Chapter 14 - The Royal Family

162K 4K 265
                                    

Chapter 14

Drake's POV

NAKATINGIN ako sa kawalan nang biglang lumitaw ang aking ama.

"Ano'ng kailangan niyo?" sabi ko nang hindi man lang siya tinitingnan.

"Alam ko na ang secreto mo."

I saw him grinning.

"Anong secreto?!" kinakabahan kong tanong.

"Mahal mo ang babaeng 'yon!"

Nagulat ako. Hindi ko akalain na malalaman ng ama ko. Pero paano?

"I followed you. And I saw with my own eyes kung paano ka masaktan nang mas pinili ng babae ang prinsipe." Napatiim-bagang ako nang maalala ko ang nangyari.

"Mahal niya ang prinsipe. Wala na akong magagawa do'n."

"Meron pa."

Napalingon ako sa kanya. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"May plano ako."

* * *

Ingrid's POV

PAPUNTA kami ngayon sa palasyo nina Hansel. Grabe nakakakaba! Nanlalamig ang mga kamay ko. Magustuhan kaya nila 'ko? Paano kung ayaw nila sa akin kasi tao ako? "Me and Hansel against the vampire world" ang peg namin niyan. At hindi ko pinangarap na magkaroon ng madramang love life.

"Ready?" tanong ni Hansel sa akin.

Nasa living room ako ng penthouse at kanina pa pabalik-balik naglalakad. Hindi ako mapakali, eh. Kanina lang nang bigla niyang sabihin na ipapakilala niya ako sa pamilya niya.

"I think so?" hindi sure na sabi ko.

"Don't worry, they will love you."

Napatingala ako pagpasok namin sa palasyo nila. Marami na akong napuntahan na magagandang lugar pero ito na ang pinakamagara. Wala akong masabi. Iba ang imagination ko tungkol sa palasyo nila. Iyon bang makaluma na at madilim. Pero iba ito. Maliwanag siya at maraming antique vases at paintings.

"Ang ganda dito," bulong ko sa kanya.

"Wait until I tour you around," he said.

Napatango lang ako. Sabi niya ay ito ang bulwagan. Nakita kong may apat na upuan sa pinakadulo nitong hall. Iyon ata ang trono nila. Bakit kaya nakahiwalay ng tirahan si Hansel sa kanila? Ayaw niya ba dito?

Nakita ko si Erina na lumabas at may kasama siyang isang mestisa na babae. Nakasuot ito ng mahabang gold like gown at may maliit na tiara sa ulo. Sa tabi naman niya ay mestisong lalaki na kamukha ni Hansel. Sobrang kisig at halata sa mukha niya ang pagiging makapangyarihan. Grabe ang babata nilang tignan. Kung titingnan, para silang mga 30 years old lang.

"You must be Ingrid. What a beautiful girl." Niyakap ako ng babae at alam kong siya ang Nanay nila Hansel. Nakaka-intimidate ang ganda niya.

"Nice to meet you po." Nagbow ako nang bahagya for respect.

"Ako ang Mommy ni Hansel. Queen Veruca. But you can call me 'mommy' since magiging asawa ka na ng anak ko."

Natawa lang ako sa sinabi ng Mommy ni Hansel. Bakit ang advance nila mag-isip?

"Kayo po siguro ang daddy ni Hansel." Nagbow din ako.

"Yes. Don't call me 'king' hija. Tito Vladimir na lang. Or 'dad' for short."

Napapangiti lang ako sa kanila. Hindi mo aakalain na mga bampira ang kaharap mo. At hindi ko rin lubos maisip na ang kaharap ko ay isang Hari at Reyna.

"And these are Cris and TOM. Sila 'yong ikinukuwento ko sa'yo before." Sabi ni Hansel.

"Hi." I wave at them at ngumiti lang sila. Parehong matangkad ang dalawa. Medyo may pagka pilyo-vibe si Cris at pormal naman si Tom. So ito ang mga bestfriends ni Hansel.

Ramdam ko talaga na welcome ako sa pamilya ni Hansel kahit hindi nila ako ka-uri. Sobrang dami nilang ikinukuwento sa akin at kadalasan ay tungkol kay Hansel. Sinabi ko rin sa kanila kung paano ako napadpad dito at ang tungkol sa pamilya ko. Ipinaghanda pa nila ako ng pagkain at sinaluhan ako kahit hindi sila kumakain.

After ng dinner ay sinimulan akong i-tour ni Hansel sa loob ng palasyo.

"This is the south wing. Nandito ang royal library." Pinasilip niya ako sa loob ng library at sobra akong namangha. Sobra niyang laki at sobrang taas. First time kong makakita ng ganito kalaking library.

Sunod naming pinuntahan ay ang portrait room. Ang daming paintings doon ng mga dating Hari at Reyna na namuno. Mga ninuno nila.

"This is my grand-father," Itinuro niya sa painting na katabi lang ng family portrait nila. Compared kay Hansel at kay King Vladimir, medyo nakakatakot ang hitsura nito. Para bang napaka-istrikto

"Is he still alive?"

"Nope. Namatay siya sa Italy. Foul play of course. Hindi naman kami namamatay ng basta-basta."

"Sino ang pumatay sa kanya?" pagtatanong ko pa.

"Hindi ko alam. Pero may rumor daw na baka pinatay ng dating Hari ang sarili niya kasi pagod na ito."

"Pagod?" curious kong tanong.

"Oo. Minsan kasi, kapag nararamdaman na ng mga vampire na matagal na silang nabubuhay at masyado nang mahaba ang pananatili nila dito sa mundo, ginugusto din nilang mamahinga."

"Ikaw ba? Hindi ka pa ba napapagod? Matagal kana sa mundo, ah."

"No. My life is just about to start. And I will spend my forever with you."

Forever. Mabubuhay siya nang walang hanggan. Eh, ako? May limit ang buhay ko. Plus, tatanda pa ko at mangungulobot ang balat ko. Papangit ako!

"Mamamatay ako Hansel. Kasi tao ako. Tatanda ako. Papangit ako kapag matanda na ako. Kaya hindi mangyayari ang sinasabi mong forever," malungkot kong sabi.

"Bakit ba kasi iniisip mo ang hinaharap? Isipin mo ang ngayon. Let's enjoy every moment." Hinaplos niya pisngi ko gamit ang dalawang daliri niya. Napatango naman ako.

"Bakit ba kasi ako na-in love sa vampire?"

Agad na napatakip ako sa bibig. Huli na nang malaman ko kung ano ang nasabi ko sa harap ni Hansel.

"Ano'ng sabi mo?" Sabi niyang nakangiti.

Halata sa ngiti niya ang sobrang amusement.

"Hehehe. Wala. Ikaw talaga." Tumalikod ako sa kanya para itago ang pamumula ng mukha.

"Narinig ko, eh."

"Narinig mo pala. Bakit mo pa pinapaulit?" kunwaring naiinis na sabi ko.

"Gusto ko lang marinig ulit."

"Ayoko nga."

"Umamin ka na. Mahal mo na rin ako." pang-aasar niya.

"'Di ko na uulitin! Tutal alam mo na naman!"

"Bakit ka ba nagagalit? Kasi buking ka na?"

"H-hindi ah!"

"Hahaha. You're blushing, cupcake."

"Hmp!"

"Hahaha."

Nilibot pa namin ang palace kahit asar na ako. Kainis siya! Narinig naman pala, eh. Bakit ba kasi nasabi ko 'iyon bigla? Eee! Ang bibig ko talaga!

N

Vampire City: Not Your Ordinary Vampire StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon