T H I R T Y - T H R E E

8.6K 208 28
                                    

Chapter 33: Lucy

Riene Allison's POV

"Omg! Adjectiveless." Wika ni Jenny na tila ba manghang mangha.

Tumingin ako sa salamin at nakita ang aking sarili.

Ako ba to? B-bakit parang diyosa ang nakikita ko sa sarili kong repleksyon?

Nakalugay ang buhok ko pero kulot yung dulo. Suot ko na rin yung flower crown at yung dress at nagfit nga ito sa akin.

Meron din akong light make up at color pink na lipstick. Ang simple ko tingnan pero hindi nakakasawang titigan.

Nabuhat ko na ata yung sarili kong bangko.

"Nasan si Riene?" Tanong ni Sandra na kapapasok lang sa pinto.

Lumingon-lingon siya sa buong kuwarto at nilagpasan lang ako ng tingin.

"Nandito ako." Ani ko at halos manlaki naman ang mata niya nang mapansin ako.

"Ikaw na ba talaga yan?" Tanong nito at manghang-manghang lumapit sa akin.

Nakasuot na rin sila ng dress. Pink at skyblue ang motif kaya yun din ang kulay na suot nila.

"Ang ganda mo." Saad ni Kim na kakapasok lang din sa pinto.

Ano ba nakaka-flatter.

"Maganda rin kayo." Ani ko at ngumiti sa kanila.

"Nandito na sila. Sisimulan na namin ang program after 5 minutes kaya dito ka lang at maghanda sa grand entrance mo." Wika ni Sandra at lumabas na ng kuwarto kasama si Jenny at Kim.

Ano kayang itsura ni Grey? Siguro sobrang kisig niya at sobrang guwapo. Argh, nae-excite tuloy akong lumabas.

Masaya ako ngayon at the same time ay kinakabahan. First time ko kasi magkaroon ng ganito kaengrandeng celebration dahil nga nasa ibang bansa sina Mommy and I'm spending my birthdays alone.

Sana okay na sina Mommy doon. Kahit na itinago nila sa akin ang buong katotohanan ay hindi ko pa rin magawa ang magalit sa kanila. Siguro nga tama siya, a family is about the connection of people loving and caring each other, wala sa dugo.

Narinig kong nagsalita na si Sandra at si Riko sa mic at narinig ko rin ang palakpakan ng mga tao.

Bakit parang ang dami ko atang bisita?

"Now let us welcome our celebrant, Riene Allison." Aniya kaya tumayo na ako sa harap ng salamin at binuksan ang pinto ng kuwarto ko.

Narinig ko ang masigabong palakpakan ng mga bisita nang masilayan ako.

Nagulat ako nang may kamay na nag-abot sa akin sa may pinto para alalayan ako.

"You never disappoint me." Bulong ni Grey at inakay na ako pababa.

He's wearing a blue tuxedo at blue pants. Ang kisig at ang guwapo niya ngayon. Nakaka-inlove!

Nilagyan niya rin ng wax ang buhok niya na hindi niya ginagawa ever since. He did that for me. Shit! Kailangan ko na ata ng oxygen dahil hindi ako makahinga sa lakas ng tibok ng dibdib ko lalo pa't kaharap ko ang isang napakaguwapong nilalang sa buong universe.

Ang suwerte ko talaga sa kaniya.

Actually, wala talaga akong alam dito. Ni hindi ko nga alam yung flow ng program, paano ba 'to?

"Let us hear a short message from our celebrant." Sabi ni Riko at inabot sa akin ang mic.

Hala, anong sasabihin ko?

When Kamatayan Falls in Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now