Chapter 4 - His stare

228K 5.7K 578
                                    

Chapter 4

Hansel's POV

I'VE BEEN staring at her for about eight hours already. This is the first time I've ever seen someone sleep. She's so soundless. Her breath, parang gusto kong maramdaman ang bawat paghinga niya.

I know she's a human. Ang hindi ko alam ay kung paano siya napadpad sa lugar na 'to. Kanina nang kinompronta ko siya sa may gate ng school, naamoy ko agad ang dugong nananalaytay sa katawan niya. Hindi pa siya nagtatagal dito kaya hindi pa siya exposed sa lahat.

Iyon din ang dahilan kung bakit gusto kong sa akin lang siya sumama. As a prince in this town, I am disciplined when it comes to human blood. Eventhough lahat ng nakatira dito ay desiplina 'pagdating sa sariwang dugo ng tao, hindi pa rin maiiwasan na ma-trigger ang senses nila sa fresh blood.

Isa pa sa dahilan kung bakit gusto kong sa akin siya sumama ay dahil alam kong oras na tumuntong siya dito sa Vampire City naramdaman kong alam na rin ng mga Sanguinarians na may tao sa lugar namin. Sa katunayan, wala naman akong dapat pakialam kung makuha siya ng mga Sanguinarians. Pero kanina nang hinawakan ko ang braso niya, nakaramdam ako ng kakaiba. At first time kong makaramdam ng gano'n.

Nakita kong gumalaw siya nang bahagya sa higaan. Lihim akong napangiti. Ganoon pala ang taong natutulog.

Kaming mga bampira, hindi kami natutulog. Kaya isa sa mga insecurities namin ang life. The uncertainly of life. Iyong tipong hindi mo alam kung ano ang mangyayari sa iyo bukas. Iyong aantukin ka. Sasakit ang katawan mo. Mabubuhay kang hindi nagtatago sa araw at walang sunglass.

Hindi ko alam kung hanggang saan ang matutuklasan niya. At natatakot akong sa oras na malaman niya kung nasaan siya ay matakot siya sa akin.

"Bakit nandito ka pa?" she asked while yawning.

Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. "Uhh, I was— uhh." I don't know why I can't say anything right now. Feeling ko kasi nahuli niya akong nakakatitig sa kanya, eh.

"Siguro tinititigan mo ako 'no?!" she said teasingly.

"H-hindi, ah! Ayaw lang kitang maiwan dito na mag-isa," palusot ko.

"At bakit?"

"W-wala! Basta! Huwag nang maraming tanong!" Nag-iwas ako ng tingin.

"Anong oras na ba?" tanong niya.

"Alas-dose na ng tanghali." Bigla namang nanlaki ang singkitin niyang mata.

"Waah! Gutom na ako!"

Para naman akong naawa dahil sa sinabi niya.

"Maligo ka na at magbihis," utos ko at saka tumayo.

"Eh?"

"Oh? Retarded ka talaga! Sige na at dadalhin kita sa restaurant." Para namang nangislap ang mga mata.

"Waah! Talaga? Thank you!" Tumakbo siya palapit sa akin at bigla-bigla na lang akong niyakap.

"H-hey! A-ano ba?!"

"Pero wait, bakit ang lamig mo? Oh, geez! You're freezing!" Bumitaw siya sa akin at lumapit siya sa aircon. "Hindi naman malamig, ah." Itinapat niya ang kanyang kamay sa aircon.

"Pfft! Nagha-hallucinate ka lang. Maligo ka na para mawala 'yang antok mo."

Nagpout lang siya. Damn! Why is she so cute when she does that?

"Sige maliligo na ko. God, I'm famished."

Ingrid's POV

NAGULAT ako nang makita kong bihis ni Hansel. Sinabi niya sa akin na nakatira siya sa penthouse ng hotel na 'to. Napag-alaman ko rin na ang family niya ang nagmamay-ari nitong hotel, mall, at 'yong school.

Vampire City: Not Your Ordinary Vampire StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon