Chapter 40 - Let us love

101K 2.6K 105
                                    

Chapter 40

Ingrid's POV

INILAPAG ko ang sulat sa harapan ni Daddy na busy sa pagbabasa ng reports. Nasa opisina niya ako ngayon at sinadya ko talagang pumunta sa kumpanya niya. Binasa niya ang sulat. Halatang nagulat siya kaya tumikhim siya bago nagsalita.

"So, he really did it," he seriously said.

"At may kinalaman talaga kayo dito?!" hindi ko makapaniwalang bintang sa Daddy ko.

"It was his choice. I just gave him an option. I never thought na gagawin niya talaga. Since it was 5 years ago, akala ko nagtago na lang siya kasi hindi na siya nagpakita pa sa'yo,"

"What option? To be a human? God! I don't want him to be a human. I love him the way he is. I love the creature you despise so much! At ngayon nawawala si Hansel. Pati pamilya niya walang alam kung nasaan siya!" Gusto kong sigawan si Daddy pero hindi ko magawa. Nanghihina pa ako sa sobrang dami ko na namang nalaman. After all, Daddy ko pa rin siya. Kaya kahit madami na siyang kasalanang nagawa sa akin, I can still find it in my heart to forgive him.

"It doesn't mean na nagpakatao ka para kay Mommy ay gagawin mo na rin kay Hansel. Alam mo naman na Prinsipe siya, 'di ba? Alam niyo bang ayaw ni Erina na maging Reyna ng Vampire City? Pero wala rin siyang choice kasi nga tao na ang dapat magmana ng korona! Haven't you even though about that?" I continued.

"Ginawa ko 'yon kasi gusto kong maging masaya ka. He convinced me na tanggapin ko siya. That day na pumunta siya sa mansion to confront me. Before he broke up with you—nagmakaawa siya na hayaan ko kayong dalawa na magmahalan. Pero ayaw kong pumayag dahil natatakot ako na mapahamak ka,"

Ington's flashback

"MAHAL mo ba talaga ang anak ko?" tanong ko sa kanya.

"Yes, sir. Mahal na mahal ko ang anak mo," he answered without hesitations.

"Gagawin mo ba ang kundisyon ko para sa anak ko?" Tanong ko pa sa kanya.

"Para kay Ingrid, oo."

"Very well. Layuan mo siya. 'Yan ang gusto ko..." Tumayo ako at lalabas sana sa study room pero hinarang niya ko.

"Hindi 'yan ang gusto ko. Bakit ko siya lalayuan kung mahal ko siya? Bakit ko siya lalayuan kung alam kong kakamuhian ako ni Ingrid. Please sir, nagmamakaawa ako. Please let us love," bigla siyang lumuhod sa harap ko. Nakita kong may tumulog luha sa sahig. "Please let us love," he whispered but enough for me to hear his sobbing voice.

"Stand up," I said.

"N-no. Hindi ako tatayo rito hanggang sa hindi ka pumapayag," he said with so much determination.

"Bahala ka."

Tinalikuran ko siya. Akma akong lalabas ng study room nang bigla siyang magsalita.

"Tatanggapin mo na ba ako kapag tao na ako?" nagulat ako sa sinabi niya. Tinignan ko siya. Nakatingin siya sa akin at naghihintay ng sagot. "If I'm going to convert myself, will you let me be with my Ingrid?"

Matagal bago ako sumagot. Tiningnan ko lang siya at hinihintay na bawiin niya ang sinabi niya.

"You're willing to do it?"

"I am."

"We'll see about that. Kapag nagawa mo na, saka kita tatanggapin. Ang gusto ko ngayon ay hiwalayan mo ang anak ko. Saka mo patunayan na mahal mo siya."

Ingrid's POV

"NAISIP mo ba ako Daddy? Kung ano mararamdaman ko? You provoked him! Ikaw nagtulak sa kanya na gawin 'yon. Hindi niya maiisip ang bagay na 'yon kung hindi ka naging mahigpit sa kanya!" I said almost crying.

"I'm sorry, my princess."

"Please, don't be sorry. You might as well enjoy seeing me miserable with my life without him."

With that, I left. I really can't accept the fact that Daddy was behind all this.

I left Daddy's company. Madilim na at gusto ko na ring magpahinga. Pumasok ako sa kotse ko at nagdrive pabalik sa sub. Wala sa sariling pumasok ako sa mansion. Nakita ko si Mommy na nasa sala at may hawak na tablet.

"Baby, check this out," I kissed her cheeks at saka niya sa akin ipinakita ang screen ng tablet niya. My eyes widened reading the news.

'Well known fashion designer, Ingrid Sy, from New York City was caught being carried by Korean Model Hariko Choi. After being seen by many, every witness said that Hariko hold Miss Sy's hands and runaway. Fans all over the world starting to hate her and starting making a social media riot. (source nonokpop.com)'

"I cannot believe it!" I exclaimed after reading the news. May picture rin na karga-karga ako ng yabang na 'yon.

"Nagkita na pala kayo ulit ni Hansel, hija? Bakit pala Model na siya?" tanong ni Mommy.

"Mom, he's not Hansel. Kamukha lang po. Believe me, akala ko rin siya yan," sabi ko at saka pabagsak na umupo sa couch.

"Talaga? Wierd. They really are alike. Anyway, bakit ka naman nali-link dito sa Korean Model na 'to? Don't tell me siya na ang ipapalit mo kay Hansel porke't kamukha niya?" Mom gave me a wierd look. I rolled my eyes heavenwards.

"Ugh! Mom, hindi, 'no. Nag-uusap lang kami diyan tapos binigyan na nila ng meaning. We're not even in good terms you know. That guy is an arrogant jerk," nakasimangot kong sabi. Hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi niya kanina. Nakakainis siya. Akala mo kung sinong sikat.

"Oh. Pero kung kayo ang magkakatuluyan—"

"Mom! Stop it will you?!"

"Okay. Okay. Ikaw naman. Hindi ka na mabiro," sabi ni Mommy. Napailing na lang ako.

Naiinis ako. Nakakainis talaga!

Pumasok ako sa kuwarto ko at nahiga. Such a long day. In just one day and dami kong malaman. Ayoko na! I wanna go back to New York. I wanna live free. I wanna shop kasama si Maxhene. I miss my bestfriend. Kung tawagan ko kaya? Ah huwag na. Umaga ngayon sa new york at baka nasa hospital siya ngayon. Minsan nawiwierduhan ako sa vampirette 'yon. Buti nga immuned na siya ng dugo ng tao.

I opened my drawer para kunin ang multi vitamins ko nang makita ko ang pahabang red velvet box. Kinuha ko 'yon at dahan-dahang binuksan. Tumambad sa akin ang kwintas na binigay niya sa akin noong royal ball. Napangiti ako. 'Yon 'yong moment na feeling ko Princesa ako.

Pumunta ako sa tukador at tiningnan ang sarili sa salamin. Isinuot ko ang kuwintas at pinagmasdan ito. I closed my eyes and imagining it was Hansel behind me wearing the necklace for me.

"I missed you so much, Hansel," I whispered while my eyes closed.

When will I see you again, Hansel? When we will be happy again? Another tear fell. I opened my eyes and slowly wiped my fallen tears on my cheeks.

"Hihintayin kita, Hansel. No matter how long it takes me to wait. I'll wait for you," I said while looking at his mirage. He gave me a sweet smile before fading away in the mirror. I extend my arms para abutin siya but he was gone. Isang illusion. Napayuko ako at napahagulhul. You'll always in my heart, Hansel.

Vampire City: Not Your Ordinary Vampire StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon