Chapter 50 - Forever and Eternity

134K 3.2K 336
  • Dedicated kay Vampires and Vampirette
                                    

Chapter 50

Ingrid's POV

DAHAN-DAHAN kong iminulat ang mga mata ko.

"Where am I?" I asked myself. Nasa isang silid ako pero alam kong wala ako sa bahay namin. The place looks vintage. May isang malaking bintana na natatakpan ng makapal na kurtina. Hindi ko tuloy alam kung umaga na o gabi.

Bumangon ako at maingat na inapak ang aking mga paa sa sahig. Ramdam ko ang malamig na hatid ng sahig sa talampakan ko. Napatingin ako sa aking sarili at nakasuot ako ng isang puting bestida. Mahaba na ang aking buhok hanggang dibdib ko at hindi na siya blonde. Bumalik na sa dating kulay ang buhok ko.

Lumapit ako sa bintana at marahas kong binuksan ang kurtina.

"Ahhhh!" halos mapasingaw ako sa sakit.

What the hell? Ang init naman! Agad kong sinara ang kurtina dahil pakiramdam ko nasusunog ang balat ko.

Wala sa sariling napaupo ako sa kama. Ano bang nangyayari? Pinilit kong inaalala kung ano ang huling nangyari sa akin pero hindi malinaw sa utak ko.

Naghanap ako ng tsinelas sa loob ng silid pero wala akong mahanap.

Lumabas ako sa silid kahit nakapaa at halos manlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung na saan ako.

Bakit ako nandito sa palasyo ng vampire city?

Wait. Oh my, God! Si Hansel. Gising na kaya siya? Ang huli kong naaalala ay nasa hospital siya tapos si Eunice—holy shiz! Eunice tried to kill me! Ugh! That bitch!

Tuluyan akong lumabas at bumaba. Kailangan ko sabihin kay Hansel ang lahat. Kailangan kong sabihin sa kanya na hindi siya si Hariko.

Napansin kong ang tahimik sa loob ng palasyo kaya nakalabas akong wala man lang nakakapansin sa akin. Err, nakapaa lang ako.

Tumakbo ako palabas ng palasyo nang biglang umulan. Kahit gusto kong sumilong ay hindi ko magawa. Para bang gumaan ang pakiramdam ko nang mabasa ako ng ulan. Pakiramdam ko kaya ko itong kontrolin.

* * *

Hansel's POV

"WHAT do you mean she's missing?! 'Di ba sabi ko bantayan niyo siya dahil kailangan kong lumabas ng portal?!"

"P-patawarin niyo po kami, Prince Hansel. Nalingat lang po kasi kami nitong kasama ko tapos pagbalik namin wala na siya sa kuwarto niya," nakayukong sabi nang tagapaglingkod.

"Kuya, relax ka lang, okay? Baka gising na si Ate Ingrid kaya nag-ikot lang siya sa palasyo. You should feel her presence. You created her, remember?" sabi sa akin ni Erina.

"I can't locate her," sabi ko lang. Hindi ko rin maintindihan kung bakit parang natatakpan siya ng isang malakas na kapangyarihan.

"Because it's raining," sabi lang ni Daddy.

"Why?" naguguluhan kong tanong. Ano naman kung umuulan?

"Just like what was in my vision, Ingrid turned out to be an Elemental vampire. The musk of her scent was being hidden by her strength." He explained.

"But she doesn't know that she's now a vampire," nag-aalala kong sabi.

"Son, Ingrid is a smart lady. She'll figure it out,"

Hindi na lang ako umimik. Ang daming tumatakbo sa utak ko paano kung hindi niya matanggap na isa na siyang bampira? Paano kung mas gusto niyang manatiling brain-dead hanggang sa mamatay?

Vampire City: Not Your Ordinary Vampire StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon