Chapter 12 - The Sanguinarians

175K 4.2K 386
                                    

Chapter 12

Third Person POV

NAPATIIMBANAG ang pinuno ng mga Sanguinarian nang makumpirma ang hinala niya. Matagal na niyang nararamdaman na may mortal na nakapasok sa vampire city pero bigla na lamang nawala ang bango nito.

Hindi siya tanga para hindi malaman na ang mortal ay ang nakasulat sa propesiya. Alam niya ang tungkol do'n. At hindi siya papayag na matupad 'yon. Ang pagkakaroon ng isang damphyr sa isang kaharian, ibig sabihin ay mas lalakas ang kapangyarihan nito. At 'yon ang dapat niyang pigilan. Hindi na siya papayag na isang Kang na naman ang mamuno sa mundo nila. Oras na para ang mga Sanguinarian naman ang mamuno.

"Maghanda kayo. Kukunin natin ang babae sa eclipse." Wika ni Devant Drian sa kanyang mga tagasunod.

"Masusunod, Master Devant."

"Na saan ang anak ko?" tanong nito habang nakatanaw sa labas ng kanyang nasasakupan.

"Nasa West po, Master." Nakayukong sagot ng isa.

"Mabuti. Alam ko naman na hindi niya ako bibiguin."

* * *

Ingrid's POV

WALA si Hansel sa penthouse pero iniwan niya ako ng mga babasahin. Sinabi ko kasi sa kanya noong isang na gusto kong pag-aralan ang history nila kaya may mga binigay siyang libro sa akin. Maghapon daw siyang mawawala dahil busy siya sa preparations para sa eclipse.

I started reading the books. Feeling ko nagbabasa ako ng fictions.

Vampire City is a monarch ruled by a King and Queen. The kingdom is located at the West part of the City. However, the city is devided into four. The West or downtown where most of the vampire resides. North, which is also known as the vampire province. It was ruled by a Priminister, commonly a family member of the royal family. The East part is part of West where most of Elites and Aristocrat vampire resides. And lastly, the South part, where the Sanguinarian resides.

Natigil ako sa pagbabasa nang mabasa ko ang Sanguinarian. Saan ko ba narinig ang salitang 'yon? Ah! Minsan na 'yon nabanggit ni Erina, eh. I wish Hansel was here so he could explain it to me.

It was seven in the evening when I went to Plaza. Sobra na kasing nakakabagot sa penthouse lalo na't wala naman akong makausap. Nadatnan kong may mini concert na naman sa plaza. Naalala ko tuloy si Drake. Saan na kaya 'yon?

Last ko siyang nakita noong tournament. Minsan naiisip ko kung nagbibiro lang ba siya doon sa sinabi niya. Sana nga joke lang 'yon.

"Ingrid..."

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Speaking of Drake. Heto siya ngayon sa harap ko. Wearing his rider attire—black leather jacket, skinny jeans and black boots.

"Drake! Long time no see," nakangiti kong salubong sa kanya. Ngumiti rin siya pero ramdam kong pilit lamang ito.

"Napadaan lang ako. Hindi ko nga alam na nandito ka."

Tumabi siya sa akin. Pareho kaming nanonood ng concert. Ito rin ang dating puwesto namin no'ng una kaming nagkita.

"Kumusta ka na pala?" tanong ko.

"Okay lang naman ako," matipid niyang sabi.

Ni hindi man lang siya tumingin sa akin. Nakangiti nga siya pero parang hindi naman genuine. Parang pinipilit lang niya.

"Galit ka ba sa akin, Drake?" Tumingin ako sa mukha niya.

"Of couse not. Why would I?" He said with a fake smile.

Vampire City: Not Your Ordinary Vampire StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon