Chapter 47 - Remembering

104K 2.5K 191
  • Dedicated kay To God the Highest.
                                    

Chapter 47

Hansel's POV

"WE need to end this, Eunice," I said to her. Nasa kuwarto niya kami at medyo kalmado na kaming pareho. Hindi siya sumagot. Nakita kong may tumulong luha sa gilid ng mga mata niya.

Dahan-dahan niyang inangat ang kanyang mukha at kita ko ang pamumugto ng mga mata niya.

"A-are you breaking up with me because of Ingrid?" she said sobbing.

"No. Please Eunice, stop thinking that Ingrid has something to do with this. She didn't flirt or seduced me if that's what you wanted to say."

"Please don't leave me. I'll do anything for you just... just don't break up with me," pagmamakaawa niya. Lumapit siya sa akin at kinuha ang kamay ko pero agad ko itong binawi.

"I admit, I fell out of love on you a very long time ago. I just can't love a person who keep secrets from me. Then Ingrid came into the picture. And for the first time in my life, It feels like I am the right place. It was like, she knew me well more than myself... more than you."

"I can't let you go, Hariko. You are mine and no one can take you away from me!" she said angrily and I can see her raging eyes.

"Eunice..."

"But if you take back your words and ask forgiveness, I will still accept you and pretend that nothing happened," ngumiti siya sa akin at ngayon ko lang nakita ang totoong Eunice.

I have always doubted her pero mas pinili kong huwag 'yong pansinin dahil sa pag-aakalang siya lang ang nakakakilala sa akin ng lubusan. But seeing her right now with her sinister smile, I was certain that she was hiding something from me. Something about my real identity.

"I won't take back my words, Eunice. And whatever you're hiding from me, I intend to find it out." I said looking directly to her eyes.

Nag-iwas siya ng tingin at saka ako tumayo. Lumabas akong kuwarto niya. Halos mapahilamos ako sa aking mukha. I was grateful with Eunice because she was always by my side when I need her most. Pero hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa kanya kapag nalaman ko na ang totoo.

Pupunta na sana ako sa kuwarto namin para matingnan ko rin si Ingrid pero nahagip ng tingin ko ang kumikinang na pendant. Nangunot ang noo ko na nilapitan 'to.

"Kay Ingrid 'to, ah," I said to myself. It was her necklace. Kinuha ko 'to at tiningnan.

"I love you, Ingrid."

"I love you, too, Hansel."

Nasapo ko ang ulo ko at napasandal sa pader. Pakiramdam ko may mga alaalang pumapasok sa utak ko.Ang sakit-sakit ng ulo ko. Para itong binibiyak. Napahawak ako ng mabuti sa kuwintas. Parang nagdidilim ang paligid ko. Unti-unti naramdaman kong bumagsak ako sa sahig.

* * *


"ANO?!"

I winced when Maxhene shrieked angrily. Pinapunta ko siya dito sa bahay at sinabi ko sa kanya ang nangyari. Hinatid ako kanina nina Kio dito sa bahay at mabuti na lang wala pa sina Mommy at Daddy kung hindi magagalit 'yon lalo na kapag nakita nila ang nangyari sa mukha ko.

"Makasigaw ka naman," I said pouting.

"Aba! Sino'ng hindi mapapasigaw?! Sinabunutan ka ng Eunice na 'yon at hindi ka man lang naglaban?! Quota na siya, ah! Wala siyang karapatan na saktan ang bestfriend ko! Ano, gusto mo gantihan ko siya? I could easily feed her to blood suckers!"

Vampire City: Not Your Ordinary Vampire StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon