going to be your... alalay?!" I said in disbelief.

"Yes. Whether you like it or not." He said with a smirk.

"And why would I do that?" nakapamewang kong sabi.

"Kasi ako lang ang puwedeng makatulong sa'yo para makapag-enroll dito sa SMU!" Nanlaki naman ang mga mata ko.

"What do you mean?"

"My family owns the school," he casually said.

My jaw dropped when I heard him say that.

"You—"

"You're welcome." He said conceitedly while grinning at me.

"Ayoko pa rin," I folded my arms across my chest.

Vampire City: Not Your Ordinary Vampire StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon