S I X

17K 430 30
                                    

Chapter 6: My House

Riene Allison's POV

Matapos ang mga kaganapan kanina ay agad na akong nagtungo sa sunod kong klase. Pareho kami ni Sandra ng schedule kaya magkaklase kami ngayon.

May kadal-dalan na rin ako sa wakas!

Dumating na rin ang prof. namin at nagsimula nang magklase.

"Hoy, Riene." Tawag ni Sandra sa akin sapat para hindi marinig ng iba pa naming kaklase.

Tumingin lang ako sa kanya at itinaas ang aking kilay.

"Anong relasyon niyo nung Brace?" Tanong nito out of the blue na siyang ikinatawa ko.

"What the fuck are you saying?" Nasabi ko na lang na natatawa parin.

"Mukha kasing may something special sa inyo." Paling nito sa unahan.

"E, ano naman kung meron?" Biro ko.

"F. O, Friendship Over na tayo."

Aba't ang maldita, natuto na ring lumandi.

Napatawa na lang ako lalo sa mga sinabi niya.

Minsan lang magkaroon ng interes to sa lalaki. Pero kalimitan mga crush lang lagi.

"Sabi mo wala a, wala nang bawian." Bulong pa nito habang nakatuon parin ang atensyon sa unahan.

Natapos ang klase at parang nagdaan lang ang ilang minuto, marahil na din yata sa hindi ko pakikinig habang nakikipagkuwentuhan kay Sandra.

Last subject na namin iyon kaya nagligpit na kami ng gamit at nagsimula nang maglakad palabas ng Campus.

Nang nasa may gate na kami ay napansin ko ang nakaabang na Timothy Ford kaya agad kong binilisan ang paglalakad at nagpanggap na hindi siya nakita. Lalampas na sana ako sa kanya nang bigla niyang hinawakan ang aking kamay at hinila sa kung saan. Napatingin na lang ako kay Sandra at sinenyasan na mauna na siya.

Dinala ako ni Tim sa isang classroom na wala nang tao at doon nag-usap.

"Sabihin mo na ang dapat mong sabihin. Mahalaga ang oras ko kaya huwag mong sasayangin." Walang interes kong sabi sa kaniya habang nakacrossarms at nakatingin sa kung saan.

"About earlier... I'm sorry, I lied." Sambit nito in an apologetic tone na nagpapaling ng atensyon ko sa kaniya.

Parang umakyat lahat ng dugo ko sa utak nang sinabi niya iyon. Nagpantig ang mga tenga ko at hindi makapaniwala na inaamin niya sa akin ito.

"So you lied?" Tanong ko.

Kumikirot ang puso ko dahil sa nalaman ko.  Ang sakit na mapagtaksilan ka ng taong minahal mo. Oo, aaminin ko, may nararamdaman pa ako sa kanya kaya ako nasasaktan. Pero I should quit this as early as now. Ayoko nang masaktan pa at ayoko na ring bigyan pa siya ng pagkakataon.

One more chance, One more cry, ika nga.

"Sorry." Iyon lamang ang kumawala sa bibig niya. I was expecting him to defend himself, pero instead of that ay humingi lang siya ng tawad.

"So pinagmukha mo akong tanga all this time?" Maluha-luha kong tanong sa kanya. Nakita kong umiwas siya ng tingin na para bang nagui-guilty sa ginawa niya. "Hindi mo ba alam kung gaano ako naghirap? Araw-araw tinatanong ko sa sarili ko kung bakit ayaw kitang bigyan ng chance... Knowing na aksidente lang ang lahat..." Hindi ko na napigilang tumulo ang mga luha ko. " And now you are saying sorry and asking for my forgiveness?"

When Kamatayan Falls in Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now