Chapter 34 - Again

125K 2.7K 130
                                    

Chapter 34

Erina's POV

"WHY are you here, son? Bakit dala-dala mo ang mga gamit mo?" tanong ni dad kay Kuya nang makita niya itong papasok sa kaharian at dala-dala ang mga bagahe niya.

"Not now dad. I'm not in the mood to talk about it." Sagot lang ni Kuya saka tumaas sa room niya.

"Ano'ng nangyari sa Kuya mo?" Baling ni Daddy sa akin. Nagkibit balikat lang ako. Hindi ko mabasa ang iniisip ngayon ni Kuya, eh. He's blocking me from reading him.

"I don't know, dad. Kuya's been acting strange after we left Ate Ingrid at the sub." Sabi ko.

Paglabas kasi ni Kuya kasama si Cris at Tom sa bahay nila Ate Ingrid at hindi ko na mabasa ang iniisip niya. Hindi ko nga alam ang pinag-usapan nila sa loob, eh.

"I'm sensing something. Better figure it out, Erina." Sabi ni Daddy at saka iniwan ako. Papasok sana akong kuwarto ko nang makarinig ako ng nabasag sa loob ng kuwarto ni Kuya. Nilapitan ko ito at nilapit ang tainga sa pinto. Wala na ang ingay.

"Kuya? Kuya, can I come in?" Hindi ako kumakatok kasi alam ko naman na naririnig niya ako. "Kuya papasok ako diyan ah." hindi ko na hinintay na sumagot si Kuya kaya pumasok ako sa kuwarto niya without opening the door.

"Eh?"

Nakita kong basag ang bintana ni Kuya. Malaki ang basag nito at kasing laki ng tao. Hindi ko rin nakita si Kuya sa loob.

Umalis ba siya at sa bintana dumaan? Ano naman kaya 'yon? Puwede naman siyang dumaan sa main door, eh. Ano na naman kaya ang trip niyon?

May naapakan akong papel kaya tinapon ko lang ito sa gilid. Ang kalat talaga ni Kuya. Lumabas na lang ako sa kuwarto niya.

"Erina!"

"Ay butiki! Ugh! Cris! Ano ba!"

"Tss. Bakit ba parang ang wierd mo? Nasa loob na si Hansel?" Tanong niya sa akin.

"Aba malay ko! Kanina nasa loob siya tapos pagpasok ko 'ayun basag na ang salamin ng bintana niya. Doon ata siya lumabas. Ang wierd ni Kuya lang." Sabi ko.

"ANO?! Fuck! He really did it! Bakit hindi mo pinigilan?!" Sigaw niya sa akin. Napamaang naman ako.

"Pigilan?! Eh, nagkataon lang ngang dumaan ako sa kuwarto niya, eh! Ano ba kasing problema ni Kuya?!" Nakapameywang kong sabi.

"Hindi ko puwedeng sabihin sa'yo. Nag-promise ako sa kanya na wala akong sasabihin." Sabi niya. Agad ko naman siyang binatukan. So nag-si-sikreto na siya sa akin ngayon?

"Ano ba! Erina bakit ka ba nambabatok?!" singhal niya sa akin.

"Makakatikim ka pa sa akin ng isang pagbabatok kung hindi mo sasabihin ang problema ni Kuya!"

"Nag-promise nga ako sa'yo sa Kuya mo!"

"Kapag hindi mo sinabi ba-bastedin talaga kita!"

"Eh 'di bastedin mo!"

"Ah gano'n?! Sige! Basted ka na! Wag ka nang magpapakita sa akin!" singhal ko sa kanya at saka tinalikuran siya. Buwisit na 'yan! Bakit hindi ko puwedeng malaman? Kaibigan din naman niya ako, ah. Wala namang nagbago do'n kahit nililigawan na niya ako.

Hindi pa ako nakakalayo nang maramdaman ko ang yakap niya sa likod ko.

"Erina naman, eh. Sorry na. Joke lang 'yon. Bati na tayo, ah?"

"Ewan ko sa'yo! Bitawan mo nga ako! Hmp!" Kumawala ako sa kanya pero agad din naman niya akong nayakap.

"Sorry na, please? Sige na sasabihin ko na sa'yo. Huwag mo lang akong bastedin," lihim naman akong napangiti.

Vampire City: Not Your Ordinary Vampire StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon