N I N E

16.4K 388 42
                                    

Chapter 9: Tomato and Onion

Riene Allison's

Muli akong nagising sa tunog ng alarm clock.

2 oras lang ako nakatulog dahil sa mga tanong na bumabagabag sa aking isipan.

Bumangon na ako at nag-ayos ng sarili. Matapos nito ay dumiretso na ako sa kusina at nadatnang nagluluto si Grey.

Mabango ang niluluto niya, as usual sa isang Death Grey ay seryoso siyang nag-gigisa sa kawali.

"I know you have a lot of questions in your mind." Sambit nito habang nakatuon parin sa niluluto ang atensiyon.

"Anong papel ko?" Tanong ko na siyang nagpatigil sa kaniyang ginagawa.

"Malalaman mo rin iyan sa tamang panahon." Sagot nito at isinalin ang niluto sa pinggan.

Kailan pa? Kailan pa ang tamang panahon? Mababaliw na ata ako sa kaiisip sa tanong na iyan.

"All you need to do is live your life as usual." Dagdag pa niya.

"Paano naman ako mabubuhay ng normal kung ang bawat nangyayari sa buhay ko ay hindi normal?" Katuwiran ko.

"Bakit ba kasi nangyayari to sa akin? What's the reason for this shitty things?" Dagdag ko pa.

Umupo lang siya sa lamesa at nagsimula nang magsalin ng pagkain sa kaniyang plato.

"Just watch, and you'll see." Maikli niyang sagot at saka isinubo ang kutsara na naglalaman ng pagkain.

Bakit ba kasi ayaw pa niyang sabihin?

Sure ako na may kaugnayan ito sa misyon niya kaya lingid sa kaniya ang mga nangyayari.

Nagwalk-out na ako dahil sa inis at nagbihis na saka dumiretso ng school na hindi manlang nagpapaalam.

Kung hindi mo sasabihin, ako mismo ang tutuklas.

Dumiretso agad ako sa abandoned building at doon ay pumasok.

Napakadilim dito at tila ba pinamamahayan na ng kung ano mang masasamang espirito ang itsura. May mga bahid ng dugo sa dingding at ang iba naman ay pintura na nakasulat ay "Die".

Hindi ako sure kung nandito ang lalaking nakamaskara pero I hope na he's here.

Sa tingin ko ay alam niya ang sagot sa mga katanungan ko.

" Anong kailangan mo." Tanong ng isang lalaki sa likod ko kaya agad akong pumaling at nakita ang lalaki sa puting maskara.

"M-masasagot mo ba ang tanong ko?" Nanginginig kong tanong sa kaniya.

"If I were you, mas mabuti kung hindi ko na lang paiiralin ang aking kuryosidad. Hindi mo ba alam na dahil sa ginagawa mo ay mas pinapalapit ka nito sa itinakdang gagampanan mo?" Sambit nito habang lumalapit sa akin.

Ano nga iyong gagampanan ko?

Humakbang pa ito at may ibinulong sa akin. "Do not let the devil inside you to reign all over your body." Ngumiti ito at naglakad palayo hanggang sa tuluyan nang lamunin ng dilim.

Pumasok na rin ako para sa klase ko. Nadatnan ko sa room si Mr. Grey na nakaupo sa tabi ng pabirito kong pwesto.

No choice ako kasi iyon na lang ang bakanteng upuan kaya naupo na ako at ibinaba ang gamit.

"Are you mad?" Tanong nito.

Hindi ko siya pinansin at sa halip ay nagpanggap na may sinusulat sa aking notebook.

When Kamatayan Falls in Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now